XVII. THE TRUTH

19.2K 493 55
                                    

Alas otso ng gabi. Kagaya ng sinabi ni Mr. Blaire ay pumunta daw ako sa office nya sa second floor ng mansyon. Andito na ako ngayon sa tapat ng pinto ng opisina nya. Huminga ako ng malalim bago lakas loob na kumatok sa pinto. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko na naman makontrol ang kabang nararamdaman ko lalo pa't naririnig ko na ang mga yabag nyang papalapit.

Nang bumukas ang pinto ay sumilay sa akin ang mapupungay nyang mga mata. At ang amoy ng isang branded na alak. Ang tapang ng amoy niyon na kumalat na sa buong opisina nya.

"Come in." Malumanay ang boses na sabi nya. Humakbang ako papasok at ako na mismo ang nagsarado ng pinto.

Napansin ko na medyo hindi na tuwid ang lakad nya. Nang makarating sya sa working table nya ay bahagya syang umupo at sumandal doon. Sinuri ko sya.. mapungay na ang mga mata nya. Nakasuot sya ng tshirt na puti na bumabakat ang abs at mas lalong nahuhubog ang mga biceps nya kapag gumagalaw sya. Sa pang-ibaba nya ay nakasuot sya ng silk pj na itim. It suits him. Para talaga syang isang model sa isang sikat na men's magazine sa pwesto nya at sa pananamit nya ngayon.

"Let's have a toast." Sambit nya at itinaas ang isang baso ng brandy bago iabot sa akin iyon. Doon ko naman napansin ang dalawang bote ng alak sa working table nya. Ang isa ay wala ng laman samantalang ang isa ay paubos pa lang. Kaya pala mapupungay na ang mga mata nya nakaubos na pala sya ng isang bote ng alak. Tsk.

"Toast for what?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko inaabot ang baso ng alak na ibinibigay nya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Because Ram is finally here." May pait sa ngiting ibinibigay nya.

"Sorry, but I don't drink." Tipid na sagot ko sa kanya. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Dapat ay mag-uusap kami kaya lang nagpakalasing sya imbes na harapin ako at kausapin ako ng maayos. "I should go." Paalam ko sa kanya at pumihit ng patalikod. Humakbang na ako papunta sa may pinto ngunit laking gulat ko ng maramdaman ko ang maiinit nyang yakap sa likod ko. Ang hininga nya sa batok ko.

Bahagya kong iginalaw ang mga balikat ko ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "Please stay. I need you." Malungkot ang tono ng boses nya. Hindi ko mabatid kung nasasaktan ba sya deep inside o talagang may lungkot lang syang itinatago sa puso nya.

Hinawakan ko ang kanang braso nya at bahagyang hinaplos iyon bago nya tuluyang luwagan ang pagkakayakap nya. Nang lumuwag na ang braso nya ay humarap ako sa kanya. Doon ko nakita ang mga mata nya. Ang mga mata nyang malungkot. Nakatingin ito sa akin na parang nais sabihing.. I'm in deep pain.

"Don't go." May pakiusap sa tono ng pananalita nya. At para iyong isang magic spell na gumising sa diwa ko.

"I won't." Tugon ko.

"Ask me the question." Sabi nya at alam ko kung anong tinutukoy nya. Ang tungkol kay Ram at sa tunay na ina nito.

Pinagmasdan ko muna sya at hindi sya sa akin nakatingin. Nakatungo lamang sya na parang nasasaktan. Ang mukha nya at mga mata nya parehong malungkot. Nagdadalawang isip akong tanungin sya dahil sa nakikita kong kalungkutan at pain sa mga mata nya. But he insisted. "Ask me now. Or you'll never know the answer." This time tinignan nya na ako eye to eye. Kinabahan ako pero kung hindi ko sya tatanongin ngayon kailan pa? Mukhang pag hindi ko sya tinanong ngayon ay hindi ko na malalaman ang sagot kailan man.

Humugot ako ng malalim na hininga tsaka lakas loob na nagtanong. "Sino ang ina ni Ram?" Seryosong tanong ko sa kanya. Pilit kong hinuhuli ang mga mata nya na umiiwas.

Nakita ko ang pagpikit nya ng mariin. "You're not his mom." Straight forward nyang sagot. At tsaka muling nagmulat ng mga mata mula sa mariing pagkakapikit. Tinignan nya ako. Batid kong sinusuri nya ang magiging reaksyon ko. Napatungo ako. Hindi ko kayang labanan ang mga titig nya. Hindi ko naman maintindihan ang kalungkutang bumalot sa akin ng marinig ko ang sagot nya. Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko. O siguro ay nag-expect lang ako ng ibang sagot sa tanong kong iyon. "Thats the only answer I can give you for now." Dugtong nya. Marahil ay napuna nya ang pagtahimik ko at kawalan ko ng kibo.

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon