Girlfriend ko siya, pero mahal kita
♡♡♡
a/n:
Inspired ako.
"Mahal kita, Ellie." natotorete ang isip ko sa tatlong salitang binitawan niya. Ayoko nito. Ayoko ng pag-uusap na'to.
Mali ako. Hindi ko pala alam ang sasabihin niya. Mas maganda sabihing hindi ko yun inasahan. Akala ko kasi about na naman kay bes, eh yun naman talaga palagi ang pinag-uusapan namin.
"Bilang kaibigan." dugtong ko. Kinakabahan ako ng walang dahilan. Wala namang malisya to 'di ba? Ba't kailangan pa 'tong pag-usapan? Aware naman akong mag best friends kami.
"Mahal kita, Ellie." pag-uulit niya.
Hinila ko siya sa malayo, sa isang tagong parte, yung siguradong walang makakarinig sa'min. Galit ko siyang tinignan. Ginugulo niya lang ang isip ko. "Anong pinagsasabi mo jan?!" frustrated na sigaw ko.
"Mahal kita, Ellie."
"Hindi ako bingi na kailangang ulit-ulitin mo. Explanation ang kailangan ko! Explanation!" Humihinga siya ng malalim. Galit ako at ramdam ko ring frustrated siya. Naiinis na'ko sa sitwasyong 'to. Naiinis na'ko sa mga pinagsasabi niya. Naiinis na'ko dahil kausap ko siya. Ramdam kong tumataas na ang pressure sa aming dalawa.
"Gusto mo ng explanation, Ellie ha?! Bakit?! Gaano ka kamanhid para hindi maramamdamang mahal kita! Mahal kita Ellie! Mahal kita ng higit pa sa best friend! Mahal kita ng higit pa sa alam mo!" napasabunot siya sa buhok niya at alam kong naiinis na'rin siya.
"Ba't ka sumisigaw ha?!" out of frustration ay wala na'kong ibang maisip na sabihin kundi 'yan.
"What?! Yan lang ang sasabihin mo?!" mukhang nagulat siya sa isinagot ko. Ako rin naman eh.
"Eh bakit nga?!" gusto kong bawiin yung mga sinabi ko kanina pero hindi ba parang ang tanga naman ng dating nun? Ano ba. Ang gulo!
"Kasi gusto kong matatak jan sa manhid mong isipan na mahal kita! Gusto kong maintindihan mo na mahal kita! Mahal kita Ellie!" sumisigaw siya mismo sa harap ko.
"Ha! Wag kang magsinungaling dahil hindi ako naniniwala sa'yo! Paano mo'ko naging mahal kung girl friend mo ang best friend ko!" ano'ng tingin niya sa'kin, hindi marunong umintindi ng simpleng logic?
"Maniwala ka man o hindi walang magbabago kasi mahal kita! Mahal na mahal kita kaya umabot tayo sa puntong ganito! Mahal na mahal kita kaya lahat kaya kong gawin para mapalapit lang sa'yo!" sa tuwing binabanggit niya ang salitang 'mahal' ay dinuduro niya ako. Walang manners.
"Eh girl friend mo nga si Melody! Anong mahirap intindihin dun?!"
Pinikit niya ang mga mata niya at biglang kinuha ang kamay ko. Hinihila niya ako at sa tingin ko, dadalhin niya ako sa bahay nila. Ayokong sumama pero gusto ko rin namang marinig ang mga sasabihin niya.
"Nandito na tayo. Pwede ka ng sumigaw kung gusto mo." sa halip na sumigaw ay mas pinili ko na lang na manahimik at pakalmahin ang sarili.
"Look, bestfriend kita at bestfriend ko rin si Melody. Anong meron? Mahal mo ako ng higit sa kaibigan? Pero paano si Melody ha?" ngayon, mas kalmado na ang isip ko.
"Hindi ko totoong girlfriend si Melody." Ako bang pinagloloko nito? Anong tingin niya sa'kin, bulag?!
"Ba't naman ako maniniwala sa'yo?" Ha. Reasons.
"Dahil yun ang totoo. Ikaw lang ang minahal ko Ellie. Mag best friend lang kami ni Melody."
"Talaga lang ha?" tiningnan ko siya giving the reaction 'Really?'.
"Ang tigas ng ulo mo! Maniwala ka naman Ellie. Okay, sige ganito na lang. Tatanungin na lang kita. Mahal mo rin ba ako?"
OH.MY.G. Kinakabahan ako. Anong isasagot ko? Kapag sinabi kong 'Oo', malalaman niyang mahal ko siya at saan pupulutin si bes niyan? Kapag sinabi ko namang 'Hindi', alam kong 'di niya ako titigilan hanggang sa um-Oo ako.
"Tingnan mo ako, Ellie at sabihin mo sa'kin ng deretchahan." pilit kong iniiwasan ang mga mata niya at ang mga tinging nakakatunaw. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya mas pinili ko na lang tumingin sa puting haligi ng bahay nila.
SHEMAY! Anong sasabihin ko? Tatakas na lang ba ako o magiging honest na? Tatakas ba ako? Ano na?!
"Ellie, look at me. Alam kong mag best friends tayo at alam kong mahalaga ang friendship para sa'yo pero sana naman pakinggan mo'ko. Mahal kita Ellie, ilang beses ko pa bang kailangang ulitin para paniwalaan mo ako?" kinagat ko ang dila ko sa loob, pilit na pinipigilang ngumiti. Bakit ganito? Hindi ba dapat maguluhan ako? Hindi ba dapat umayaw ako? My gosh! Anong klaseng babae ako! Salita niya pa lang, lutang na lutang na ako. Okay. Aaminin ko na, no more denying. Mahal ko nga siya.
"AHEM. Alam mo Francis, mas mabuti kung umupo muna tayo nang magkaliwanagan." ayokong madaliin ang lahat. Gusto ko yung pinaghihirapan akong makuha, yung pinag-uusapang mabuti.
Pagkaupong-pagkaupo namin sa sofa, agad niya akong dinaganan at niyakap ng mahigpit sabay bulong ng 'I love you' at hinahalikan ang buhok ko. Kung hindi to nag I-I love you, hindi to mabibigyan ng malisya dahil dati pa man, ganito na talaga kami. Hindi niyo lang alam na sa tuwing niyayakap niya ako dati, isang malaking oportunidad na yun sa'kin upang maka-chancing. Malaki nga ang biceps, wala namang abs. (-_-) Attracted pa naman ako sa abs. Hanggang ngayon, wala pa'rin. Mahal ko pa'rin naman eh.
"Ellie, I love you. I love you. I love you. Three times, para I love you. Ikaw, Ellie, anong nararamdaman mo para sa'kin?" gustong lumabas ng bituka ko sa sobrang kilig kaso panira siya ng moment kasi in-open up niya pa ulit ang tungkol sa 'Mahal-mo-ba-ako?' na yan. Kainis. Ganda na ng moment eh. Kahit kailan talaga, hindi marunong tumayming to'ng lalakeng to.
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at nakipagtitigan ng seryoso. Gad. I couldn't take my eyes off of his.
"I love you." ramdam kong totoo 'to. Nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad at nakikita ko sa mga ngiti niya na walang kasing tamis. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ngumiti. Ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya, only to find out that he was staring at my lips.
Napalunok ako ng isang malaking invisible candy sa lalamunan ko. Hindi niya ba ramdam na ang awkward na ng sitwasyon dito? Kailangang tumitig sa labi ganun? Nagkatitigan pa kami ng matagal, 'tila binabasa ang emosyon ng isa't-isa.
"Francis." nagulat ako sa sweet ng boses na nanggaling sa akin. Hindi ako makapaniwalang boses ko yun. Da F! Nakakahiya. Ang girly. Ang corny!
"Hmmm?" sagot niya habang nakatingin parin, on the same spot. Napalunok uli ako bago sumagot.
"Francis, I lo---"
"BEEEEEEEEESS!!" umalingawngaw ang high-pitched voice ni bes.
Agad akong napalayo kay Francis ng ma-realize ang kahihiyang pinaggagawa ko.
"I mean, I need to go. Sige, bye!" nagpaalam na ako't tumakbo papalayo sa kanya. Iniwan ko na siyang tulala. Bahala na.
"Bes, tara?" nakangiting paanyaya ni Melody sa'kin. Sa akin lang siya nakatingin at di man lang lumihis ng tingin kay Francis.
"Bes." nasa guest room na kami at nakahiga si Melody sa kama habang nakapatong sa noo ang braso. Tiningnan ko ang seryosong mukha niya.
"Nakita ko kayo." nang-aakusang sabi't tingin niya.
"H-ha?" at sa di malamang kadahilanan ay kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?