III. The CRUCIAL DECISION

21.8K 378 7
                                    

Gabi ng parehong araw, nang makalabas ako ng Blaire Triple Towers ay nakatanggap ako ng mensahe na nagsasabing dinala sa ospital ang aking inay. Nagmamadali kong tinungo ang ospital kung saan sya dinala.

Nang makarating ay agad akong pumunta sa ER upang malaman kung saan dinala si inay. Labis ang aking pag-aalala dahil batid kong masasaktin na sya. Doble doble ang kabang nararamdaman ko habang patungo sa public ward kung saan sya nakaconfine.

Labis ang aking pagkahabag ng masilayang wala syang malay. Dalawang dextrose ang nakasabit sa kanyang magkabilang tabi. Ang pareho nyang kamay ay nakalapat lamang sa kama habang may nakatusok na needle doon na nagkokonekta sa dextrose niya. Wari'y hinang hina sya at labis ang pagkapagod. Marahan akong naupo sa tabi nya at hinaplos ang malambot nyang pisngi.

Dalawa na lang kami ni inay at ayoko syang mawala sa buhay ko. Kami nalang dalawa sa pamilya namin. Bukod kay Sab ay si inay nalang ang aking sandalan at kilalang pamilya. Si Sab at si inay ang pinakamahalagang tao ngayon sa buhay ko. Kaya naman labis ko silang pinahahalagahan.

Napawi ang paghaplos ko sa pisngi ni inay ng biglang may nag-rounds na doktor. Agad ko itong nilapitan at tinanong, "dok, ano pong nangyari sa inay ko?" puno ng pag-aalalang tanong ko.

"Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng lalaking doktor.

"Opo." agad kong sagot.

"Halika.. sumunod ka." sambit nya at ibinigay sa nurse on duty ang dala nyang patient's chart. Nagpatiuna syang maglakad patungo sa isang private room. Sa palagay ko ay ang kanyang opisina. Pinaupo nya ako sa katapat na upuan at binuksan ang isang malapad na brown envelope na nakapatong sa kanyang table. Bahagya nya itong tinignan at wari'y pinag-aralan. Tsaka sya seryosong bumaling sa akin ng tingin. "I'll be honest with you.." seryosong wika nya at tinitigan ako sa mga mata. Pigil hininga akong nag-antay sa sasabihin nya.

At halos gumunaw ang mundo ko ng sabihin nyang, "your mother has a cancer.. Liver cancer." seryosong wika nya at ipinaliwanag ang causes nito na halos hindi ko na naintindihan dahil napuno na ng iba't ibang emosyon ang aking isip. Ngunit ang sabi ng doktor ay maaari daw namana ito ni inay.

"Dok gamutin nyo ang inay ko. Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo parang awa nyo na." puno ng sinseridad na pakiusap ko.

"Gagawin namin ang lahat ngunit kailangan maoperahan ang nanay mo. Sa ngayon ay kailangan mong maghanda ng kalahating milyong piso." sabi ng doktor ni inay.

At parang lumiit ang pag-asa kong gumaling si inay sa sinabing iyon ng doktor. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? Tanong ko sa isip. At bagsak ang balikat na nilisan ko ang opisina ng doktor.

Ano ng gagawin ko?

Nawawalan ng pag-asang napaupo ako sa isang silya sa hallway ng ospital. Hindi ko pa rin matanggap ang sakit na meron si inay. Parang hindi totoo ang lahat. Parang panaginip lang ngunit alam na alam kong gising ako at totoo ang lahat ng ito.

Nanlulumo akong napayuko at hindi namalayang may tumutulo ng luha sa aking pisngi. Bakit?... Bakit si inay pa? Napakabait nya.. Parang gustong kumawala ng nag-uunahang emosyon sa loob ko. Nanginginig ang mga balikat na impit akong nagpipigil na humagulhol sa karamihan ng tao sa hallway na iyon.

Marahas kong naikuyom ang mga kamay ko habang masaganang pumapatak ang mga luha sa pisngi ko. Ang sakit.. Napakasakit malaman na may malubhang sakit ang pinakamamahal kong ina.. Ayokong paniwalaan. Ayokong aminin sa sarili kong totoo dahil gusto kong maging matibay para kay inay. Kailangan kong gumawa ng paraan upang maisagawa ang operasyon kay inay. Tsaka ko nakapa sa bulsa ng suot kong puting blazer ang isang papel. Marahan ko iyong inilabas mula sa blazer at tinignan. Ito ang CONTRACT. Ang kontratang ginawa ni Mr. Blaire at iniwan sa akin upang pirmahan.

Boss and Slave Contract..

Itinupi kong muli ang papel at nagtungo sa chapel ng ospital. Doon ako taimtim na nagdasal. At humingi ng paggabay.

Tsaka ako nauwi sa isang desisyon. Desisyon na maaring magpabago sa simpleng buhay ko. Desisyong kailangan kong panindigan. Maaaring hindi ikatuwa ni inay ang magiging desisyon ko ngunit para ito sa kanya. Hindi ko man alam kung ano maaarig kahinatnan ngunit kailangan kong sumugal. Nababatid kong kakaiba ang personalidad na meron si Mr. Blaire. Misteryoso ang bawat tinging ibinibigay nya at mayroon ding kakaibang kahulugan sa mga ngiti nya. Nalalaman ko iyon dahil kahit papaano ay napapag-aralan namin sa kurso ko ang personalidad ng isang tao. At ang kagaya ni Mr. Blaire ay kakaiba. Isang exceptional na nilalang. Nabibilang sa isang mataas na antas ng pamumuhay. At mayroong exceptional na talento sa negosyo. Nababatid kong ang katagang slave na nasusulat sa agreement ay hindi lang basta isang maid o kasambahay kundi may mas malalim pa. Ayaw ko na sanang alamin ngunit nandito na ako sa isang crucial decision ng buhay ko kung saan nakataya ang buhay ng aking ina.

Uunahin ko pa ba ang pansariling dahilan at kapakanan?..

itutuloy..

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon