Dehado
♡♡♡
Love doesn't mean that both parties should be happy together. It doesn't need to follow the give-and-take process because sometimes, giving simply makes you happy. Love isn't about you, but about him. It isn't about what you want but what he desires. Love is about sacrifice.
Nung natuto akong magmahal, dun din ako natutong masktan. Natuto akong magparaya para sa kasiyahan niya. Masaya siya, kaya masaya na rin ako. Dun ko naranasan tumaya ng malaki sa pag-ibig, kahit puso ko mismo ang dehado. Kahit ilang taon mong pinaghihirapan at hinintay, pagdating sa pag-ibig, pwedeng-pwede itong mawala sa isang iglap. Kumbaga, 45% - 55% ang sitwasyon at nasa sa'yo na kung ipaglalaban mo ang 45%.
"Ellie, panalo ka na naman! Kainis!" we're back to normal I guess. Yung nararamdaman ko lang naman ang abnormal. Balik na kami sa dati. Yung dating masayahin, bibo, at mapagbirong magbestfriends ay bumalik na. Yung pagtawag niya lang naman ng Ellie ang nagbago. Minsan 'tol, minsan Ellie.
Okay naman kami, siguro.
"Baby, isa ka ring loser! Hahaha! Ba't di ka magpaturo kay, Ellie. Magaling yan." I felt proud. Pakiramdam ko ipinagmamalaki niya ako kahit wala lang naman para sa kanya yung pagkakasabi niya. Sa mga simpleng bagay tulad nito, natuto akong makontento. Kapag nagmahal ka, kailangan mong makuntento.
Madalas kapag may date sila ni bes, isinasama nila ako. Sanay naman din ako kaya wala ng kaso yun sa'kin. Umabot na sila ng isa't kalahating buwan at lahat ay naniniwalang mas tatagal pa sila. Kahit ako rin naman, naniniwala. Sila yung tipo ng couple na kapag tinignan mo, parang perfect na. Tiyak, maiinis ang mga bitter sa kasweet-an nila.
Ilang beses ko silang tinulungan. Hindi pala iilang beses, palagi pala. Saksi ako sa lahat ng pinagdaanan at panliligawan nila. Tinulungan ko si 'tol na manligaw kay Melody kahit na labag sa loob ko. Kinakausap ko si bes na sagutin na si Francis kahit na nasasaktan ko ang sarili ko. Ako ang admin ng facebook page nila na nagngangalang FranDy. Andami nilang likes at araw-araw, napupuno ng mga stolen shots nila ang page, kuha mula sa mga fans nila sa school.
Tama nga yung kasabihang, "Masasanay ka lang." Ako mismo, nagawa ko to and now I can finally say I am moving on. Moving on pa lang kasi hindi pa naman talaga ako naka move-on pero alam kong malapit na. Malapit na malapit na.
Kapag magkakasama kaming tatlo, hindi na ako na a-awkward di gaya ng dati. Hindi na ako natutula kay Francis kapag tumitingin ako sa kanya. Hindi na tumitibok ng sobra ang puso ko kapag malapit siya pero inaamin kong medyo may pagka-abnormal pa rin ang tibok nito kapag nakikita ko siya. Medyo lang ha. Hindi na ako nag s-stutter kapag kausap siya. Hindi na ako nagseselos at nagagalit kapag nakita kong sweet sila. Hindi na ako na i-insecure at nagmamaldita. Ang laki na ng pinagbago ko, diba? Aaminin kong nakatulong ang pagtanggap ko sa katotohanang wala na kaming pag-asa.
Nandoon din ako nung first monthsary nila. Nakakainis lang dahil ginawa na nila akong event planner. Buti sana kung may sweldo ako eh wala naman. Naiinis ako sa sarili ko dahil isa't kalahating buwan rin akong nagpakatanga't nasasaktan. Isa na akong dakilang martyr, handang magsakripisyo para sa ikakabuti ng iba. Ngayon? Ayos na sa'kin ang ganitong set-up. Kapag nakikita kong masaya ang dalawa kong best friends, masaya na'rin ako.
"Bes, pa hug." naglalambing na sabi ni Melody sa'kin. Ganito talaga yang babaeng yan, masyadong touchy. Minsan hinu-hug niya si Francis tapos mag hu-hug sa'kin. Hindi ako naniniwala sa indirect kiss pero ngayon, gusto kong maniwala sa indirect hug.
Nagyakapan kami at nagkuwentuhan. Ayos na rin kami ni bes. Simula't sapul, okay naman talaga kami. Maya-maya, nagkilitian na kami. Ang kulit niya talaga! Napatitig ako sa masaya niyang mukha. Napangiti ako. Masaya akong nandito sila at naging best friend ko siya. Kontento na'ko ngayong nandito siya.
Napatitig si bes sa'kin at naging seryoso. Problema ni'tong babaeng to? May gusto yata siyang sabihin. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "What?"
"Mahal mo ba si Francis, bes?" nagulat ako sa tanong niya. Nagulat talaga. Out of the blue biglang nagtatanong ng mga ganyan! Ano ba yan. Naa-awkward ako. Tinatanong niya ba talaga sa'kin kung mahal ko ang boyfriend niya? Seryoso? Ang tagal na nung huling nag-usap kami tungkol sa love-love na yan.
Tumawa ako. "What the F bes! Haha! Of course not. Best friend ko siya." tinitigan niya ako na parang di convinced. Naku, kita mo tong babaeng to nagtanong na nga, ayaw pang maniwala. Sinagot ko naman yung tanong niya.
"Know what? Mabuti pang umuwi na'ko para makapagsolo naman kayo. Al'right? Basta, paaalalahanan lang kita, no monkey business." tumawa ako at kinindatan siya.
Hindi ako dumeretcho sa bahay. Pumunta ako ng park dahil pakiramdam ko, kailangan kong magkaroon ng panahon para sa sarili ko. Naglakad-lakad ako sa park at nag-isip ng mga bagay-bagay. Bagay na tungkol sa'ming tatlo.
Naisip kong gusto kong maging kagaya ng park na ito. Masaya. Tumingin-tingin ako sa paligid. May mga pamilyang nagpi-piknic at nagbo-bonding. May mga magjowang tumatawa at ayoko mang tingnan pero nakita ko na, mga jowang nag ma-make-out. May mga bata ding masayang naglalaro. Mga grupo ng kabataan na nagpa-practice. Mga kagaya kong loner na tumatambay. Rinig na rinig ko ang tawa ng mga tao rito. Itong park na'to, saksi sa kasiyahan gayun na rin sa kalungkutan ng mga pumupunta rito.
Minsan, masaya rin palang magkaroon ng panahon para sa sarili mo. Yung ikaw lang. Simple lang naman ang buhay ko dati, ngayon napaka komplikado na. May mga pangyayaring nais nating balikan at kung meron man ako nun, nanaisin kong bumalik sa panahon nung unang bumilis sa pagtibok ng puso ko ng dahil sa isang tao. Nais kong bumalik sa bawat panahon nung napapatulala na lang ako't tumititig sa kanya. Nais kong bumalik sa panahong minahal ko siya. Kung ako ang tatanungin, hindi ko pinagsisihan na nakilala ko si Francis. Masaya at pinapahalagahan ko ang pagkakataong yun. Nagbago lang naman ang lahat mula nung lumagpas sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya. Naglakad-lakad muna ako sa kabuuan ng park.
"Ellie." tinawag ako ng isang pamilyar na boses. Tinignan ko kung sino ito.
"May sasabihin ako." kinabahan ako sa sinabi niya. Masama ang kutob ko rito. Mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomansaLife's a battle between friendship and love. Who will win?