Nadapa lang
♡♡♡
"FRANCIS!! SIGE NAAAAAA!! MAG-DATE NA TAYOOOO!!"
"Ano ba?! Wag sumigaw, please! Wala tayo sa kabundukan!"
"Pumayag ka na kasi!"
"A.YAW."
Kanina ko pa pinipilit tong damuhong to na magdate kami. Nakakainis. Siya na nga ang niyayaya ng babae, siya pa ang tumatanggi. Tama nga si bes, sobrang arte niya.
"SIGEEE NA KASIIII!" napa-pout tuloy ako. Ayaw niya akong pagbigyan.
"Anong makukuha ko jan? For sure, manghuhuthot ka lang ng pera ko."
"Hindi naman no. May sarili rin naman akong pera. Kung talagang ayaw mong manlibre, BYOF (Bayad your own food) na lang tayo. Ang kuripot mo ha! Ba't si Ellie pwede magpalibre, tapos ako hindi?!"
Bestfriend niya din naman ako ah. Pero yuck ha. Friendly date lang ito, nothing romantic.
"Kasi mahal ko siya."
Nagiging corny na naman siya. Minsan talaga kapag tinotopak ang lalakeng to, nagjojoke at nagiging corny. At kapag sinabi kong minsan, I meant to say once in a full moon.
"Alam ko. Pumayag ka na kasiiii! Isasama ko naman si Ellie!"
"Kasama na naman ba to sa plano?"
"Oo. Hindi mo man lang ba naisip na kaya ako makikipag-date sayo ay dahil sa plano? Bopols ka ba talaga?!"
Talaga tong lalakeng to, umiiral na naman ang pagka-slow niya.
"Hindi, and as a matter of fact, mas matalino pa'ko sayo."
Pero mas matalino naman si bes sa kanya. Palagi nga kaming nangongopya ng assignments sa kanya eh kaso ang ramot ni bes!
"Pumayag ka na kasi!"
"Okay. Wait lang. Jan ka lang. Wag kang gagalaw."
"Ang O.A. ha! Bilisan mo!"
Habang naghihintay ako sa kanyang magbihis, ginala ko ng tingin ang buong bahay. May kalakihan ngunit medyo disorganized ang mga gamit. Kulay puti ang lahat ng walls at ang floor sa baba ay cement samantalang sa second floor naman ay wood tiles. Nakuwento na'to ni bes dati at sinabi ni Francis sa kanya na creepy daw ang bahay nila kaso hindi naman eh. Iba parin talaga kapag nakita mo sa personal. First time kong makapunta dito. Si bes halos tumira na dito, base narin sa kuwento niya.
"Akina'ng kamay mo Francis."
Naglalakad kami ngayon. HHWWSS (Holding Hands While Waking with Sway-Sway). Yuck lang, mukha kaming mag boyfriend-girlfriend ngayon.
"Wala pa naman si Ellie."
"F.Y.I. malapit na tayo sa bahay nila. Mas maganda ang laging handa."
Hindi ba niya naranasang maging boyscout?
"Melody, hindi ba parang sumosobra na tayo sa boundary? What I mean is, baka nasasaktan na natin ng sobra si Ellie."
"Bakit, may naisip ka bang mas magandang paraan?"
"Wala."
"Yun naman pala eh. Wag kang mag-alala, isipin mo na lang na nagro-role play tayo. Kapag umamin na ang bida, matatapos na rin ang kuwento. Kapag ubos na ang scrypt at papel ko sa play na'to, mahihinto na'to kaya wag kang mag-alala, pareho tayong nagtitiis sa eksenang ito."
"Andami mo pang sinabi."
"Okay, papasok na tayo sa bahay nila bes. Dumikit ka, dali!"
"Okay, direk. Action starts now."
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?