Proxy
♡♡♡
"Bes, sige na. Sama ka sa date namin ni Francis mamayang lunch, puhleaase?"
Tumatawag ngayon ang babae at nanghihingi ng favor. Para saan pa? Para gawin nila akong chaperone at masaktan ng sobra? Wag na!
"May assignment pa akong gagawin para mamayang hapon." pagpapalusot ko. Though, meron naman talaga, pero actually, tapos ko na.
"Pakokopyahin naman kita eh."
"No thanks. I don't trust your answers. Basta, NO is the answer. It's a NO."
"Nu ba yan! Bestfriends? Wala na bang halaga yan sayo? Lahat ng memories natin wala na? Napakawalang kwenta mong bestfriend. Ang liit na bagay lang ng hinihiling ko, hindi pa mapagbigyan. Gosh! Akala ko pa naman totoong kaibiga---"
Heto na naman po tayo.
"K. Fine. Saan ba?"
"Yes! I love you bes! Mwah! Mwah! Hahaha! Sa restaurant lang sa harap ng school!"
"Wow ha! Di halatang excited ka. -____- . Walangya nangonsensya ka na nama---"
*toot . toot . toot*
Nauto na naman ako. Tssss. Ang arte kasi!
"Oh, ano na? Nasaan na yung magaling na babaeng ka-date mo?"
"Ah, eh--- hindi ko alam eh. Tinatawagan ko pero out of reach."
"Ano?! Kainis na babaeng yan! Kaloka siya!"
"Teka, nag text na! Eto, babasahin ko ang text niya.
Bestfriends. Sorry na! Lalo na sa babeng alam kong nagaalboroto na ngayon. Pasensiya dahil hindi ako makakapunta. Natatae kasi ako kanina. Nakakahiya naman kung jan pa ako magbawas diba? Sige enjoy jan mga bes. Francis pakainin mo ng marami yang si Ellie ha hindi yan nag breakfast. Ellie alam mo na ;) AHEM. Ge. K. Enjoy."
Anong alam ko na? Tsss. Labo rin ng babaeng to eh no.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"What?"
"Hindi ka raw nag breakfast."
"Ayokong malate kaya nagmadali na ako."
"Still, hindi yun sapat."
"Tatay kita, tatay? Makapagreklamo ka naman. Tsss."
Baka kamo tatay ng mga magiging anak ko. Shemay. Ahhh, kung anu-ano na naman ang iniisip ko.
"Bakit may angal?"
"Oo! ... lalo lang akong na fa-fall."
"Ano?"
"Wala! Sabi ko wala! Tsk!"
"Ikaw ha, napapansin kong madalas kang bumubulong. Are you nuts?"
"No, I'm vegetables. Whatever. Order na lang tayo. Tomguts na ako. Ngayon, ikaw naman ang manlilibre! Mwahahaha! Makakaganti na rin ako."
Natapos na kaming kumain at bumalik na kami sa klase. Lutang ako buong klase paano ba naman hindi ako makaget over sa nangyari kanina.
EMERGARSH! Pakiramdam ko kami ang nagdadate dito! Parang nagvanish ang lahat at siya lang ang nakikita ko.
"Hahahaha. Nakakatawa ka talaga tol. May kanin ka pa sa mukha. Hahaha."
At habang tumatawa siya, parang siyang nag shi-shine at parang um-echo sa tenga ko ang boses niya. Ang pinakamagandang boses na narinig ko.
BINABASA MO ANG
SL1: Selfless Love
RomanceLife's a battle between friendship and love. Who will win?