CHAPTER 15

1 0 0
                                    

Bumitaw ka na

♡♡♡

Pinag-krus niya ang mga kamay sa dibdib.

"Anong kaartehan 'to, Ellie?" sabi ni Melody ng magkaharap kami. Nandito kami sa bahay, kaming dalawa lang. Umuwi na kasi si Francis kanina. Alam kong gusto niya kaming magbati kaya binibigyan niya kami ng oras para mag-usap ngayon.

"Bes, hindi ko na kaya 'tong sakit na nararamdan ko kapag wala ka. Hindi ko na kayang tiisin ang pangungulila kapag binabalewala mo ako. Hindi ko na kaya bes! The pain is killing me! Hindi ko na kaya!" madamdaming sabi ko.

Nagpaikot siya ng mga mata at sinabing, "And so? Tinatanong ko ba?"

Lumapit siya lalo sa'kin at yun ang pahiwatig na bukas siya upang pakinggan ang mga sasabihin ko.

"Tingnan mo yang inaakto mo ngayon, yan ang dahilan kung ba't nahihirapan ako. Nahihirapan na 'kong huminga dahil ang sakit sakit na dito!" sabi ko at itinuro sa may bandang puso.

"Ahh, masakit ang skin mo, ganun?" pilosopong tono niya.

"Masakit sa puso at mahirap sa isipan." malungkot na saad ko.

"Problema mo? Skin mo naman ang nakita kong tinuturo mo." nakataas kilay na tugon niya.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan dahil hindi ikaw ako! Hindi mo naiintindihan ang sakit na dinaranas ko."

Biglang nagbago ang ekspresyon niya nung sinabi ko yun. Kumunot ang noo niya't matalim akong tinitingnan.

"Well, guess what Ellie? I do. Nung itinakwil mo ako at sinabihan ng mga masasakit na salita, I do!" galit na turan ni Melody.

Pinalo ko siya sa ulo ng malakas.

"Tungeks! Wrong grammar ka teh! I do ka ng I do eh 'I did!' ang tamang grammar! Past tense na kaya yun."

"Whatever." maarteng sabi niya.

"Kita mo? Binabalewala mo na ako ngayon. Eh nung dati halos ikaw pa ang nagpapapansin sa'kin. Wala na bang tayo, Melody? Wala na ba?" sabi ko.

"Mandiri ka nga! Straight ako, Elie! Yuck!" nakangiwing sagot niya.

"Oh, I love you na talaga Darla!"

Nagkatinginan kami at nginitian ko siya ng matamis. Akala ko matutuwa rin siya pero nagkamali ako. Nang-irap pa siya.

"Hoy! Hindi ka man lang ba ngingiti diyan? Nagpakahirap akong um-acting dahil alam kong kahinaan mo ang pagiging fail actress ko tapos magmamaldita ka? Comm'on Melody!"

"Do not 'Hoy-hoy!' me! At yung sinasabi mong kahinaan ko? People do change, Elie." seryosong sabi niya.

Nagsukatan kami ng tingin. Tila inaalisa ang kaluluwa ng isa't-isa.

Anong people do change ang sinasabi ng isang 'to? As if namang may nag change sa'ming dalawa. We will not change. We can't change.

"Kung ganun, ba't mo sinakyan ang acting ko kanina?" kung galit nga talaga siya, dapat nagwala na 'to nung sinapak ko siya, pero wala. Sinasabi ko na nga ba, nagpapakipot na naman ang babaeng 'to.

Hindi ko mapigilang magpaikot ng mata dahil sa pagpapakipot niya. Pinapahirapan ako ng babaeng to ah.

"Alangan naman kausapin mo ang sarili mo? Ayoko lang talaga na nagmumukha kang tanga." halatang pagpapalusot niya.

"Weh? Maniwala?" hindi talaga convincing ang pag-iinarte niya.

"Then don't. Alam mo, inaaksaya mo ang oras ko eh. Aalis na ako sa gusto o gusto mo." akmang aalis na siya ng hilain ko siya at yakapin.

SL1: Selfless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon