Julia's POV
Tumawag sakin ang mommy ko dahil nasa ospital daw si Ate Yen. Kakapanganak nya lang kasi..
Agad akong pumunta sa hospital para makita si ate, at syempre pati ang baby.
Eto namang si Diego, ang kulit akala mo buntot na sunod ng sunod. Bwisit! Tinakasan ko na nga eh.
"Bakit ba ang kulit mo ha? Buntot ka ba?!" Inis na sabi ko sa kanya. Oo sabi, hindi tanong.
"Chill! Sinasamahan lang kita." Sabi nya with gesture tanggalan kita ng ilong jan eh!" Nagpatuloy na ko sa paglalakad habang narinig ko naman syang tumawa lang sa likod ko.
"Nurse, where's the room 206? " Tanong ko sa information desk ng nakarating kami sa hospital.
"Fourth floor Ma'am. " nakangiting sabi nya sakin, este sa buntot na nasa likod ko. Tusukin ko mata mo eh!
"Thank You!" Hindi ko na sya inintay sumagot at dali-daling pumunta sa private room ni Ate Yen.
Nakita ko naman sila mommy at daddy sa bedside habang binabantayan si Ate na peaceful na natutulog.
Si Kuya Neil naman, sya yung hubby ni Ate, nag-aayos sya ng hihigaan nung baby. Hinahanda nya siguro, dadalin na kasi dito yung baby paggising ni Ate para daw sa breast feed. Yun ang alam ko. HAHA
May buntot pa din ako hanggang ngayon. Alam nyo ba kaya ayokong isama to? Tatanungin lang ako nila Mommy tungkol sa kanya. Nakakatamad kayang sumagot lalo na't sya yung pag-uusapan. Mukha kasi siyang timang ngiti sya ng ngiti sakin tuwing titingin ako sa kanya, nawawalan kaya sya ng mata pag nakangiti sya. Iniirapan ko nalang. Lakas kasing makairita nitong si Diego.
-_-
"Oh Juls, nandito ka na pala." Sabi ni Kuya Neil. Tumingin naman sakin sina Mom and Dad saka ngumiti.
"Ay wala Kuya, picture ko lang to." Pabirong sagot ko sa kanya.
"Haha. Ikaw talaga. Oh? Boyfriend mo?" Tanong nya habang nakatingin sa buntot ko (Diego).
"Hindi noh. Buntot ko yan.." sabi ko kay Kuya na medyo pabulong yung huli.
"What?" Tanong ulit nya.
"Hay nako Kuya, I'm here for ate. Not for your useless questions." I said with my undying roll eyes. Buti hindi kumikibo yung buntot ko. Subukan nya lang.
Habang nag-uusap kami ay biglang bumukas ang pinto. Nakita namin ang isang nurse na bitbit ang isang cute na cute na baby girl. Gising na rin pala si Ate Yen kaya inabot na sa kanya yung baby.
"Ang cute.. " komento ko nung nakita ko yung baby.
"Cute? Sa animals lang yung term na yun Julia." Ate.
"*glare* Ang arte mo naman. Edi maganda. Haha" sagot ko.
Medyo nagtagal pa kong tinitigan yung baby at maya-maya'y nagpaalam na din.
"Osige na Ate. Alis na ko at papasok pa ko sa work ko." Paalam ko.
Kahit kasi masasabi mong may kaya ang pamilya ko. Gusto ko pa ding tumayo sa sarili kong mga paa. Yun bang independent.
Ang gusto ko kasi pag nag-asawa na ko. Masabi ng mga in-laws ko na kaya ko ng tumayo sa sarili ko.
Hindi yung, umaasa pa ko sa mga parents ko. Diba ?
-end of flashback-
Kathryn's POV
"Yun nga yung nangyari.." pagkekwento ni Julia.
BINABASA MO ANG
ARRANGED MARRIAGE with Mr. Padilla
De TodoIsang taong nakapagpabago ng lahat sa buhay ng isang babaeng akala nya ay walang kwenta ang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na ang isang ARRANGED MARRIAGE pala ang magiging tulay sa mga pangarap ko. From worst life to happy ending. You c...