CHAPTER 14

2 0 0
                                    

Familiar face

♡♡♡

May mga bagay na akala mo wala na. Ang hindi mo alam nandiyan pa pala.

Isang buwan, ganun na katagal, simula nung umalis si Melody sa bahay na yun, nung tuluyan na siyang umalis sa buhay ko. Hindi ko magawa-gawang alisin sa isip ko ang sakit na nakaguhit sa mukha niya. Hindi mawala-wala ang sakit dito sa puso ko. Gusto ko siyang lapitan ngunit wala akong lakas na loob para humingi ng tawad.

Nahihiya ako sa kanya. Sa lahat ng pinagdaanan namin, ganun ang sasabihin ko sa kanya? Anong klaseng kaibigan ako di 'ba? Natatakot akong lumapit dahil talaga namang nakakatakot ang mga mata niya kapag tumitingin sa'kin. Siguro pareho kami, hindi maka get-over.

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa'rin kami ni Francis. Pakipot ba? Nah. Hindi rin naman siya nanliligaw eh. At gaya nga nung sinabi ko dati, gusto ko yung pinaghihirapan akong makuha. Masaya rin namang i-enjoy ang mutual feelings namin para sa isa't-isa. Hindi ko sasabihing M.U. dahil baka ibalik niyo sa'kin ang sinabi ko dati kay Francis at Melody na M.U. sila---Mukhang Unggoy.

"Ano na, Ellie, nakapili ka na ba?"

"Ha?"

"Tinatanong po kita kung nakapili ka na ba ng movie?" bigla kong naalala na pinapapili niya nga pala ako ng movie. Nakalatag kasi sa harap ko lahat ng CD na meron siya. Balak kasi naming mag movie marathon gamit ang CD player niya. Alam niyo naman ako, taong-bahay na mas pipiliing tumambay sa bahay kesa pumasyal sa labas. Ewan ko ba, tamad talaga akong maglakad eh.

"Ay, sorry. May naisip lang." pag-aamin ko. Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Halata nga kasi tulala ka kanina. Ellie naman, iniisip mo na naman ba yun? Hayaan mo na. Nandito naman ako." napansin kong parang nairita siya. Ako naman kasi talaga ang dahilan, hindi ko kasi magawa-gawang kalimutan yung araw na nasira ang pagkakaibigan namin ni Melody. Hindi ko mapigilang hindi magsisi. Naiintindihan kong naiirita siya dahil araw-araw na lang akong parang wala sa sarili kapag naaalala ang pangyayaring yun.

"Sorry." alam kong ma-pride akong tao pero pagdating sa kanya, natututo akong humingi ng tawad. Anong maggagawa ko, mahal ko eh.

Mahal ko rin naman si Melody ngunit di ko nagawang humingi ng tawad. Pinangunahan ako ng kaduwagan.

"Okay lang. Sige na nga, ako na lang ang mamimili." at gaya nga ng sinabi niya, siya na ang namili. Nanuod kami ng the Hobbit 1, 2, and 3. Hindi ko lang ma-figure out masyado kung para saan ang ring. Comm'on! Umasa ako na magiging 'Small but incredible' ang theme niya. At siya ang magliligtas ng lahat.

Salamat kay Francis dahil kapag kasama ko siya, hindi ko naiisip ang mga problema. Ang carefree lang ng pakiramdam.

Napatingin ako sa kanya. Binalikan ko ang mga alaala namin mula sa umpisa. Napakasimple lang ng mga bagay noon, paano kami humantong sa ganito?

Napansin ni Francis na nakatulala sa sahig si Ellie.

"Ellie, wag ka ng malungkot, please?"

Alam niyo yung feeling na gusto mong ipakita ang totoong nararamdaman mo pero ayaw mong malungkot din siya kaya ngingiti ka na lang?

"Better." nakangiting tugon niya sa pag ngiti ko. Masaya na rin ako dahil masaya siya.

"Tara, labas muna tayo." aya ko sa kanya.

"Saan?" takang tanong niya sa biglaang pag-aaya ko.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Maglalakad lang sa village. Samahan mo'ko?" nakangiting inilahad ko ang kamay ko sa kanya na malugod niya namang tinanggap. Pabiro ko siyang hinila, kunwari tinutulungan ko siyang umalis sa kinauupuan niya kahit na alam naman naming hindi ko kaya. Sabay kaming napatawa ng makatayo na siya.

"Wow. Lakas mo ah!" pabirong sabi niya na ikinatawa ko.

Si Francis yung taong kayang sabayan ang mga trip ko.

Lumabas kami at naglakad-lakad sa kahit saang sulok ng village. Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi naman siya nag-attempt na kunin ito kaya hinayaan ko na lang. Siguro iniisip niyang ma-ooffend ako kaya hindi niya ginawa.

He respects me. Alam ko yun.

Unti-unting lumiit ang puwang sa pagitan ng mga kamay namin hanggang sa tuluyan na ngang nasakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Hindi ko  maiwasang hindi mapangiti ng pagmasdan ko ang magkadikit naming kamay. Pakiramdam ko yung kamay niya ay ginawa para sa'kin, saktong-sakto. Ang komportable sa pakiramdam.

Matapos niya ring pagmasdan ang kamay namin, tumingin siya sa'kin ng may pagtataka. Sa halip na sumagot ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti na sinuklian niya naman. Sa tagal naming magkakilala, sigurado akong alam niya na ang kahulugan ng ngiting yun.

Naging masaya naman ang paglalakad namin, marami rin kaming pinagusapan. Mga favorites,likes, dislikes, secrets, embarassing moments, achievements at marami pang iba. Nakakatuwa lang isipin na sa ilang taong pagkakaibigan namin, may mga bagay pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Akala ko kasi alam ko na lahat, hindi pa pala. Hindi nga naman talaga nasusukat ng panahon ang pagkakaibigan, pinapatibay nito.

Masaya kaming nagtatawanan ngunit bigla kaming natahimik nang makasalubong sa paliko ng daan ang isang pamilyar na mukha. Hindi lang pala pamilyar kundi kilalang-kilala. Biglang naging awkward ang paligid, walang nagsasalita.

"Uy, Melody! Long time no see!" masayang bati ni Francis. Tiyak kong ginawa niya yun sa intensyong pahupain ang tensyon sa paligid. Ang laki ng pinagbago ni Melody, pumayat siya at nagpakulot ng buhok. Parang kelan lang nung mag bestfriends pa kami. Ang bilis talaga ng panahon. Ngumiti siya at bumati rin kay Francis. Nasaktan ako hindi dahil sa pagseselos ko kundi dahil hindi niya man lang ako magawang tingnan.

Tinitigan ko siya ng matagal, nagbabakasakaling batiin niya rin ako. Makalipas ang ilang segundo ay lumingon siya sa kinaroroonan ko. Nagulat pa ako. Ni hindi siya bumati o ngumiti man lang. Parang kani-kanina lang hiniling kong tingnan niya ako pero pinagsisisihan ko na ang hiling na yun. Mas nasasaktan lang ako.

"I have to go." paalam niya kay Francis habang titig na titig sa akin. Pakiramdam ko para sa'kin ang mga salitang yun, nagpapahiwatig ng pag-alis niya sa buhay ko. Umalis na siya at dumaan sa gitna naming dalawa ng pigilan ko siya. Hinawakan ko ng maluwag ang braso niya.

"W-wait." utal na sabi ko. Kinakabahan ako na nahihiya na ewan. Paano ko nga ba sisimulan ito?

"Yes?" malumanay na sagot niya. Hindi naman galit o nagmamaldita ang tono niya, parang normal lang.

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero hindi ko mahanap ang tamang salitang babangitin. Isinara ko na lang ang bibig ko at maya-maya'y sinusubukang magsalita ulit ngunit hindi ko pa'rin nagawa. Nagmistula na akong isda na ginagalaw ng bunganga. Nakakahiya lang.

"Wala naman." nahihiyang binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. Wala naman akong sasabihin. Wala naman talaga sa plano ko ang pigilan siyang umalis, nagkusa lang ang katawan ko. Instinct, kumbaga. Nang mabitawan ko siya ay umalis na siya at di na lumingon pa.

"Melody, wait!" muling pag tawag ko ng pangalan niya. Napangiti ako ng lumingon siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko.

Nagkatitigan kami. Kinagat-kagat ko ang labi ko sa kaba. Ang tagal niyang sumagot. Paano kung hindi pumayag?

"Okay, fine."

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon