CHAPTER 8

3 0 0
                                    

Our bestfriend, her boyfriend

♡♡♡

"Walang hiya ka Francis! Akala ko kung ano na!"

"Hindi nga kita niloloko. Totoo nga yung sinabi ko."

"Weh? Di nga? Sure ka?"

"Alam mo ikaw, ang kulit rin ng lahi mo eh! Sinabi nang oo! Paulit-ulit?!"

"Iiiih! Nakakainis ka! Alam mo bang todo emote pa ako kahapon! Dapat dati mo pa inamin edi sana hindi na ako nahirapan pa."

Torpe.

"Hahaha. Oo na, sorry na dahil ngayon ko lang inamin sayo. Nahihiya kasi ako sayo dati eh kasi baka itaboy mo ako."

"So ganun? Jinu-judge mo ako ganun? Lakas mo ring maka bubble gum ah!"

"Hahaha. Topakin ka rin pala gaya---"

"Shhhh. Makinig naman kayo. Nagbabayad tayo ng tuition para mag-aral."

Kita mo tong si bes, wagas maka sita. Kung alam ko lang, baka nagseselos lang yan si Ellie sa'min ni Francis.

Sinasabi ko na nga ba, si Francis talaga yung kinuwento niyang mahal niya eh! KYAAH! Ako ang bubuo ng love team nila! Ako mismo!

Kinalabit ko si Francis at binulungan.

"Hoy, sigurado ka bang yang amazonang yan ang gusto mo? Ang sungit kaya niya!"

"Oo nga. I told you yesterday sa janitor's closet, siya ang babaeng crush ko."

"Ano namang nagustuhan mo sa kanya? Mukha kaya yang tibong masungit."

"Mabait kasi siya, simple at sweet."

"GOSH! Sweet ba kamo?! As in capital S-W-E-E-T?! Baka kamo brutal! Pero alam mo, ramdam ko talaga eh, na gusto ka rin niya."

Obvious kaya. Sinadya ko pa silang i set-up ng date sa restaurant dati. Nagkunwari pa akong may LBM para sa kanila. Nalungkot pa ako nung nalaman kong walang magandang resulta ang date nila, yun pala mga torpe ang bestfriends ko. Nagkakagustuhan pero ayaw mag-aminan.

"Talaga? How? Paano mo naman nasabi?"

"Mr. Silvestre and Ms. Del Rio, if you're not interested in my class, you may go out."

Binulungan ko si Francis.

"Tara."

"H-ha?"

"Basta tara."

Lumabas kami ng classroom gaya ng gusto ng menopausal teacher namin sa English.

"Uy, Melody, ba't tayo lumabas?"

"Bestfriend na lang ang itawag mo sa'kin or pwede ring bes total bestfriend mo  naman si bes eh."

"P-pwedeng tol na lang?"

"Bopols! Ginawa mo pa akong tibo eh?! Hmmp. Alam ko namang nagi-girlyhan ka sa bes kaya bestfriend na lang."

"K. Bestfriend."

"Yan, better."

"Eh bakit mo nga kasi ako dinamay sa pawalk-out walk-out mo kanina?"

"Hay, ang sarap ng hangin."

Bigla siyang nanigas ng isandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Nakaupo kami sa bench, di kalayuan sa classroom.

Hmmm. Muscular. Medyo lang :3 chubby nga ng konti.

"M-melody, ba't ka s-sumasandal sa'kin?"

"Ito namang lalaking to. Bestfriend nga sabi ang itawag mo. Eh ikaw, ba't ka na-estatwa ng sandalan kita?"

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon