Paranoid
♡♡♡
What should I do?
Kanina pa ako hanap ng hanap sa google ng mga dapat gawin kung paano mapo-provoke ang isang taong umamin sa mga nararamdaman niya at swear! Ubos ko na ang letrang 'O' ni google pero wala akong mahanap na simple.
Kiss him/her.
Flirt with him/her.
Seduce him/her.
Make him/her jealous.
Make an effort. Show him/her you love him/her.
Compose a song or make a poem.
Give love letters and sweet nothings.
At paano ko naman pipilitin si bes na gawin yan, aber?!
"Bes, sige na. Hahalikan mo lang naman si Francis eh. Why don't you try it. Sasabihin mo lang naman na 'nakikitikim ka lang'. Pero kung ayaw niya talaga, pikutin mo na!"
Wag na lang! Hopeless na'to mga pre! Siguro mag-iimbento na lang ako ng paraan.
Ang importante, magawan ko 'to ng paraan.
05:30 na ng hapon at konti na lang ang mga studyante dito. Tinext ko agad ang dalawang bestfriends ko.
To: Bes; Tol
Kita tayo sa first floor. Sa pinaka dulo. Now na. Wala ng tanong-tanong pa.
Matapos ko itong i-send ay nagtago na ako sa gilid nitong room. May makitid na daan pa kasi dito.
Alam kong mali ang gagawin ko pero sana patawarin nila ako. Para rin naman to sa kanila eh.
"Uy, Francis! Nandito ka rin pala. Tinext ka rin ba ni Ellie?"
Napapikit ako. Ayan na, nagsisimula na sila.
"H-ha, O-oo." sagot ni Francis na halatang kinakabahan na.
Siyempre, gusto niya si Melody eh.
"Talaga? Alam mo matagal ko ng napapansin eh, minsan may pagka-weird talaga si Ellie."
"Napansin mo rin yun? Hahaha. Naman. Matagal na kaya."
At talagang pinagkakaisahan niyo ako huh? Naku, tignan natin ngayon.
"Bes! Nandiyan ka pala! Na miss kitaaaaa!"
Akmang lalapit na siya sa'kin ng bigla ko siyang itulak papasok sa janitor's closet kasama si Francis at ni-lock ang pinto. Nakuha ko ang ideyang ito sa mga korean novelang napanood ko.
Bahala na kung matumba kayo sa pagtulak ko. Hindi ko na yun aabalahin pa.
"Hoy! Tol, hindi na magandang biro to!"
"Bes!! Buksan mo na ang pinto kun'di magtatampo talaga ako sayo!"
"Ciao! Ingat kayo." sabi ko at lumabas na.
Napaluha ako ng umabot ako sa gate. Talaga bang iiwan ko na sila dun? Silang dalawa lang? Overnight? Panigurado kasi, wala ng pupunta dun ngayon.
What if bukas, sila na?
What if bukas, wala na akong pag-asa?
What if magsisi ako?
What if pag gising ko, tatlo na sila?!
Gosh! Ngayon pa lang, sising-sisi na ako. Pero hindi ako dapat magsisi. Dapat matuwa pa ako dahil pagkatapos nito, magiging masaya na sila. Alam kong sa pagsasama nilang yun, magkakausap sila. Magkakaliwanagan. Magkakakilala. Magkakaaminan.
Aware naman ako dun eh. Aware akong may mutual feelings sila.
Umuwi akong wala sa sarili. Na para bang nalaglag ang puso ko at nagka pira-piraso.
Kahit kailan talaga hindi na ako nadala. Forever na nga siguro akong magpapakatanga.
Humiga ako sa kama pero hindi ako makatulog. Nakakainis. Ngayon na gustong-gusto kong matulog, hindi ko magawa. I feel so exhausted!
Naisip ko na lang ang mga bagay-bagay,
Marumi dun, Ellie. Ano sa tingin mo ang gagawin nila?
Siyempre, magst-stay sa isang spot na malinis at magsisiksikan.
Masikip dun, Ellie. Ano sa tingin mo ang gagawin nila?
Siyempre, magsisiksikan lalo. Magkakadikit pa ang kanilang balat. Ugh!
Madilim dun, Ellie. Ano sa tingin mo ang gagawin ng bestfriend mong matatakutin sa dilim?
Ano pa nga ba, lalapit kay Francis at pasimpleng hahawak sa kamay niya at unti-unting napapayakap sa kanya. At siyempre, bilang lalake ay yayakapin niya rin ito upang ma-comfort.
Gaaaaaah! Ayoko na! Nakakainis lang lalo!
Kung ano mang kinalabasan bukas, bahala na! Mas mabuti pang matulog na lang.
Samantalang, sa storage room,
"Mahal ko si bestfriend."
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?