CHAPTER SIX

403 9 0
                                    

KATHRYN'S POV

Pagdating ko sa kwarto, wala sya dun. Nasa banyo siguro..

Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng banyo at isinara nya ito ng padabog. Nakabihis na rin sya.

"May problema ba Daniel? " ako.

"Wala.. " cold nya pa ring sabi.

"Anong wala? Eh kagabi hindi ka naman ganyan.. Tapos kaninang umaga pagdating mo galing sa labas naging cold ka na. May hindi ka ba sinasabi sakin? " tanong ko sa kanya na medyo pahiyaw. Medyo nalungkot yung mukha nya nung sinabi ko yun.

"Yung.. yung.. " napakamot sya sa ulo nya habang nauutal na nagsasalita.

"Ahuh?" sabi ko sa kanya sign para ipagpatuloy nya yung sasabihin nya. Naupo sya sa kama para ipagpatuloy ang sasabihin nya.

"Yung ex ko kase, nakita ko kanina sa hotel may kasama ng ibang lalaki.. Eh syempre kaka-break lang namin fresh pa yung sakit sa dibdib ko. Sya lang naman yung minahal ko ng ganon. Tapos sinaktan lang nya ko. Kaya ako nagkakaganito dahil hindi naman ganon kadaling kalimutan sya." sabi nya sakin.

"Bakit ba kasi kayo nagbreak?" tanong ko.

"Nalaman nya kasi na ikakasal na ko sayo kaya nakipagbreak sya sakin. Sabi ko naman sa kanya maghintay lang syang maayos yung problema tungkol sa company, aayusin ko din naman yung tungkol samin kung di lang sya nakipaghiwalay." nakita ko kung gano nya kamahal yung ex nya. Pero at the same time nakaramdam din ako ng sakit sa dibdib dahil kahit pala pumayag syang magpakasal sakin, nandun pa rin yung pangyayari na hihiwalayan nya ko dahil sa ibang babae. May nararamdaman na ba ko sa kanya? Ah wala Kathryn.. Nag-iilusyon ka lang.

"Ah ganon ba.. Sorry.." nakayukong sabi ko sa kanya.

"Bakit ka nagsosorry?" takang tanong nya sakin.

"Because, I ruined your Life.. Your relationship with her. Sorry kasi dahil sakin may relasyon na nagtapos ng ganun ganun nalang." maluha-luhang sabi ko sa kanya.

"Ssshhh.. Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon namin. Wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan dahil hindi ko kayang ayusin ang sarili kong problema.. Dapat nga ako pa magsorry sayo dahil sayo ko pa sinabi yung problema ko." paliwanag nya sakin.

"Wala yun.. Ano ka ba. Okay lang na magsabi ka sakin ng mga problema mo para atleast alam ko kung bakit ka tinotopak.. " sabi ko sa kanya.

"Tinotopak agad?" sabi nya na medyo natatawa.

"Oo.. Bakit may masama ba?" ako.

"Haha.. Wala naman. Ganon ba talaga ko kalala. Topak na agad?" sya.

"Hindi naman.. Medyo lang. Pero seryoso, Alam mo okay na rin na paminsan nagkakaganyan ka. Atleast alam ko na may side kang ganyan.. Topakin! " harot ko sa kanya sabay tawa.

"Ganon? Eh ikaw naman pikon.. Haha Pikon." sabay dila pa nya sakin.

"Ikaw ha! " sabay habol ko sa kanya. At ang magaling nagtatakbo pababa sa may sala. Kaya naghabulan lang kami ng naghabulan sa sala. At napuno ng tawanan sa bahay maghapon, dahil kung ano-ano pinaggagawa namin. Oy wag kayong green nag-asaran lang kami noh. Di pa kp handang isuko ang bataan. Maybe pag mahal na namin ang isa't-isa. Kung mangyayari nga yun.

Kinabukasan...

Nakabihis na kami ni Daniel at ready to go na sa office nya. Medyo magiging busy kasi kami ngayong linggo na to or should I say buwan dahil sa pagmemerge ng company. Kaya naman maaga kaming pumasok ngayon. Take note hindi kami sabay pumasok dahil nga secretly diba? Ewan ko sa ex nya kung pano nalaman na ikakasal si Daniel..

ARRANGED MARRIAGE with Mr. PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon