Magseselos ka ba?
♡♡♡
"AAAAAAAAAAAHHHHH!!" um-echo sa buong bahay ang boses ko. Buti na lang wala si mama.
"Tol, wag maingay please? Natutulog pa ako."
Napatulala ako. Totoo ba to? Kami, magkatabing natulog?! Gaaaaad! At talagang yumakap pa sa akin! Nakaka awkward to!
"Tol, yumayakap ka eh. Baka naman pwedeng alisin ang kamay diba? Nakakadiri eh. Hindi tayo talo."
Pero ang totoo? Gusto niyo talaga malaman?
ABCDEFG! GUSTONG-GUSTO KO.
"Agmp." sabi niya at natulog ulit.
Ano daw?
Ah, basta.
Tulog naman siya diba?
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at niyakap din siya.
Ang bango! Pakiramdam ko nga, mag-asawa kami at siya ang una kong makikita paggising. AY EM SO KINIKILIG!
"I love you, tol." bulong ko at natulog na ulit.
"AAAAAAAAAAAAAHHH!!" nagising ako sa isang sigaw.
Gaaaah! Ang ingay niya!
"Makatili naman, wagas. Nanalo lang sa lotto, eh no?"
"Eh sino ba namang hindi magugulat tol kung pareho kayong lalake ang magkatabi."
"Loko to ah! Babae kaya ako!!"
"Talaga? Hindi halata."
"KAINIS KA! Alis nga! Alis!"
"Okay. Okay. Hahaha. Uuwi na. Sungit."
Pagkatapos niyang umalis, pumunta ako sa bahay nina Melody. Boring sa bahay. Walang magawa.
"WAAAAAAAAH!! NA MISS KITA ELLIE!!"
Isa pa tong babaeng to eh. Kahit na karibal ko to, kaibigan ko parin. Karibal talaga Ellie huh? Eh hindi ba ikaw lang naman ang nakakaalam na mahal mo ang bestfriend mo? Gaaaah. Kainis.
"Sorry, hindi kita na miss Melody."
Joke, namiss ko rin siya eh.
"Ajuju! Ayan ka na naman, kunwari ka pa eh. Pakipot. Hmmp. Tara na nga, pasok tayo."
"Alangan namang sa labas na lang tayo forever, diba?"
"Sungit mo. Meron ka ba?"
"Wala. Tsk."
"Ay, oo nga pala, lalake ka. HAHAHA!"
Nag-usap lang kami ng random things na tipikal na pinag-uusapan ng mag bestfriends. Hanggang sa umabot kay Francis.
Pwedeng mag-change topic? Tsk.
"Bes, may itatanong sana ako."
"Ano yun bes?"
Eto na, tatanungin ko na. Dapat pa bang tanungin?
"Wag na lang. Tsss."
Ang hirap magtanong. Baka makahalata eh. Mamaya baka mag-away pa kami.
"Ano nga kasi? Sinasadya mo naman akong pabitinin eh. Ano na?"
"Nevermind nga."
"Eh ano nga kasi? Nakaka-curious."
"Wala nga."
"Ano ba yan! Akala ko pa naman kaibigan kita pero konting sikreto lang ipinagdadamot mo na! Itinuring pa naman kitang bestfriend pero---"
"OO NA! SASABIHIN NA! Ayan ka na naman sa pangongonsensya mo! Nakakahalata na ako ah? Malapit ko ng ma memorize yang pattern mo!"
"Ah, hehehehe. Relax. Share na kasi."
Arte neto. Tsss.
"Fine. Tatanungin ko lang naman kung may balak kang sagutin si Francis kung sakaling manligaw siya!"
"Ang straight forward mo naman bes!"
"Pag pinatagal ko, magrereklamo ka. Pag dineretcho ko naman, magrereklamo ka rin. Seriously bes?"
"Whatever."
"Whatever ka rin." nagkatitigan kami ni bes hanggang sa ngumiti siya ng nakakaloko.
"Bes, kapag ba sinabi kong sasagutin ko siya ...
... magseselos ka?"
"HUWAAAAT?!! WHAT KIND OF QUESTION IS THAT?! I MEAN, I MEAN NO WAY!!"
O.M.G.! O.M.G.! Nalaman niya? Paano?
"HAHAHAHAHA!! SABI KO NA NGA BA!! HAHAHAHA!"
"Na ano?! Deretchuhin mo!"
Nakakainis to! Alam niya naman palang may gusto ako!
"Na tibo ka. Hahaha! Seriously? HAHAHA!"
-______________-
"Sige, tawa pa more at hihilahin ko yang tonsils mo."
At tumawa pa nga ang baliw. (>_<) Masunuring bata.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
عاطفيةLife's a battle between friendship and love. Who will win?