CHAPTER 12

10 0 0
                                    

Mahal mo ba ang boyfriend ko?

♡♡♡

a/n:

Inspired ako.

Sa maikling panahon ay nakilala ko siya. Mukha siyang seryoso, all the time, pero kapag nakilala mo siya, magugulat ka na marunong din pala siyang mag-joke. Napatawa ako ng maalala ko ang kanyang favorite joke na paulit-ulit niyang sinasabi.

"Anong ibon ang hindi nangingitlog?"

Kumunot ang noo ko sa kakaisip. Wala naman akong alam na bird specie na hindi nangingitlog. Natural na yun sa kanila dahil kung hindi sila nangingitlog, how can they increase in number? If such thing does exist, then it surely is not around anymore.

"Haha. Ano na? Suko ka na? Wala ka pala eh!" mukhang tuwang-tuwa pa siyang nahihirapan akong mag-isip.

"Meron ba 'nun? Weh? Gino-good time mo lang yata ako eh!"

"Hindi ah. Sagutin mo na lang!"

Nag-isip pa ako ng nag-isip kaso wala talaga eh.

"Wala ang sagot. Walang ibong ganun." my answer is final. Yan nga siguro talaga ang sagot.

"EEENGK! Mali! Try again." na s-stress na ako sa larong ito. Dapat natutuwa ako dahil joke ito kaso parang sumasakit lang ang ulo ko.
Nag-isip pa ako until a brilliant answer appeared in my thoughts. Ito, baka ito ang sagot sa kalokohang joke niya. Pambihira!

"Ibo'ng baog yan diba?! Wahahaha! Tama ako, diba? Baog siya kaya hindi maka-anak!" ang brilliant ko talaga.

"Wahaha! Hindi kaya! EEENGK.Try again." what?! Hindi pa yun ang sagot?!

Nag-isip ako at biglang may lumitaw na imahe sa isip ko.

"Uhmm-yung ano, yung something?" Hindi ko talaga alam ang sagot. Like seriously? Ibon na hindi nangingitlog?!

"Anong 'something'?" naguguluhang tanong niya. Hindi niya nga na gets! Palibhasa ako lang yata ang masyadong malumot mag-isip tungkol sa tanong niya.

"Basta, yung something." naiirita na'ko sa lalakeng to ha. Kainis siya. Nakakahiya na nga, hindi niya pa ma-gets! Kanina pa ako nag-iisip dito at pakiramdam ko yung 'something' na yun nga ang sagot. Gino-good time nga yata niya ako.

"Hahaha! Alam ko na! Haha. Ngeeee ang dumi mo mag-isip." tawa siya ng tawa sa sagot ko.

"Hindi ba?" nahihiyang tugon ko.

"Hindi no. Lalakeng ibon ang sagot. Ayos din yung sagot mo ah. Pwede. Hahaha."

"Shut up!"

Yun lang pala ang sagot?!

Sa isa't kalahating buwang relasyon namin, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Babae lang naman ako at kahinaan namin ang kilig. Yung pakiramdam na pigil na pigil kang ngumiti. Yung limitado ang lahat ng galaw mo dahil takot kang baka may makita siyang mali sa'yo. Ganun yung pakiramdam eh. Ultimo pag-upo, naka straight back! Pati pagkain, kalkuladong-kalkulado ang mga kilos ko, sinisiguradong hindi ako madungis at makalat.

Tuwing gabi, dinaig pa niya ang TV sa pagpapalabas sa isip ko. Walang advertisements. Yung para bang kahit saang sulok ng utak ko ang halughugin, nandoon siya. Unlimited film showing.

Yung pakiramdam na kapag may nakita kang lalakeng nakatalikod, same height, same built, same hair color and style, akala mo siya na pero hindi pala. Next time na makita mo na naman siya, you know you would hesitate. Baka kasi 'akala' mo lang pala na siya yun. Edi pahiya ang lelang mo, nag suklay't pulbo pa naman ako.

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon