Inis
♡♡♡
Sa buong biyahe ay tahimik lang si Elie. Habang si Melody naman ang nagsasalita. Ikinuwento niya ang mga karanasan nung magkatampuhan pa sila.
Oo, tampuhan lang daw ang tawag dun sabi ni Melody.
"Alam mo, ang emo kong tingnan dati nung nawala si Elie, kulang nalang bangs. Eh si Elie, at least she have you." pagkukuwento ni Melody kay Francis.
"Pero may kulang pa'rin dahil wala ka. Pakiramdam ko, hindi kompleto eh." page-explain ni Elie.
Totoo yun, kahit naman kasi nandiyan si Francis, iba pa'rin talaga pag babae ang kasama mo. Eh hindi ko naman siya makuwentuhan tungkol sa mga menstrual cramps ko, pati tungkol sa fashion. Gayun din tungkol sa showbiz issues eh hindi naman kasi siya mahilig sa mga ganyan.
Minsan nakikita ko ang mga kaklase kong masayang nagkukuwentuhan at kumakain sa canteen. Naaalala ko tuloy si Melody at nalulungkot lang ako.
Miss na miss ko na siya noon. At sa tuwing nakikita ko siya, gusto kong lumapit, yakapin siya, at humingi ng tawad. Kaso hindi ko kayang ma-reject. Masyadong masakit yun pag nagkataon. Hindi ko naman kasi alam dati kung tatanggapin niya pa ba ako o hindi. Kung alam ko lang na tatanggapin niya pa ako, matagal ko na yung ginawa.
"Eh kasi naman ikaw, Ellie. Pinairal mo na naman ang pride mo. Kapag ikaw pinairalan ulit ako ng pride, talagang bibigyan na kita ng sabon!" animated na pagkukwento niya.
"Ang corny mo! Di ko mahagilap ang joke!" natatawang sabi ni Ellie.
"Talaga lang ha? Eh ba't ka tumatawa? Yung totoo?" nakataas kilay na tanong niya.
"Natatawa ako dahil ang corny mo!" may paturong pagsasalita ni Elie.
"Eh totoo namang ma-pride ka. Ang arte mo nga eh, hindi mo tinanggap agad ang maganda kong pag sorry." nakalabing tugon niya.
"Hindi ah! Hindi kaya ako ma-pride!" pagdedepensa ni Ellie sa kanyang sarili.
"Yes, you are!" pangdidiin ni Melody.
"No, I am not!" pagdedepensa ulit ni Ellie sa sarili niya.
Nagpatuloy pa ang kanilang pagdedebate hanggang sa tuluyan ng mairita si Francis.
"Teka, teka! Ang iingay niyo, para kayong armalite! Ako na lang ang tanungin niyo para walang bias!" pagsusuhestyon ni Francis.
Napaisip si Ellie at napahalakhak sa isip niya.
"Sure. Oh, ano Melody, tanungin mo na si Francis ng magkaalaman na." ngumiti si Ellie ng mapang-asar kay Melody atsaka ibinaling kay Francis ang tingin at pinanlakihan ng mata. Alam niyang siya ang kakampihan nito.
"Alam ko 'yang ngiting 'yan, Ellie. Ayoko nga! Kakampihan ka niyan, siyempre, girlfriend ka niya eh!" naka-kunot noong sigaw niya.
Namayani ang mahabang katahimikan sa kanilang tatlo. Hindi alam ni Ellie ang isasagot niya. Hindi niya naman kasi boyfriend si Francis. Nagkamali lang ng akala si Melody.
"Hay naku, nag-uumpisa na naman kayo. Tumahimik na nga kayo, ako na lang ang sasagot." naiiritang saad niya.
Ngumiti si Ellie ng makapunit-bunganga at tiningnan si Melody. Nagpaikot na lamang siya ng mata.
"Oo, aaminin kong ma-pride nga si Ellie. Right, Melody? Kaya antagal niyong nagbati eh." lumingon si Francis kay Melody at nag thumbs-up naman si Melody. Sabay silang tumawa sa kalokohang pinagsasabi nila kaya nakitawa na lang din si Ellie kahit na sa kaloob-looban ay nasasaktan siya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Mga isa't kalahating oras din silang nag-uusap at nagtatawanan ng mapagpasyahan nilang huminto sa isang gasoline station upang bumili ng pagkain at inumin.
"Excuse me, magc-CR lang" pagpapaalam ni Ellie.
Ang totoo ay hindi naman talaga siya naiihi. Gusto niya lang talagang lumayo muna pansamantala. Masakit pa'rin kasi yung sinabi ni Francis kanina. Hindi niya lang masabi, hindi niya lang maipakita. Hindi siya makapaniwalang kakampihan nito si Melody.
Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Sinubukan niyang ngumiti sa repleksyon niya.
"Ang plastik tingnan. Psh." pagpupuna ni Ellie at sumimangot na lang. Sinubukan niya pa ulit ngumiti ngunit nangawit lang ang labi niya.
Paano niya maggagawang ipakita sa kanila na masaya siya? Sa simpleng pagpeke pa lang ng ngiti eh hindi niya na maggawa.
"Ellie, okay ka lang?" sigaw ni Melody na nasa isang cubicle na rin pala.
Nainis siya sa simpleng pagsasalita pa lang ni Melody.
Tinatanong niya ba talaga kung okay lang ako? Ba't di niya tanungin ang sarili niya? Psh. Sigaw ng isipan niya.
"Ellie, nanjan ka pa ba?"
Hindi, hindi. Baka na-flush na. Isip niya.
Huminga ng tatlong beses si Ellie, malalalim na hininga. Ngumiti muna siya sa sariling repleksyon sa salamin at lumabas na.
"Ayos lang. Tara na?" sagot ni Ellie ng makalabas siya at nagpatiuna na sa paglalakad.
Pagkarating nila sa kotse ni Melody ay nakita nila si Francis na inip na inip na nakasandal sa trunk ng kotse. Ng makita ang dalawa ay ngumiti siya ng malapad at kumaway.
"Ang tagal niyo!" pagrereklamo niya pa.
"Sorry, na-traffic lang." pagjo-joke ni Melody at sabay-sabay silang nagtawanan. Siya talaga yung tipo ng taong palabiro.
Sa pagpapatuloy ng biyahe nila ay nanahimik na lang si Ellie at natulog. Maiirita lang siyang marinig ang masayang tawanan nung dalawa.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Ellie, wake up."
Napamulat siya sa mahinang pagyugyog ng isang tao sa kanya. Inasahan niya pa namang si Francis yun, si Melody pala.
"Nandito na tayo?" gulat na sagot niya. Parang ang bilis naman yata ng biyahe, isip niya.
"Four hours kaya ang naging biyahe natin. Di mo ba nahahalata? Naku, nagiging sleepy head ka na naman." panenermon ni Melody.
Napalinga-linga si Ellie sa paligid at may nakitang dagat sa gilid. Gayun paman, wala siyang nakitang maganda rito. Puro damuhan, puno, at buhangin lamang.
"Eto na yun? Nag biyahe tayo ng malayo just for this?" nakangiwing saad niya. Kung alam niya lang pala na dito lang pupunta eh hindi na siya dumayo pa. Hindi karapatdapat na dayuhin ang lugar na'to.
Sinapak ni Melody si Ellie.
"Silly. Of course not. Kaya nga dapat bumaba ka na jan ngayon para makarating na tayo. Sasakay pa tayo ng bangka papunta dun sa kabilang isla." sabi niya at itinuro ang kabilang islang natatanaw nila.
Napagdesisyunan nilang pumunta sa Paradise Beach Resort, Samal, na siyang isunuhestiyon ni Francis.
Nauna ng pumasok sa loob si Melody at naiwan naman si Ellie at Francis sa labas.
"Ellie, okay ka lang?" tanong ni Francis sa pananahimik ni Ellie. Maging ito ay nakakahalata na sa pananahimik niya.
"Ayos lang naman." nakangiting sagot niya.
Ang totoo eh naba-badtrip siya dahil hindi na date ang nangyari ngayon. Planado na ang araw na ito para sa kanilang dalawa lang pero heto nga ang nangyari, naging tatlo pa sila. Ang ipinuputok ng butsi niya eh ba't kailangan pang isama si Melody eh pwede namang sa ibang araw na lang. Nakakainis talaga. Kung pwede nga lang umuwi pabalik sa bahay ay ginawa niya na, nawalan na siya ng gana para sa trip na'to.
"Tara na, ang layo na natin kay Melody." sabi ni Francis at hinila si Ellie papunta kay Melody.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomansaLife's a battle between friendship and love. Who will win?