PROLOGUE

20 1 0
                                    


Mahirap gumawa ng mga desisyon sa buhay. Minsan nga, kahit sa pagpili ng kakainin eh nahihirapan pa tayo.

Sabi nila, wag magdesisyon kapag nakakaramdam ng matinding kalungkutan o kasiyahan dahil baka pagsisihan mo lang ito sa huli.

Pero paano kung nagdedebate na ang isip at puso mo sa kung ano man ang pipiliin?

Paano mo magagawang talikuran ang kasiyahan mo para sa kaligayahan ng ibang tao?

Paano mo matitiis tingnan ang dalawang taong naging kapalit ng kaligayahan mo?

Sige, sabihin niyo nga kung paano?

Kung paano pananatilihin ang pagkakaibigang nakatadhanang masira?

o

Kung paano magagawang talikuran ang pagkakaibigan para sa pinakamamahal?

Paano nga ba?

Kung ang dalawang bagay na nais mong manatili ay sadyang mawawala.

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon