KATHRYN'S POV
Nagising ako ng may nag-door bell. Tiningnan ko muna yung oras na nakasabit sa wall at 9pm na pero may tao pa. Gabi na ah. Lumabas na ko at tiningnan kung sino yung nagdoorbell.
Hmmp! Wala namang tao eh. Pero may natalisod ako habang papabalik sa gate.
Ano to?
Nakabalot sya sa kahon. Pumasok muna ko bago tingnan yung laman nito. Nagtataka naman ako kung bakit may magbibigay ng regalo ng ganitong oras.
O_____O
Naibalibag ko yung kahon ng makita ko yung panyo na may dugo at katabi nito yung kutsilyo. Wala namang nakalagay kung sino yung nagbigay. Wala ring sulat.
Ano kayang ibig sabihin nito. Bigla naman akong kinabahan. Tinapon ko na sa basurahan yung nakita ko at umakyat na sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Dj na nagbabasa ng libro. Tumingin lang sya sakin pero hindi nya ko pinansin.
"Dj.. " sabi ko.
DANIEL'S POV
Nainis ako kay Kathryn, kaya umakyat nalang ako sa kwarto. She have to learn how to take care of herself. Pano nalang kung wala ako sa tabi nya. Walang pipilit sa kanyang kumain. Tsk! Palibhasa kasi pinapairal ang pagkaspoiled brat.
Narinig kong bumukas ang pinto, tiningnan ko lang saglit kung si Kathryn ba yon pero bumalik din ako sa pagbabasa.
"Dj.. " sabi nya. Nagulat ako dahil sa tinawag nya sakin at yung boses nya may halong kinakabahan. Yung parang hindi mapakali.
"Matulog ka na.." Cold na sabi ko habang nakatingin sa libro. Di ko pa rin sya tinitingnan.
"I c-can't.. " sabi nya. Tiningnan ko naman sya at nagulat ako ng may namumuong luha sa mata nya.
Shit!
Lumapit sya sakin at umupo.
"B-baby what's your problem? " concern na tanong ko sa kanya.
"A-aahhm.. *sob* " yan lang yung nasabi nya tapos umiyak na sya. Niyakap ko nalang sya at inilagay ang mukha nya sa dibdib ko.
"Baby.. Im sorry. Inaalala ko lang naman kayo ng baby natin kaya ko nasabi yon." Sabi ko. Habang hinahagod ang likod nya. Alam ko namang kasalanan ko eh.
"H-hindi y-yon.. " sabi nya sa pagitan ng pag-iyak nya.
Hinarap ko sya sakin at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.
"Kath.. What's that? Spill it. " sabi ko.
"K-kasi nagising ako kanina dahil may nagdoor bell. " Kath.
"San ka natulog? " tanong ko.
"Sa s-sofa.. " shit!
"Bakit dun ka natulog? May kwarto naman tayo diba? " sabi ko.
"Eh kasi galit ka sakin. " sabi nya.
"Tsk! Wag mo ng uulitin yon ha? " sabi ko, at tumango naman sya.
"Tuloy mo na. " sabi ko.
"A-ano.. Binuksan ko yung pinto. Lumabas ako hanggang sa gate. Ta-"
"Lumabas ka ng ganitong oras? Pano kung may mangyari senyo ng baby? " sabi ko. Hay nako Kathryn.
"Itutuloy ko pa ba? " sabi nya na medyo naiirita na.
"Ge." maikling sagot ko. Concern lang naman eh.
"Hmm.. Wala namang tao nung lumabas ako pero nung papasok na ulit ako may natalisod akong kahon. Pumasok muna ko sa loob at nung binuksan ko.. M-may lamang, panyo na may d-dugo at.. At m-may kasamang k-kutsilyo. " and with that humagulgol na sya ng iyak.
Fuck!
"Bakit ka pa kasi lumabas? " tanong ko. Sino naman kayang loko-loko ang gagawa nun?
"M-may nagdoor bell nga diba? " hayst. Nalilito na nga ako dito eh.
"May kaaway ka ba? " tanong ko sa kanya.
"Wala naman.. " sabi nya. Hiniga ko na sya para makapagrest na sya.
"Sige.. Wag mo ng intindihin yun ha? Matulog ka na. Baka may nantitrip lang jan." Sabi ko.
Kumunot lang ang noo nya at pinikit na rin ang mga mata. Sino kaya yun? Malaman ko lang kung sino yun. Magsisisi sya!
-end-
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
RandomIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...