IV. The CAPTAIN's SLAVE

19.6K 360 7
                                    

Kinabukasan, madaling araw pa lang ay maaga akong umuwi ng bahay upang maligo at ipagdala ng mga damit si inay na maaari nyang suotin habang nandirito sya sa ospital at nakaconfine.

Matapos maisaayos ang sitwasyon ng aking ina sa hospital ay tinungo ko na ang address na nakalagay sa contract.

Sakay sa jeep ay ibinaba ako sa isang malaking dubdivision. Namangha ako ng makita kung gaano kalaki ang subdivision na iyon. At tsaka ko nakita ang tatlong guard on duty sa silver na gate. At halos manlambot ang tuhod ko ng makita ang pangalan ng subdivision, BLAIRE ENTERPRISES SUBDIVISION. Tsk. Hanggang dito ba naman namamayagpag pa rin ang kayamanan nya.

"Goodmorning ma'am." bati sa akin ng isang gwardya.

"Goodmorning." tipid na bati ko. Aaminin kong hanggang ngayon ay malungkot pa rin ako sa sinapit ng aking ina. Kaya naman kahit ang ngumiti ngayon ay hindi ko magawa. Halos wala na akong tulog dala ng pagbabantay sa ospital at pag-aalala sa aking ina.

"Saan po ba sila ma'am?" tanong sa akin ng guard.

"Kay Mr. Trevor Blaire." wika ko sa mababang tono.

"Kay Mr. Blaire ho?" parang di makapaniwalang tanong nito.

"Opo. May problema ba don?" kunot noong tanong ko. At bahagyang sinilip ang loob ng subdivision. Ang una kong nakita ay ang malawak na daan at ang mga puno sa tabi nito.

Wow.. Ang ganda. Nasambit ko sa isip. At totoong maganda iyon. Ang mga puno ay pareparehas ng itsura at malalago ang mga dahon. Sa ibaba niyon ay may pahabang hardin ng mga bulaklak na nagkokonekta sa bawat puno. Entrance pa lamang ay parang papasok ka sa isang royal palace.

"Ano po bang kailangan nyo kay Mr. Blaire?" napawi ang atensyon ko ng magtanong muli ang guard.

Bakit ang dami nilang tanong?

"Magtatrabaho po ako sa kanya." sagot ko. At tinignan ako ng guard mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya. Ano ba tingin nito sakin?

"Sandali lang. Tatawag ako sa mansyon." anito at dali-daling tinungo ang houseguard na naroroon at nag-dial. Ang ibang guard naman ay abala sa pagbabantay sa pwesto nila.

Maya-maya pa'y bumalik na muli ang kausap kong guard at wari'y natataranta pang makalapit sa akin. "Pasensya na po sa pag-iintay ma'am. Maaari na po kayong pumasok. Ipapahatid ko po kayo sa subdivision cab." prisinta nito ngunit umiling ako at tipid na ngumiti.

"Hindi na po. Maglalakad na lang po ako. Kung maaari ay ituro nyo na lang po sa akin kung saan mismo ang bahay ni Mr. Blaire." wika ko.

"Pero ma'am.." napapakamot sa ulong sabi nito. "Ang utos ho ni Mr. Blaire ay sumakay kayo ng cab."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Pero, gusto ko hong maglakad. Gusto kong pagmasdan habang naglalakad ang kabuuan ng subdivision." pamimilit ko.

"Ngunit mapapagalitan po kami ni Mr. Blaire kapag sinunod namin ang gusto nyo." tsk. Pero ayoko nga e..

Ngunit naawa ako sa guard. Baka nga pagalitan sya kaya naman di ko muna ipinilit ang gusto ko. "Sige po. Sasakay na ako sa cab." wika ko at dali daling nanguna at pinasakay ako ng guard sa cab na nag-iintay na sa gate papasok ng subdivision. Ang sosyal talaga may sariling cab ang subdivision na ito.

Makalipas ang sampung minuto ay nasa daan pa rin kami. Kaya naman di na ako nakatiis at pinara ko na ang cab. "Dito na lang po." utas ko.

"Sigurado po kayo? Medyo malayo pa po." wika ng driver sa akin.

"Saan ho ba? Maaari nyo po ba ituro na lang sa akin?" tanong ko.

At ganoon na nga ang ginawa ng driver. Tinuro nya sa akin ang saktong daan. Medyo malayo pa nga ngunit mas gusto kong maglakad kaya naman mas maayos kong nasuri ang paligid. Ang hangin ng subdivision ay marahang dumadampi sa aking pisngi at balat. May mga iilang dahong naglalaglagan sa mga punong nadadaanan ko.

At ang humahalimuyak na mga bulaklak ay napakagaganda. Hindi ko naiwasang pumitas ng isa at amoyin iyon. Ang bango.. Mapusyaw na pink ang kulay at may iba-iba pang klase ng bulaklak ang naroroon. Partikular na ang rosas at lilac. At ang iba ay hindi ko na kilala ngunit alam kong mamahalin silang lahat base na rin sa magandang itsura nila. Nagmistulang isang malaking hardin ang subdivision na ito. Para na rin akong nasa probinsya.

Habang naglalakad sa pathway ay patuloy ako sa pagmamasid. Hanggang sa may huminto sa tapat kong kulay pulang sports car. Kunot noo akong napatitig doon. Wow.. Ang ganda ng kotse. Ang astig tignan. At makintab. Daig pa ang bagong bili naming baso sa bahay.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang bumaba doon. At parang tuod na hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagmistulan akong bato.

"Why are you walking?" Tanong nya in an angry tone.

Kaya naman bahagyang napataas ang isang kilay ko sa tono ng pananalita nya. "Because I want to." tsk. Napa-english na rin tuloy ako. Nakakatakot ang mga tingin nya e.

"Tsk. Stubborn. Get in." utas nya sa nag-uutos na tono at binuksan ang pinto ng sports car nya. Wow.. Ngayon ko lang napansin na convertible ang astig nyang kotse.

"Get.in." pagdidiin nya. Tsk. Highblood. Kaya naman dali dali akong pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang mabangong scent ng kotse nya kaya naman pilit ko iyong hinahabol ng amoy.

"Stop gawking, will you?" he said in his musculine tone.

Sungit!

Okay fine. Felicity tiis lang. Kaya mo yan. Para 'to kay inay. Kailangan ko syang pakisamahan sa ayaw at sa gusto ko.

"Yes captain!" masiglang wika ko at binigyan sya ng isang malapad na ngiti sabay saludo. Kumunot naman ang noo nya sa ginawa ko at isinuot muli ang shades nya. Hindi maitatangging napakagwapo nya.

"Why are you looking? And why are you wearing that kind of smile?" bahagya nya akong nilingon habang nagmamaneho sya. Mas lalo akong napangiti dahil sa tingin ko'y attracted sya sa ngiti ko.

"Why? What's your problem with this?" turo ko sa malapad kong ngiti.

"You look like some random crazy-stupid-girl in the street." walang emosyong utas nya.

Ouch! It hurts. It hurts!

Maya maya pa'y tumigil na ang magara nyang kotse. "Get out." yun lang at bumaba na sya. May isang bantay ang nagbukas ng pinto ng kotse para kay Mr. Blaire at para rin sa akin.

"This way ma'am.." iginaya ako ng isang nakaunipormeng bantay papasok sa wow... Namilog ang mga mata ko at bumagsak ang panga ko ng makita ang full view ng mansyon este ng kaharian. He is freaking rich! That super sungit slash incredibly handsome slash alluring lips slash captivating eyes ay isang..

Real Billionaire!

Eto na talaga.. eto na ang patunay na sobra ang yaman nya. Ancestor nya ba si Bill Gates? O kaya tagapagmana sya nito? O lolo kaya nya?

itutuloy..

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon