Chapter Fifty Six

7.7K 234 87
                                    

"Anong namamagitan kay Jez at Neri?" diretsong tanong ko.

Napatingin siya sa gyawi nila Jez kaya napatingin din ako dun. Nakita ko silang dalawa na nagtatawanan.

Yung mata ni Jez halos di na makita sa sobrang pagtawa niya. Hindi maiwasan ng puso ko ang kumirot.

"I'm not sure if i'm in the position to--"

"Please Veer. Ganyan din sinabi ni Mommy sakin before. Wala akong lakas ng loob na itanong kay Jez pero gusto ko malaman." pagputol ko sa sasabihin niya.

Bakit ba ganyan sila? Di nila masabi sakin. Mahirap ba talagang sabihin?

"Hmm.. Okay. But whatever you hear, Ate please consult to Jez.. Mas alam niya lahat ng nangyari." sa sinabi ni Veer ay kinakabahan na ako.

Dun pa lang sigurado na akong may something nga sa kanila.

"Nung umalis ka, Jez buried herself to work. Until she met Ate Neri. They're become good friends. Lagi silang magkasama sa mga outreach program. Si ate Neri din ang naglapit kay Jez kay God. We all knew from the start na may balak mag madre si ate Neri. She's very dedicated on spreading love to everyone." huminga ng malalim si Veer at ginagap ang kamay ko.

"Jez didn't stop loving you.. Kahit nabalitaan niya na may nanliligaw sayo. She's waiting for you to come back.. But sadly when you came back you're already with someone." yun yung pasko na bumalik ako dito at pumunta sa bahay si Renz.

"Jez was so hurt that time but she believes that Renz deserves you more than her.." akala ko nun walang paki si Jez.

Patawa tawa pa sya nun at nakikipag-biruan.

"She was devastated again. We never told to you 'cause we knew you're happy. At kung anong magpapasaya sayo, dun kami."

Bumuntong hininga si Veer at muling tumingin kila Jez. May kasama na itong bata na karga karga habang nilalaro ni Neri ang bata.

"Ate Neri helped her again to move on. Sobrang bait ni ate Neri sa kanya. Pinaramdam nito na walang kulang kay Jez. She made her feel that Jez is perfect and also deserve to be love." napangiti si Veer at halata dun ang saya sa mata niya

"Jez.. Fell in love with her." sa sinabi niya ay parang tumigil ang mundo 'ko at nabasag ang puso ko.

"She fell in love with ate Neri despite the fact that she knows, she's going to be a nun." hindi na ako makapag salita at tahimik na lang. I'm trying to hold my tears.

"She courted her, we're all rooting for them cause we saw how Jez became a better person with her. She tried to stop her.. Kaso buo na ang desisyon ni ate Neri maging madre, tinanggap naman iyon ni Jez." pagtatapos ng kwento ni Veer.

So it means kung hindi magmamadre si Neri ay hindi ako pipiliin ni Jez?

O kung hindi ako nabuntis wala sya ngayon sa akin?

O nasa akin ba talaga sya? Kasi nandito ako ngayon pero nandun siya kay Neri.

And the fact that Neri changed her without trying hard is breaking my heart.

"Ate Klaisse, that was past huh? Alam ko naman na mahal na mahal ka ni Jez." disclaimer ni Veer.

"Ofcourse." sagot ko sa kanya at ngumiti.

Hindi ko pinahalatang na-apektuhan ako sa nalaman 'ko.

But fuck! Ngayon pa lang gusto ko ng umuwi at umiyak na lang.

Hindi ko matanggap na may minahal na iba si Jez. And i feel like she still love her.

Nang matapos ang charity ay dun lang ako naisipang lapitan ni Jez.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon