KATHRYN'S POV
Pagdating na pagdating namin sa bahay. Dumiretso na agad ako sa kwarto.
Hay.. hilong-hilo talaga ko at ang tanging gusto ko lang ngayon ay humiga.
"Kath.. okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Daniel sakin.
"Oo okay lang ako. Medyo hindi pa rin kasi nawawala yung hilo ko. " sabi ko habang hinihilot ang sentido ko.
"Siguro kailangan mo ng magpacheck-up. " sabi nya.
"Hindi na kailangan. Wag ka na mag-alala okay lang talaga ko." Sabi ko.
"Tsk. Ikaw kasi eh. Ang tigas ng ulo mo. Sabi ko sayo kumain ka sa tamang oras diba? " ayan nanaman sya.
"Alam mo minsan naiisip ko kung simbahan ba tong bahay natin. " sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.
"Bakit naman? " sabi nya na parang naguguluhan.
"Puro ka kasi sermon eh. Siguro Pastor ka no? " pang-asar na sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga.. Nakuha mo pang magbiro." Sabi nya.
"Ahm.. Daniel. " ako.
"Dj nalang. Siguro kailangan na din natin ng endearment no? " sya.
"Ikaw.. Ano bang gusto mo? " tanong ko sa kanya. Gusto ko kasi tatanungin ko muna sya kahit sa maliliit na bagay lang. Isa rin kasi yun sa sangkap para tumibay ang samahan ng mag-asawa. Ang magkasama sa mga desisyong gagawin.
"Kasi ako pinangako ko sa sarili ko noon na ang babaeng papakasalan ko lang ang tatawagin kong BABY. So sa tingin ko ikaw na yun. " sabi nya. Kinilig naman ako sa sinabi nya. Ano kaya yung tawagan nila ni Sophia? Di bale na nga. Di ko na tatanungin yun. Past nya na yun Kath. Wag ka na makulit. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Okay Baby. ^__^" sabi ko ng nakangiti.
Kinabukasan..
Maaga kong nagising dahil parang umiikot nanaman ang sikmura ko. Dumiretso ako sa banyo at sumuka ng sumuka don.
Naramdaman ko namang may humahagod sa likod ko at si Dj yun.
"By.. Ano bang nangyayari sayo? " sabi nya.
"Hindi ko alam Dj. Nalipasan kasi ako ng gutom kahapon. Siguro dahil don. " sabi ko sa kanya.
"Tsk! Ganon ba.. Pumunta na kasi tayong Hospital.. Hindi kasi talaga ko mapakali hangga't hindi ko maconfirm kung ano yang nararamdaman mo. " sabi nya. Kahit ako hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko. Yung feeling na ganito, ibang-iba. Ngayon lang to nangyari sakin.
"Sige. Pupunta tayo. Pero bukas nalang. Pwede? " huling hirit ko. Ayoko kasi talaga sa ospital.
"Ahm. Hindi ba pwede mamayang pagkagaling sa Company? " sabi nya.
"Ehh. Bukas nalang. Please? " sabi ko with matching puppy eyes pa.
"Sige na nga. Hindi ko talaga matiis ang Baby ko. I love you. " sabi nya.
"I love you too. " at kiniss nya ko sa lips. Smack lang yun wag kayo.
"Labas ka na po. Maliligo na ko. " sabi ko.
"Bakit naman ako lalabas eh kung pwede namang magsabay nalang tayo." Sabi nya with wink pa.
"Lalabas ka o lalabas? " sabi ko.
"Huh? Sige na po. Lalabas na. " pagsuko nya. Di naman kasi uubra eh.
Pagkatapos kong maligo bumaba na ko para kumain. Nakita ko si Dj na nagluluto sa kusina nakaligo na rin sya. Naligo siguro sa baba. May banyo din kasi dito at bawat kwarto sa taas may banyo.
"Ang baho.. " sabay takip ko sa ilong ko.
"Grabe ka naman By.. Bawang lang po yan. " sabi nya.
"Sa mabaho eh. Anong gagawin ko. " sabi ko sabay irap ko sa kanya.
"Ang init naman ng ulo ng Baby ko. Sorry na po.. Itatapon ko nalang to okay? " sabi nya.
"Sige. Bilisan mo ha.. " sabi ko.
"Mami-miss mo naman ako agad. " sya.
"Che! " ako.
Tiningnan ko naman kung ano yung mga niluto nya. Egg, Ham, Bacon, Hotdog with Pandesal at Ketsup. Wow! *__* Ang sarap neto.
"Baby, hinay-hinay lang. Hindi ka mauubusan. " sabi ni Dj sakin habang kumakain kami.
"Hang sharap kashi eh.. " sabi ko ng namumungalan pa.
"Sige ka. Ikaw din. Pag tumaba ka. " sabi nya.
"Ano? Hindi mo na ko mahal? " sabi ko sa kanya.
"Syempre naman mahal pa rin kita.. Kahit lumba-lumba ka na. " sya.
"Syado mo naman. " sabi ko.
"Ikaw talaga By. Sige na. Bilisan mo na at malelate na tayo. " sabi nya.
"Okay po. ^__^ " ako.
Pagdating namin sa Company.. As usual ako naunang pumasok dahil baka mahalata kami.
Maya-maya lang din sumunod na sya. Kumindat pa. Tss. Taray ni Pre!
"Ingatan nyo yan ha.. " sabi nya pagdaan sa cubicle namin.
"Opo Sir.. " sabi ng dalawang kurat.
"Oh.. Kathryn, bakit parang ang putla mo? " tanong ni Julia.
"Ah.. Bigla lang kasi akong nahilo." Sabi ko. Bakit kaya bigla nanaman akong nahilo. Kanina naman okay pa ko eh.
"Wait lang ha.. Kukuha lang akong gamot." Paalam ko sa kanila.
"Hindi na Kath.. ako nalang. " sabi ni Miles.
"Ako nalang.. Madami pa kayong gagawin eh." At tumayo na ko. Bigla namang umikot yung paningin ko at bigla nalang akong nahimatay.
-end-
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
LosoweIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...