Lalake sa paningin niya
♡♡♡
*Tok . Tok . Tok*
"Sinong nasa labas?"
"Ineng, ako yung inutangan mo ng isda nung nakaraang araw. Paki sabi naman sa mama mo kung nariyan siya na kukunin ko na yung 150."
"Ay 'ma, pasensya na ho, nasa trabaho pa po si mama! Balik na lang po kayo mamaya!"
"A-ah ganun ba? Pffft--sige!"
Mukhang kilala ko ang scam artist na ito.
"Hoy, tol! Alam kong ikaw yan! Mangongotong ka pa ha! Lakas mo ring mantrip!"
"HAHAHAHA! Buksan mo na nga tong pinto at mag-uusap pa tayo! HAHA!"
"Sandali!"
Di mapakaling tumakbo ako paakyat sa kwarto ko at sinipat ang sarili sa full-length mirror. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri at pinulbusan ang mukha.
"TOL, ANG TAGAL MO NAMAN!"
"SANDALI NGA SABI EH!
"ANG TAGAL NAMAN NG SANDALI MO!"
Agad akong nagpalit ng isang malaking t-shirt at jogging pants. Naka sleeveless lang kasi ako't naka shorts. Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ang baduy talaga! Tsk!
"SANDALI ANDIYAN NA!"
"Hay, sa wakas! Nakapasok na rin." Nakahiga ang buong katawan niya sa sofa namin sa sala.
And it makes me want to be on top of him.
I can't believe it! I'm mentally drooling.
"Kung maka katok ka kasi kanina parang gigibain mo na yung pinto eh. At tingnan mo nga yung paa mo! Inakyat akyat mo pa sa sofa, ang dumi-dumi naman! Maghugas ka nga ng paa doon sa CR!"
Pwede namang sa lap ko na lang ipatong yang mga paa mo, may libreng massage pa.
"Oo na! Wala na naman ba si Tita Elen?"
"Wala eh."
"Kawawa ka naman. Ang boring naman ng buhay mo. Buti na lang andito ang isang gwapong katulad ko."
Oo nga, buti nandito ang taong gusto kong makasama.
"Nagbabagang balita! Nasa bansa na po ang bagyong Francis at nasa Storm Signal number 3 na. Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat dahil magkakaroon ng malakas na hangin at pagbaha."
"HAHA! Hindi naman bagay sayo tol! Wala namang reporter na tibo eh!"
"Manahimik ka!"
"Pero seryoso tol. Ba't parang ang lungkot mo yata kanina? Nag-away ba kayo ni Melody?"
Melody na naman. Tsss. -_-
"Hindi no. Baka pag inaway ko pa yun mabugbog mo pa ako."
Ayoko ngang masira tayo diba?
"Si tol naman nahiya pa. Sabihin mo nalang kasing concerned ka lang sa kanya."
"Oo na. Wag ka ng mang-asar!"
"Pero bakit ka nga malungkot kanina tol?"
"Kasi hindi ako mahal ng mahal ko." malungkot na pagkakasabi ko na ikinalaki naman ng mata niya. Kung makatingin naman siya, para akong tinubuan ng damo sa noo.
"Anong mukha yan tol ha? May mali ba kapag nagmahal ako?"
"N-natuluyan ka n-na?" nanlalaking-mata na tanong niya.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?