Don't call me bes, nakakarindi.
♡♡♡
Simula nung araw na nag-away kami ni Melody ay hindi ko na siya pinansin at ganun din naman siya. Kahit minsan napapansin ko siyang tumitingin sa'kin, binabalewala ko lang, umiiwas din naman siya ng tingin. Aaminin kong na-mimiss ko na siya, pero hindi tama eh. Pakiramdam ko kasi tinraydor niya ako. Alam niya naman di 'ba? Eh ba't niya pa sinagot? Para saktan ako? Kung hindi para saan? Nakakainis! Pakiramdam ko tuloy, nag-iisa na lang ako. Mabuti na lang nandito pa si Francis.
"Ellie, kausapin mo na kasi siya. Pakinggan mo lang man sana ang dahilan niya." buong araw kaming magkasama at buong araw niya na rin akong binubungangaan ng ganyan. Alam mo, nakakatuwa naman ang pagiging makulit niya, kaso sa sitwasyon ngayon, naiinis lang ako.
"Ilang beses ko nang sinabi diba? AYOKO. Please lang ha, wag mo akong inisin dahil naiirita na'ko . Why do you care so much about her, anyway?"
Pakinggan mo siya, Ellie. Blah. Blah. Blah. Nyenye! Kainis! Paulit-ulit na lang, hindi niya ba alam na masakit na sa tenga at sa puso?
Oo, inaamin ko na pinagseselosan ko ang bestfriend ko. Ay mali, ex-bestfriend na pala. Like what? Nandito naman ako di 'ba? Ba't di na lang ako ang isipin niya? Anlayo ng babaeng yun pero napakaswerte niya't siya pa'rin ang iniisip ni Francis. Sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ni Melody, mas nasasaktan lang ako. Ang wagas niyang mag care sa kanya pero sa'kin wala. Ako naman yung pinagkaisahan dito ah! Ako naman yung sinaktan.
"Eh bakit nga kasi ayaw mo siyang kausapin? Ganyan ka ba talaga, Ellie? Akala ko ba mag bestfriends kayo? Diba dapat ang mag bestfriends hindi nag-aaway? Bakit mo hinahayaang sirain ng ganito kababaw na rason ang pagkakaibigan niyo?"
"What?! So kasalanan ko pa yan ngayon?! At anong sabi mo? MABABAW? Ah, sorry ha! Dapat in-inform niyo ako para sana naging MABABAW rin ang sa'kit." paglalabas ko ng hinanakit saka umiwas ng tingin.
Ang hirap sa ka'nila, ginagawa nilang simple ang mga bagay na komplikado. Ginagawa nilang simple tong mga nararamdaman ko.
Ako ba talaga ang mababaw mag-unawa rito? Eh kung ganun, ano nang tawag sa kanila? Empty? Ang nakakainis lang kasi, ako na ang sinaktan, ako pa ang sinisisi. Eh ba't di niya tanungin dun sa babaeng nagsimula ng lahat ng to?
"Hindi naman sa ganun, kaso sana pakinggan mo man lang siya. Hindi niya naman to kasalanang lahat eh, may kasalanan din ako dahil pumayag ako. Sorry na Ellie, promise, ang intention na'min nun ay paaminin ka, yun lang. Walang namamagitan sa'min. Ikaw lang naman ang mahal ko eh, walang iba."
Nakakainis!! Naiinis na talaga ako sa sarili ko!!!!!
Ikaw lang naman ang mahal ko eh, walang iba.
Yan lang, nawala na agad ang galit ko. What the F, Ellie! Mababaw ka nga talaga, confirmed! Mababaw ang kilig! Biglang uminit ang pisngi ko sa naisip.
Tiningnan ko siya at parang nag slow-mo na naman ang pag lingon ko. Lumiwanag ang paligid, at naka focus lang sa kanya ang paningin ko. Sumalubong sa'kin ang makalaglag-panty niyang ngiti. I knew it! Alam kong alam niyang madali akong kiligin at ginagamit niya ito para mapapayag ako! Ang daya!
"Okay, fine!" kunwaring naiinis na sabi ko at nagpaikot pa ng mata.
Nakakahiya talagang aminin na kinilig ako sa simpleng salita niya lang. Mygad! Ganito ba talaga pag teen-ager?
"Thank you, Ellie!" malakas na pagsigaw niya at pangiti-ngiti pa. Agad niya akong inambahan ng yakap. EMERGERD!
"Wait lang. Wait. Bitawan mo muna ako!" nag-uumpisa na akong magpanic, di ko malaman kung ano ang dapat gawin para magkaroon ng peace of mind. Parang gusto ko na lang kasing mangisay, magtatakbo, o manghampas.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?