CHAPTER 2

6 0 0
                                    

Aalis ako, pero babalikan kita

♡♡♡

"Bes, pwede ng itapon yung mukha mo, promise. Lukot na lukot."

"Ano bang problema mo Melody ha?! Hindi ko hinihingi ang opinion mo!"

"Pero E-Ellie, b-bakit ka ba nagagalit? What have I done wrong?"

"Pake mo ba? E sa trip kong magmaldita. Ano, aarte pa?"

Ava maldita lang?

"I don't deserve this kind of treatment! You are not my bestfriend anymore! Nag-iba ka na!"

"This is because of you! Dahil inagaw mo kung ano ang dapat sa akin! Inagaw mo siya!"

"W-what? I, I didn't know. Ano bang pinagsasabi mo?"

"Hindi mo alam huh? Hindi mo alam?! Pwes wag kang magmaang-maangan at alamin mo! Mangaagaw!"

"Kung ano man yung inagaw ko, sorry na. I just want you to know that I treasure this friendship more."

"Engot ka pala eh! Edi sana naisip mo na yan bago mo yun inagaw sakin! Tama na! Pagod na ako!"

"No! Hindi ka pwedeng mapagod! Hindi ka pwedeng magsawa sa pakikinig sa akin! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam!"

"Whatever. Starting from now, F.O. na tayo. As in FRIENDSHIP OVER! Hindi ko matatanggap na pareho tayo ng answer na 'Socrates'! Mangaagaw ka! Edi sana ako ang nakakuha ng plus points hindi ikaw!"

"Bahala ka kung ayaw mong makipagbati! Kawalan mo na yun Ellie!"

*applause*

"WOOOH! ANG GALING MO MELODY!!"

"Ayyyyieee ~" panunukso ng mga kaklase namin. Bentang-benta ang love team nila sa classroom, FranDy. At oo, 3rd year Highschool pa po kami. Ang aga kong lumandi ano?

"At paano naman ako, tol, ha?! Unfair yata yun! Naghirap din naman ako sa pagmemorize ng scrypt ko ah!" pagpapapansin ko sa best friend ko.

"CLASSMATES, I CHEER DIN NATIN SI ELLIE! KAWAWA NAMAN!"

Aba, bastos na bata. Tinawanan tuloy ako ng mga kaklase namin. Di bale na, ang mahalaga napansin niya ako, kahit pilit lang.

"Grabe bes, ang lalim nun kanina ah. May pinanghuhugutan ka ba? Haha. Ayyyieee. Si bespren may pinanghuhugutan."

"Pwede ba Melody wag makulit?!"

"Ayyyieee! Kunwaring galit pero nag ba-blush! C'mmon! Sabihin mo na kasi!"

"Eh wala nga!" kasi hindi ko naman pwedeng sabihin sayo.

"Hindi ako naniniwala! Kilala kaya kita! Alam kong may pinanghuhugutan ka!" eh yun naman pala eh, ba't di mo maramdamang gustong-gusto ko si Francis.

"Hmmp! Sige na nga, wag na lang! Ganyan ka na eh, palibhasa may pa secret-secret ka na. Akala ko ba bestfriend mo ako? Sige, ayos lang, naiintindihan ko kung ayaw mong sabihin." sabi niya sabay walk-out.

At ako naman tong si engot, hinabol siya at nagpauto sa acting niya.

"Bes, sorry na. Alam ko namang dapat walang secrets diba? Kaya sige, heto, sasabihin ko na."

"Talaga bes?! May crush ka?! HAHAHAHA! AYYYIEEE!"

"Wow ha! Mukhang tuwang-tuwa ka, nahiya naman ako sayo. Pagsalitain mo kaya muna ako, diba?"

"Wag KJ, bes!"

"Actually, 2 years ko na siyang crush. No, scratch that. 2 years ko na siyang mahal."

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon