CHAPTER 4

2 0 0
                                    

Ikaw, manhid ka.

♡♡♡

"Classmates! Makinig kayo kay Ellie!"

Maaga pa lang ngunit nandito na kami sa classroom. Napagpasyahan naming kontsabahin ang aming mga kaklase para mapadali ang lahat. Baka mamaya, maging sagabal pa sila sa plano ng di nila alam.

"Malinaw ba ang gagawin niyo mamaya? Any questions?"

Sabay-sabay silang sumagot sa tanong ko sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo.

"Okay. Sige bumalik na tayo sa ating proper seats dahil any minute dadating na si ma'am. Let's just hope na hindi ma late si Melody."

Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating si Melody na bahagya pang humihingal.

"HOOO! BUTI UMABOT PA AKO! NAG THE FLASH KAYA AKO! HAHAHA!" pagjo-joke niya ngunit walang pumansin. Nahiya naman si bes kaya awkward na umupo na lang siya.

"Pssst. Bes, anong meron?" tanong niya sa akin pagkaupo niya pa lang sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin. Hinding hindi!

"Gosh! Ang po-poker face niyo ha!" sabi ni bes at maarteng inikot ang eyeballs at sumimangot.

Kinalabit niya naman si Francis sa kabilang gilid ko.

"Uy, anong meron?"

"Well ..."

"Ha?"

Bigla akong nag strum ng gitara at yung mokong pangiti-ngiti pa habang kumakanta.

"... you done, done me cause you bet I felt it. I tried to be chill but you're so hot that I melted, I fell right through the cracks and now I'm trying to get back."

Napatitig ako kay Francis. Hindi naman ganun ka-amazing ang boses niya, pero inaamin ko, nakuha nito ang puso ko. Pumikit ako para lalong madama ang boses nito.

"Ayiiiieee!" sabi ng mga kaklase ko. Magkaharap kasi kami ngayon, kinakantahan niya ako habang nagigitara ako.

Tokwa naman oh! Kinakantahan nga lang ako ni Francis pero pakiramdam ko nagpo-propose na siya! Naman! Kinikilig ako!

"Hi Ellie!" for the first time, Ellie ang tawag niya sakin at hindi tol. Ang sarap sumuka ng rainbow sa sobrang saya. Hi pa lang, pakiramdam ko I love you na.

"Hi Francis!" sa simpleng pagbigkas pa lang ng pangalan niya, kinikilig na ako. Naman! Ba't di ko mapigilang ngumiti? Hindi ba pwedeng pa-demure muna?

Ngumiti kami sa isa't-isa na parang kami lang ang tao sa mundo. Nagkatitigan kami ng malagkit. As in, yung parang nag I-I love you kami sa isa't-isa. Nakakatulala. Nakaka-in love.

Hindi ko na napigilan at tumakbo na ako papalapit sa kanya at lumundag.

"KYAAAAAH! FRANCIS! MAHAL KITA!"

Natatawa siyang sinalo ako at inikot-ikot. Para kaming nasa isang music video ng romantic music.

Nagkatitigan ulit kami at ngumiti. Ibinuka niya ang labi niya at sinambit ang mga salitang nais kong marinig.

"Mahal din kita---"

"... Melody."

Biglang nawala ang ngiti ko at napakurap ng ilang beses. Totoo ba to? Nak ng! Nagda-day dream pa yata ako!

Natapos na ang kanta at laking pasasalamat ko at nag survive ako ng hindi umiiyak. Natanong ko tuloy ang sarili ko, "Seryoso, ganito ako ka tanga?"

"UUUYY! KAYO HA! PBB TEENS? PBB TEENS?!" panunukso pa ng mga kaklase ko.

Kulang na lang maglupasay sila sa tuwa. Pero ba't ako? Ba't hindi ko maggawang matuwa? Naiinis lang ako lalo.

Tahimik akong lumabas sa classroom ng makasalubong ko si ma'am sa daan.

"Oh, Ellie, saan ka pupunta? May klase pa tayo."

"Ma'am, absent po muna ako." sabi ko kay ma'am.

"Okay ka lang ba, Ellie? Ba't ang tamlay mo ata? Teka-- ba't ka umiiyak?"

Napahawak ako sa pisngi ko. May luha nga. At kelan pa ako lumuha? Ganun na ba ako kamanhid para hindi maramdaman yun?

"Masama lang po ang pakiramdam ko. Uuwi na lang po ako."

"Sige, iinform ko ang principal para payagan kang lumabas."

"Salamat po."

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"AAAAARRGGH!!!!" inis na pinagtatapon ko ang mga unan sa kama at pinagsusuntok ang concrete wall.

"NAKAKAINIS KA!! NAKAKAINIS KAYO!!"

"ANG TANGA KO!! ANG ENGOT KO!!!"

"Tol, anyare?!" patakbong salubong ni Francis.

Tinignan ko siya at sinuntok ulit ang dingding.

"NAKAKAINIS!! Ang sarap mong bangasan!"

"Tol! Wag ka namang ganyan! Nagaalala rin naman ako bilang kaibigan mo dahil bigla-bigla kang nawala at pagdating ko dito, kalabog pa ang sumalubong sakin. Tama na tol. Wag mong saktan ang sarili mo."

"Nagpapatawa ka ba ha?! Kung MAKAPAGSALITA ka naman AKALA MO ..." akala mo hindi ikaw ang nanakit sa akin.

"Ano bang problema tol? Pwede ba huminahon ka muna?"

"Kasi. k-kasi. A-ayoko na." at hindi ko na napigilang umiyak.

Tingnan ko pa lang siya, nanghihina na ako. Nasasaktan ako.

Hinayaan ko ang sarili kong umupo sa sahig at umiyak. Mukha na siguro akong kaawa-awa ngayon. Di bale, wala naman yang pake alam sa akin eh.

Tinignan niya lang ako at lumabas na. Iniwan niya ako. Wala siyang katiting na awa man lang. Wala. At sa isiping yun ay mas lalo lang akong naiyak.

Nagulat ako ng makitang bumukas ulit ang pintuan at laking tuwa ko ng siya ang nakita ko. For a second, I was afraid to lose him.

Kinuha niya ang kamay ko at ginamot. Kumuha lang pala siya ng first aid kit. This time, medyo kumalma na ako.

"Tol, ano ba talagang nangyayari sayo?"

Tinanong niya ako at kinulit pero nanatili lang akong nakayuko at tikom ang bibig.

"Tol?" kinulit niya pa ako and this time, bumigay na ako.

"Ikaw."

"Anong ako?"

"Ikaw Francis. Ikaw."

"Eh ano ngang meron sakin? Di kita magets eh. Ang labo mo tol."

Manhid.

Nagkatitigan kami at anytime babagsak na ulit ang luha ko. Kung ganito kasakit ang magmahal, sana pala hindi ko nalang sinubukan.

"Tol, ayos lang yan." sabi niya at niyakap ako.

Bahala na. Hindi ko muna iisipin ang ibang tao, ang mahalaga ako ngayon ang kayakap niya. Kahit ngayon lang.

Iniyak ko ang lahat. Lahat lahat, nang sa ganun, paggising ko, wala na ang sakit. Inilabas ko ang lahat hanggang sa inantok ako't nakatulog.

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon