CHAPTER TEN

460 8 0
                                    

DANIEL'S POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang tulog na si Kathryn. Mukha syang anghel pag tulog pero pag naman nakagising akala mo tigre na ayaw magpatalo. Actually, maganda sya kaso yung ugali nya nakakaturn-off. Haha.

Aaminin ko sa inyo, iba si Kathryn sa lahat ng nakilala kong babae kahit mabilis ang mga pangyayari, Alam kong hindi pa sya handa sa mga ganitong bagay pero iminulat na sya agad ng mga magulang nya sa ganitong kalagayan. Iniintindi ko nalang sya dahil alam kong hindi pa sya handa sa relasyon na to. Na sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala na kaming ginawa kundi magbangayan, kahit saan kami magkita hindi pwedeng walang away. Hindi naman sya mahirap mahalin eh sakyan mo lang yung mga gawain nya, yung pagiging masungit nya. Ganun siguro talaga yung mga babae. Patient na lang. Haha. At unti-unti na kong dinalaw ng antok.

Nakaupo ako sa kama habang nilalaro ko ang anak kong tuwang-tuwa dahil sa hawak nyang laruan, narinig ko namang pumasok ang Misis kong si Kathryn na may dalang bote ng gatas na ipapainom sa anak namin. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay kumpleto na rin ang pamilya namin.

"Haaa!!! " panaginip lang pala. Kala ko totoo na. Kinapa ko ang kabilang side ng kama at mahimbing pang natutulog si Kathryn. Tiningnan ko naman ang orasan sa bedside table at 4:30 palang ng madaling araw.

Anong klaseng panaginip yun?

Bakit ang saya-saya ko kasama si Kathryn at ang anak namin?

Senyales na kaya yun na mag-move-on na ko kay Sofia?

O kailangan na talaga naming kalimutan ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan? Yan ang mga tanong na pumasok sa utak ko oras na magising ako.

Natulog nalang ulit ako at binalewala ang mga iniisip ko.

KATHRYN'S POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may nakadagan sa tiyan ko.

Alam ko na kung sino to.

Bumangon na ko sabay tinanggal yung kamay ni Daniel sa tiyan ko. Baka mamaya pag sumigaw ako dito ng rape, pagtawanan lang nila ko. Imagine, sarili mong asawa rerape-in ka. How pathetic I am? Kung ganon man ang mangyari.

Anyway, pumunta na ko sa banyo para maghilamos at bumaba na rin pagkatapos. Hindi ko muna ginising si Daniel para makapagpahinga sya sa pang-aasar sakin.

Pagbaba ko, naabutan ko si Manang Myrna na nagluluto ng umagahan.

"Good Morning po." bati ko sa kanila.

"Magandang Umaga din anak." bati nya din sakin.

"Ano pong niluluto nyo?" curious na tanong ko sa kanya.

"Ah.. adobong manok, paborito kasi ito ni Dj. " sabi nya.

"Ahm.. Gano nyo po kakilala si Daniel? " curiosity kills. Haha

"Alaga ko kasi si Dj bata palang dahil may sariling kompanya ang mga magulang nya kaya lagi silang may trabaho." sabi nya.

"Ah ganon po ba.. " kaya pala malapit si Daniel sa Yaya nya pero hindi sya katulad ko na may galit sa magulang. Pano nya kaya nakakayanan yun. Siguro nga hindi ko pa gano kakilala si Daniel.

"Alam mo ba anak.. Malambing na bata iyang si Dj. Ayaw nya ng may naaapi. Maunawain sya. Pero may pagkasumpungin." sabi pa nya.

"At pag galit na galit sya hayaan mo lang wag mong sasabayan. Ma- pride kasi iyan. Gusto nya pag nagtatampo sya lalambingin mo sya. Yun lang ang paraan para magtagal kayo. Kaya tiis lang Kathryn ha? " dagdag pa niya.

"Oo naman po. Kahit po paminsan-minsan di ko sya ma-spell. Haha" biro ko.

"Ahh.. Nasan nga po pala sina Mama at Papa? Di ko na po tatanungin sina Mom at Dad dahil alam ko naman na po na wala sila rito. " pahayag ko.

ARRANGED MARRIAGE with Mr. PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon