Eto na.. This is it! Papasok na ko sa magarang mansyon ni Captain Blaire. I like calling him captain. It suits him. He's just like a captain of his own big ship and an extravagant airplane. Pero mas bagay sa kanya ang maging isang business man since 'yon naman talaga ang work nya. Bagay sa kanya ang naka-suit pero mas bagay sa kanya ang nakasimpleng shirt lang. Bumabakat kasi ang kanyang e-ehem eh-hem! Yung sculptured abs nya.
"Your free to wear anything you want." utas nya in a musculine tone. "Just ask Elbie about stuffs you need to know." 'Yon lang at umalis na sya. Sa tingin ko ay papunta na sya ng kanyang silid. May apat na palapag ang mansyong ito. At malawak ang nasasakupang lupain. Naisip ko lang kung paano 'to nililinis. Tiyak na laging pagod ang mga kasambahay nya dito.
"Ikaw na ba ang bagong hire ni Mr. Blaire?" tanong ng nasa middle-age na babae sa akin. Mukhang galing sya sa kusina ng mansyon.
"Opo. Ako nga po." magalang na tugon ko at bahagya pang tumungo.
"Pumirma ka na ba sa kontrata?" tanong niya habang salubong ang dalawang kilay.
Anong problema nya? May mali ba sa akin? Tinignan ko ang sarili ko ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Nakasuot ako ng fitted black jeans at isang puting maluwang na t-shirt.
At kontrata? Ganoon ba kahalaga ang kontratang 'yon? "H-hindi pa po." alinlangang tugon ko.
"Kung ganoon ay pumirma ka muna. Bumalik ka sa akin kapag natapos ka na." istrikto ang tonong aniya at muling bumalik sa kusina.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko at napaisip. Ganoon ba kahalaga ang kontrata na 'yon? Na kailangan 'yon muna ang mauna?
Kaya naman agad kong hinanap ang kontrata sa dala kong bag at maging sa bulsa ng jeans ko ngunit wala! Nasaan na 'yon?
At bigla kong naisip na baka naiwan ko iyon sa suot ko kahapon. Maaaring nasa bulsa pa iyon. Tsk. This is bad.
Kaya nag-isip ako kung papaano ako makakakuha ng kopya noon. Si Mr. Blaire lang tiyak ang may kopya non kaya naman dali-dali akong nagtungo sa nilakaran kanina ni Mr. Blaire at tinunton ang hagdan pataas. Wow.. pati hagdan ang gara. At ang kintab. Kulay itim ito at curve ang desenyo. Ang ganda! Para akong prinsesang umaakyat sa hagdan ng palasyo ngunit ang masaklap na katotohanan ay hindi ako prinsesa at wala akong ganito kagarang mansyon. Kahit ata 1/4 ng yaman ni Mr. Blaire ay wala ako. At ang isa pa ay baon na ako sa utang dahil kailangan kong unahin ang kapakanan ng inay ko. Ang mga paunang bayad sa ospital ay inutang ko lamang sa restaurant ni Mr. Jones. At madami pa akong kinakaharap na bayarin.
Napaupo ako sa isang baitang ng hagdan at doon ay hindi ko napigilang sumubsob sa mga braso ko. At di ko namalayang may mga pumatak ng mumunting luha sa aking mga mata. Kapag naiisip ko ang sitwasyon ni inay sa ospital ay hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Sya na lamang ang pamilya ko at wala ng iba. Ayokong mawala sya. Hindi pa ako handa. Kaya naman gagawin ko ang lahat madugtungan lamang ang buhay nya.
"What are you doing?" sa pagkakaupo ko sa hagdan ay biglang may nagsalita sa aking likuran. Mabilis kong pinahid ang mga luhang umagos sa pisngi ko. At tsaka lumingon kay Mr. Blaire na nasa likod ko.
"I-i'm sorry Mr. Blaire." hinging paumanhin ko. At bahagyang tumungo.
Ngunit laking gulat ko ng hawakan nya ang pisngi ko pababa sa baba ko at iangat iyon dahilan upang magtama ang mga mata namin.
"You cried." its a statement rather than a question. Kaya naman hindi ko naiwasang hindi kagatin ang pang ibabang labi ko. Its as if nahuli nya ako sa akto. Tinignan nya ako ng may malamlam na mga mata. Nakakapanibago ang mga tingin nya. Parang ibang Trevor Blaire ang nakikita ko. Iba sa istrikto at seryosong business man ng Blaire Enterprises. Iba ang charm ng malamlam nyang mga mata.
BINABASA MO ANG
THE CEO's DESIRE
Fiksi UmumThis story tends to captivate and disturb your imagination. Wants to be in your wide dreams. "I want you Fey. ONLY YOU." - TREVOR BLAIRE (Warning: Naglalaman ng mature scenes ang ilang kabanata.) COPYRIGHT. ALL RIGHTS RESERVED.