"Ellie, sige na, please? Para pareho tayong nakasuot ng ganito." kanina pa nangungulit si Melody kay Ellie na siyang nagpadagdag sa pagkairita niya.
Nandito sila ngayon sa isang shop sa Paradise Beach Resort at talagang nakakainis dahil pinipilit ni Melody si Ellie na magsuot ng red two-piece. Red din kasi yung kay Melody at kapareho rin ng design.
"Ayoko nga, Melody." kalmadong sagot niya.
"Sige naaaaaaaa." napalinga-linga si Ellie sa paligid ng mag tantrums na naman si Melody. Nakakahiya ang pinanggagawa ng babaeng 'to. Ako ang nahihiya para sa kanya, isip niya.
Ngumiti ng pilit si Ellie sa mga taong napapalingon sa gawi nila. Ng hindi na tumitingin ang mga ito ay hinarap niya na si Melody.
"Melody naman eh. Sinabi ng ayaw ko. Alam mo namang hindi ako nagsusuot ng mga ganyan." mahinang sabi ni Ellie sa kanya.
"Sige na kasiiiiiii!" pagtatantrums niya na naman na siyang nagpalingon ulit sa mga tao. Napabuntong hininga si Ellie at kinuha ang red bikini.
"Fine. Pero ayaw ko nitong red, masyadong maliwanag. Etong black na lang. Ano, happy?" naiinis na sabi niya. Tama lang yung size nung black sa kanya, at isa pa, hindi gaanong nakaka-attract ang kulay.
"Very much!" nakangiting sagot naman ni Melody at hinila na si Ellie papuntang counter. Palundag-lundag pa ito sa tuwa.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Where have you been?" tanong ni Francis sa kanila ng makauwi na ang dalawa sa cottage na tinutuluyan nila. May dalawang kwarto naman ang cottage na ito at may isang pasilyo. Kulay cream ang dinding nito, simple ngunit elegante.
"All my life, all my life." pakantang sagot naman ni Melody. Nagtawanan silang tatlo. Kahit papaano ay nawala naman ang inis ni Ellie kay Melody.
"De joke. May binili lang kami. Right, Ellie?" pagsagot ni Melody kay Francis saka ngumiti ng nakakaloko kay Ellie.
Napayuko na lang siya. Anong pinagsasabi nito. Nakakahiya. Naiisip niya pa lang na magsusuot siya ng bikini eh parang mahihimatay na siya, paano pa kaya kung makita na ito ni Francis. Malulusaw yata siya sa hiya.
"Okay ka lang?" pagtatanong ni Francis kay Ellie.
"Actually, no. Excited siyang ipakita sa'yo ang susuotin niyang black bikin..."
Hindi na natuloy ni Melody ang sasabihin niya ng biglang takpan ni Ellie ang bunganga niya. Pinanlakihan din nito ng mata si Melody.
"Pwe! Ang alat!" nagkunwaring dumudura si Melody ng alisin ni Ellie ang kanyang kamay mula sa pagkakatakip ng bunganga nito.
"Shut up." nagbabantang sabi niya na wag sasabihin ni Melody ang tungkol doon sa bikini na 'yun.
"Anong sinabi mo, Melody?" takang tanong ni Francis. Hindi niya ma-gets kung bakit nagkakagulo ang dalawa.
"Ang sabi niya, ang gwapo mo raw!" pabalang na sabi ni Ellie. Inunahan niya na, mamaya baka ano pang masabi ng isa diyan.
"Talaga? Haha. Sabi na eh, kaya inlove na inlove ka sa'kin!" tumatawang sabi ni Francis. Natutuwa talaga siya sa tuwing ina-appreciate ni Ellie ang kanyang ka-gwapuhan. Pakiramdam niya kasi siya na ang pinakagwapong lalake sa sanlibutan.
"Kahit kailan talaga, ang hangin mo!" pang-aasar ni Ellie.
Sabay na nagtawanan ang tatlo at biglang niyakap ni Francis si Ellie. Ipinatong niya ang baba sa ulo ni Ellie.
"Kaya mahal kita eh." malambing na sabi ni Francis. Nanahimik naman bigla si Ellie, kinikilig yan.
"Excuse me, walang forever!" bitter na pagkakasabi ni Melody.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomansaLife's a battle between friendship and love. Who will win?