Bakit sa kanya pa
♡♡♡
"HAHAHA! Kahit kailan talaga hindi mo'ko matalo-talo! HAHAHA!"
Ano pa ba'ng bago sa scene na ito? Palagi naman niya akong tinatawanan eh hindi naman ako mukhang clown. -_-
"Oo na! Alam ko na ang ibig mong sabihin! Tae ka! Ako na lang palagi ang nanlilibre sayo! Napakalalakeng tao napakakuripot!"
"Anong napakalalake? Eh mas mukha ka pa ngang lalake sa akin eh! HAHAHA!"
Karaniwang mga salitang lumalabas sa bibig niya, na mukha raw akong lalake. Mukha naman akong babae actually, lalake nga lang gumalaw at kung minsan, pati manamit.
"Oo na! Oo na! Nagpapalibre ka na nga lang, nanlalait pa! Saan ba tayo ngayon ha?"
Bigla akong napatulala sa lalakeng nagsasalita sa harap ko. Para akong nabingi ng panandalian, walang ibang tanawin kundi siya. Totoo pala yun ano? Yung mala-Korean Novela na mapapatulala ka at yung paligid parang lumiwanag at lahat ay nag-blurred, at tanging siya lamang ang malinaw sa iyong mata. Yung parang huminto ang mundo para pagmasdan ang mga ngiti niya. At shemay! Kinikilig ako!
"Diba, tol?"
"H-ha? Oo naman! Hahaha!" at para akong natimang dahil puro 'oo' nalang ako kahit wala namang naintindihan.
"Sabi mo yan ha? Humanda ka sa susunod nating pagtutuos ng tekken, maba-bankcrupt ka sa akin! WAHAHAHA!"
Naglaro kami ng tekken sa mall, sa may arcade.
"Dami pang satsat eh! Tara na nga! Tomguts na ako!"
Lahat ng napapadaan tumitingin sa amin-or more likely, sa akin. Bakit? Kasi inaakbayan ako ng isang cute na nilalang. Samantalang ako, mas lalake pa kung umasta sa kanya. Tiyak lahat sasabihin kung gaano kami ka-hindi bagay. Ganyan naman talaga eh, para namang hindi pa ako nasanay.
"Tol, salamat talaga sa libre kanina. Mas masarap parin talaga ang libre!"
"Kapaaaaal! Pasalamat ka nga... mahal kita."
"Ano tol? Di ko narinig."
"Wala! Sabi ko ihahatid na kita! Masyado kang pa-chicks!"
"Uy, hindi ah! Hindi ako pa-chicks dahil chicks mismo ang humahabol sakin! Gusto mo ireto pa kita sa isa. Palagi ka namang naiingit sa akin eh."
Yun na nga eh, habulin ka ng mga magagandang babae at mas lalo lang akong nawawalan ng pag-asa.
"Isumbong kaya kita kay Melody! Tiyak mawawalan ka na ng pag-asa! MWAHAHA!"
Si Melody, ang babaeng pinapangarap niya.
"Wala namang ganyanan tol! Joke lang naman yun no. Ang tagal ko na kayang pinapangarap na makuha si Melody tapos sisirain mo lang. Wag KJ tol. Hahaha."
Si Melody, ang isa ko pang bestfriend.
"O, sige na nga. Di bale, tutulungan ulit kita."
At ako ang naging tulay ng pag-iibigan nila.
"Salamat talaga tol! Tara, gusto mo pasok ka muna sa'min!"
"Naku, wag na tol! Baka hanapin na ako ni mama."
"Nu ka ba! Hindi naman yun magagalit eh. Gusto mo tawagan ko pa?"
"Hindi! Hindi wag na!"
"Grabe tol ha! Maka-hindi wagas! Haha!"
Kung alam niya lang, baka nga i-push pa ni mama na mag-overnight ako dito para naman daw maging ganap na babae na ako. -_______- Babae na nga ako diba? Tsss.
"Tol, juice." pag-ooffer niya sa akin.
"S'lamat."
Sana ganito na lang palagi, yung pagsisilbihan niya ako. Hindi yung ako na lang palagi ang nagsisilbi't nagbibigay.
"Haaaaay! Ang boring. Tara, sa kwarto na lang tayo." nauna na siyang naglakad kaya nakatingin ako sa likod niya.
Ganito na lang ba palagi? Titingin na lang ba ako lagi sa likuran mo? Hindi ka man lang ba lilingon?
"HAHAHA! Sabi sayo tol eh! Loser ka talaga! Lumamon ka nga ng Champion bar soap at sakaling manalo ka naman! One round pa nga!"
Kasalukuyan kaming naglalaro ng Need For Speed Underground. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Hindi siya perfect ngunit cute siya at siya lang ang natatanging gwapo sa aking paningin. Ang mga makakapal na kilay at matang dark brown na may kalakihan. Katamtaman at straight na pilikmata. Ilong na matangos. Maliit ngunit malamang labi. Ang korte ng kanyang panga ay nasa maayos na pagkakaukit. Ang kanyang matatabang pisngi. Ang buhok niyang wavy, makapal, neck-length, dry, at napakabuhaghag. Ang kanyang morenong kutis.
Paano kaya pag malaman niyang mahal ko siya? Na astigin ang nagkagusto sa kanya? Na isa pala akong hadlang sa kanila ni Melody? Bigla akong kinabahan, wag naman sana. Wag naman sana niyang malaman. Ayokong mawalan ng kaibigan. Ni isa sa kanila.
"Anong problema tol?" kitang-kita ko sa kanyang mata na seryoso siya. Lumunok muna ako ng laway bago sumagot.
Patay. Mukhang nahuli niya ako. Isip-isip din Ellie! Wag mo hayang masira ang almost 3 years na friendship niyo!
"Hinahanap ko kasi kung saang banda matatagpuan yung joke mo kanina. Eh hindi ko makita, baka nagtago sa butas ng ilong mo. HAHAHA!"
"Seriously, tol?! Joke din ba yun! HAHAHA! Ilibing na nga yang joke! EL.OW.EL. KA TOL!"
Sana nga joke rin yung nararamdaman ko para mailibing ko rin. Kainis naman eh! Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sa bestfriend ko pa!
Bakit kay Francis Silvestre pa!
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?