XVI. Real mom or NOT?

19.3K 567 85
                                    

Dumadagundong ang kaba ko ng tumigil na ang pulang convertible ni Mr. Blaire sa tapat mismo ng kinakatayuan namin.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Gustong lumukso ng puso ko palabas ng dibdib ko.

Ngunit nagtinginan ang mga kasambahay sa isa't isa ng hindi pa rin lumalabas ang nasa loob ng sasakyan.

"Bakit hindi pa rin lumalabas sina Mr. Blaire? Anong ginagawa nila sa loob ng sasakyan?" Dinig kong bulong ni Mildred sa tabi ko. Halatang atubili na syang makita ang nasa loob ng sasakyan samantalang ako'y labis pa rin ang kaba. Hindi naman namin makita ang nasa loob dahil sa tinted ang buong sasakyan.

At hindi nga rin nagtagal ay onti onti ng bumubukas ang pinto sa side ng shotgun seat. Pigil hininga akong napatulala doon ng lumabas ang isang batang..

wow. Napakagwapo! Manang mana kay Mr. Blaire. Ang mga mata, ang labi at maging ang hugis ng mukha ay kuhang kuha kay Mr. Blaire. Nakasuot ito ng polo shirt na asul at puting pants. Nababagay sa taglay nyang ka-kyutan. Parang ang sarap nyang yakapin.

Nawala ang kaba ko ng dahil sa batang lalaki. Ngunit bigla akong nailang ng titigan nya ako. Halos maiyak sya sa pagtitig sa akin. Binalingan ko naman ng tingin ang mga kasama ko at nakatingin din sila sa akin. Marahil ay napansin din nilang sa akin nakatitig ang bata.

Kinabahan akong bigla ng isinigaw nya ang mga katagang..

"Mommy!" At patakbo itong pumunta sa direksyon ko. Litong lito ako ng mga oras na 'yon. Pero mas ikinalito at ikinabigla ko ng biglang yumakap sa akin ang bata. Kapit na kapit sya sa binti ko. Dahil nga mas maliit sya ay sa binti ko sya yumakap.

Halos maluha luha sya habang nakayakap sa akin. Kaya naman hindi ko napigilan ang sariling yumuko at pumantay sa kanya. Tumutulo na ang luha nya at parang nararamdaman ko ang nararamdaman nya. Parang sa murang edad nya ay madami na syang pinapasang lungkot sa puso nya.

Ngumiti ako sa kanya at ako na ang kusang yumakap sa kanya. Gumagalaw ang balikat nya kaya naman nabatid kong umiiyak pa rin sya. "Sssh. Tahan na." Sabi ko sa kanya at hinagod ng kanang palad ko ang likod nya.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla nyang ibinulong sa akin ang mga salitang labis na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "I miss you mommy.." At sumubsob syang lalo sa leeg ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero nararamdaman ko rin ang pintig ng puso ng batang nakayakap ng mahigpit sa akin. Mararamdaman sa tono ng pananalita nya ang sinseridad at pagiging totoo nya sa sinabi nya.

Umulit ulit sa isip ko ang sinabi nya.

I miss you mommy..

I miss you mommy..

I miss you mommy..

Parang echo na nagpaulit ulit iyon sa tenga ko. Bakit ako tinawag na mommy ng batang ito?

Gulong gulo ang isip ko ng mga oras na 'yon.

At nang may biglang magsalita sa isang malamig na tono. "Lets go inside Ram." Tinignan ko sya pero hindi sya nakatingin sa akin. Diretso lamang syang nakatingin sa loob ng mansyon habang hawak sa kanang kamay nya ang coat nya. Kapuna-puna ang malalamig nyang mga tingin pati ang tono ng boses nya malamig din.

Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin ang young master. "Wait daddy. I want to spend time with mommy." Parang nakikiusap na sabi ng young master.

"You have plenty of time. For now, just go to your room and rest." Nag-uutos na sabi ni Mr. Blaire. Kitang kita ang biglang paglungkot ng maamong mukha ng young master.

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon