VI. INSIDE THE CONTRACT

17.4K 324 7
                                    

Dinala ako ni Manang Elbie sa isang bakanteng silid dito sa ikatlong palapag. Nasa bungad lang ng hallway ang silid ko at malapit sa mismong main stairways ng bahay. Hindi gaanong malaki ngunit hindi rin maliit ang kwartong tutuluyan ko dito. Para sa akin ay malaki na ito para sa kagaya kong sanay sa maliit na apartment. Mas malaki pa nga ito sa apartment na tinutuluyan namin ni inay. At ang swerte ko naman dahil may sarili akong silid sa mansyon na ito. Nakakatuwa namang isipin na libre ang board and lodging.

Matapos kong maiayos sa cabinet ang iilang damit na dala ko ay tsaka ko lamang naisip na tignan ang nasa loob ng kontrata. Naupo ako sa kama at doon marahan kong binuksan ang itim na folder. First page pa lamang ay nakabold na ang mga letra.

BOSS AND SLAVE CONTRACT

Nakasaad ang pangalan ko maging ang pangalan ni Mr. Blaire. Nakasulat na tanging sa pagitan lamang naming dalawa ang contract. At isa itong legal na proseso dahil may pirma ng abogado. Walang due date ang contract at walang nakalagay kung kailan ito maglalapse. Matapos sa unang pahina ay lumipat ako sa pangalawa at to my shock nagulat ako na may picture ng isang..

Batang lalaki.

Sa unang contract ay wala ang picture na ito. Tinitigan kong maige ang larawan at kamukhang kamukha nya. Kamukhang kamukha ni Mr. Blaire. Para silang pinagbiyak na bunga ngunit ang pagkakaiba nga lang ay bata itong tignan at si Mr. Blaire ang pinatandang version nito. Binasa ko pa ang contract at..

At..

Oh my G!

Anak nya 'to?!

Parehas sila ng apelyido.

Marcus Ramzel Blaire

He is married?

He really is a DADDY?!

I can't believe. A handsome young bachelor like him is a DADDY?!

Gulong gulo ang isip ko sa mga natutuklasan ko at nababasa ko. Pero iisa lang ang totoo na magiging tagapag-alaga ako ng cute na cute na batang ito.

Pero deep in me parang may kumirot. Parang may tumusok sa isang parte ng puso ko ng malamang may anak si Mr. Blaire. Tsk. This is bad. Am I already inlove? Nah.. Hindi maaari, hindi pwede.. At isa pa masyadong mabilis.

"Kaya ikaw puso ka." Sabi ko sa sarili habang nakaturo sa dibdib ko. "Hindi pwede okay." Aish! Baliw ka na ngang talaga Fey. At inuntog untog ko sa unan ang ulo ko. Jeez. Nakakabaliw..

Kaya naman para maalis ang ibang isipin sa utak ko ay inilipat kong muli ang pahina at doon ko nabasa na walang makakaalam ng tungkol sa bata, kay Marcus Ramzel Blaire.

Nakasaad din ang buong profile nya. Sya ay 5 years old. He speaks english, mandarin, italian, korean and a little bit of tagalog. He went from different country like Spain, Canada, USA, Australia, at Macau.

Wow.. Sa edad nyang limang taon napuntahan na nya ang mga pangarap kong lugar? Asan ang hustisya? Iba na talaga kapag mayaman.

Patuloy lang ako sa pagbabasa ng nasasaad sa kontrata ng may biglang kumatok sa pinto. "Can I come in?" Oh my G! Si Mr. Blaire! Dali dali kong hinablot ang kumot at nagpanggap na tulog. Naramdaman kong bumukas sara ang pinto. Pero nanatili akong nakapikit at walang kibo.

Narinig ko ang mga yabag ng paa nya palapit sa kama. Alam kong nakatayo na sya di kalayuan sa kinahihigaan ko. "Alam kong hindi ka pa tulog. Pero kung may mga katanungan ka tungkol sa kontrata wag kang mag-alinlangang magtanong sa akin." dirediretsong sabi nya. At narinig ko ang paghugot nya ng malalim na buntong hininga. As if madami syang pinapasan na problema.

Ang kasunod na narinig ko ay ang pagbukas sara muli ng pinto. At doon na ako nagmulat ng mga mata at naupo muli sa kama. Malalim akong napaisip sa ikinilos ni Mr. Blaire. Bakit parang ang laki ng dinadala nyang problema? Bakit may disappointment sa tono ng pananalita nya? Nakakabagabag..

Lumipas pa ang ilang oras ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kung ano ang iniisip ni Mr. Blaire. Kaya naman bumangon ako sa pagkakahiga at nagpasyang bumaba ng mansyon at kumuha ng tubig sa kusina. Ngunit pagbukas ko pa lamang ng pinto ay naaninag ko ng bukas pa rin ang ilaw sa ikalawang palapag ng mansyon. Ang palapag kung saan naroroon ang kwarto at opisina ni Mr. Blaire.

Kaya naman maingat akong naglakad pababa. Ayokong lumikha ng anumang ingay na makakaagaw ng atensyon nya. Ngunit sa pagbaba ko sa second floor ay nakita kong bukas pa ang ilaw sa opisina nya. Maging ang pinto nito ay naiwang nakabukas kaya naman lumapit ako at sa paglapit ko'y nakita ko sya nakaharap sa malaking glass window ng opisina nya kagaya ng desenyo sa opisina nya sa Blaire Enterprises na tanaw ang labas. Ang kaibahan lang ang makikita dito ay ang malawak na lupain ng subdivision na may iilang bahay pa na bukas ang ilaw.

Isa na namang breathtaking view sa isang magandang gabi kasama ang sexy back ng lalaking walang emosyon ang mga matang nakatingin sa malayo. Parang ang lalim ng iniisip nya.

Haaay.. Mr. Blaire..

How can I read your mind?

Sa pagkakatitig ko sa kanya at sa tanawin sa labas ay hindi ko na napansing napuna na pala nya ako at seryoso syang nakatingin sa akin.

Hawak ang isang baso ng wine ay marahan syang naglakad patungo sa akin. Para syang isang model ng night outfit. Nakasuot sya ng sandong itim na sa tingin ko'y mamahaling brand at black plain pj. Habang papalapit sya ay para akong nahihypnotize sa mga tingin nya. Para akong hihigupin ng mga mata nya. He's wearing an intoxicating look. I can't resists.

Nang makalapit sya ay bahagya nyang tinignan ang suot kong tshirt at tsaka tumingin sa mga mata ko ng diretso. At marahang sinabing, "you're not wearing your undergarment Miss Lewis. Aren't you?" mapang-akit ang boses na bulong nya.

At as if on cue ay biglang namilog ang mga mata ko at awtomatikong napatakip ang mga braso sa aking dibdib. At tsaka ko naalalang wala akong suot na pangloob, tanging tshirt lang na puti. Ramdam kong nag-init ang aking pisngi kasabay non ay ang mapang-akit na ngiti ni Mr. Blaire. He's wearing that playful smile again.

Parang naaakit ako sa mga mata at ngiti nya sa labi ngunit bigla akong natauhan ng muli ay akmang lalapit sya sa akin closing the one step distance between us. Napakurap kurap ako tsaka naisigaw ang, "bastos!" sa harap nya at nagmamadaling tumalikod sa lugar na 'yon paakyat sa kwarto ko. Ang saklaaaaaap! Nakita nya. Para akong nalugi pagkarating ko sa kwarto. Hindi ko alam kung anong iisipin nya sa akin pero isa lang ang alam ko, NAKITAAN NYA AKO!

Nakakahiya!

At dala na rin ng pagod sa pag-iisip at lalim ng gabi ay dinalaw na ako ng antok.

itutuloy ..

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon