XX. Her Mother's REVELATION

18.5K 387 87
                                    

Fey's Mother POV

"Maaari mo ba akong dalhin sa sementeryo?" Tanong ko sa nurse na nagbabantay sa akin. Simula ng magkaroon ng ibang trabaho si Fey sunod-sunod ang dumating na biyaya sa amin. Hindi man malinaw sa akin ang tunay nyang trabaho pero hindi ko maiwasang hindi mag-isip tungkol sa kalagayan nya. Ang sabi nya ay nagtatrabaho daw sya sa isang mansyon na pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante. Isa lamang daw syang kasambahay doon pero bakit matapos ang operasyon ko ay nalipat ako sa isang malaking private room at pinadalhan pa ako ng isang private nurse na magbabantay at titingin sa akin. Nakapagtataka..

"Bakit po? Ano pong gagawin nyo sa sementeryo?" Tanong ng private nurse ko na bahagyang nakakunot ang noo sa tanong ko.

"May dadalawin lang ako." Sabi ko. "Sa pinakamalapit na sementeryo lang naman. Pakiusap." Pangungumbinse ko sa kanya ngunit parang walang epekto ito.

"Magagalit po ang inyong anak kapag nalaman nyang umalis kayo dito." Sagot nya sa akin na syang naiintindihan ko naman.

Pero.. "kailangan ko talagang pumunta ngayon doon." Alam kong iniintay nya ako doon ngayon kaya naman kailangan kong pumunta sa kanya. "Ako na ang bahala sa anak ko. Alam kong mauunawaan nya." Sabi ko.

"Tatawagan ko po muna si Ma'am Fey." Akmang kukunin nya ang cellphone ng pigilan ko sya.

"Huwag na. Baka busy 'yon ngayon. Ayokong maistorbo sya." Pero ang totoo ay ayoko lang mag-alala ang anak ko sa akin. Ayokong mag-isip sya. Ayokong dagdagan pa ang pagpapahirap ko sa kanya dahil sa sitwasyon ko ngayon.

"Sige na nga po. Pero saglit lang po tayo doon ah. Baka po kasi mabinat kayo." Nag-aalala ang mukha ng private nurse ko. Bakas pa rin ang hesitation sa kilos nya. Bagaman ay inalalayan nya pa rin ako para makaupo sa wheelchair.

Inabot ko ang kamay nya matapos kong makaupo ng maayos sa wheelchair. "Salamat ha.." sinserong turan ko.

Sinuklian nya ako ng isang tipid na ngiti at tsaka marahang itinulak ang wheelchair kung saan lulan ako. Tumawag sya ng ambulansya at doon nya ako isinakay. Hindi rin naman nagtagal ang byahe ay nakarating din kami sa sementeryo. Agad kong itinuro sa kanya kung saan kami pupunta. Habang papalapit kami ng papalapit sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi maluha. Ramdam ko ang pananabik at kaba sa dibdib ko. Matagal tagal din ng huli akong pumunta dito. Marahil ay nangungulila na sya sa akin.

Nang matanaw ko na kung saan sya ay agad nanumbalik sa akin ang mga panahong kasama ko sya. Ang mga panahong nais kong balikan at ulit ulitin ngunit hindi na maaari. Kasabay ng panunumbalik ng lahat ng memorya sa nakaraan ay ang pangungulila ng puso ko sa kabiyak nito.

"Ma'am huwag po kayong umiyak. Makakasama po sa inyo yan baka po ma-stress kayo." Sabi ng nurse ko ng makitang umaagos na ng tuloy tuloy ang luha sa aking pisngi.

"O-okay lang ako." Sagot ko sa kanya. "P-pakilapit mo ako doon." Agad naman nyang sinunod ang pakiusap ko.

At sa wakas muli kong nakita ang puntod nya. Ang puntod ng pinakamamahal ko. Hinaplos ko iyon na parang hinahaplos ko ang gwapo at maamo nyang mukha. Pumikit ako upang kahit sa gunita ko ay makita ko sya. Hindi maipagkakailang mag-ama sila ni Fey dahil parehong pareho ang kanilang physical features. Muli akong nagmulat at sinabihan ang private nurse ko.. "kahit iwan mo muna ako dito. Maupo ka na muna doon." Turo ko sa upuan di kalayuan.

"Sigurado po ba kayo?" May pag-aalinlangan sa mukha nya.

"Oo. Tatawagin na lang kita maya-maya." Tugon ko at umuna na nga sya sa medyo may kahabaang upuan.

Nag-alay muna ako ng dasal bago kausapin ang namayapa ko ng asawa. "Namimiss pa rin kita.. Naging mahirap ang buhay namin ni Fey noong nawala ka. Pero kinaya namin.. Hanggang ngayon kinakaya pa rin namin kaya naman hindi ka dapat mag-alala.." medyo pumiyok na ako sa pagsasalita. "Alam mo naman na hindi ko pa maaaring iwan si Fey dahil kailangan nya pa ako kaya naman patuloy akong lumalaban sa sakit kong ito.." hindi ko na mapigilan ang hindi maluha. "Kailangan kong lumaban.. masakit man ang nararamdaman ko.. mahirap man ang pinagdaraanan ko, kailangan kong kayanin." Pilit akong nagpakatatag at pinigil ang luhang nagbabadya na namang pumatak. "Madami pang kailangang malaman si Fey tungkol sa nakaraan nya bago mawala ang alaala nya. Kaya sana bago man ako mawala sa mundong ito.. maipagtapat ko muna sa kanya ang lahat.. Alam kong mahihirapan syang tanggapin ang mga nangyari kaya hangga't maaari gusto kong bumalik muna ang alaala nyang nawala para matiyak kong handa na sya. Sana lang hindi muna magtagpo ang landas nila ni Trevor Blaire at nang pamilya nito dahil baka kamuhian ako ni Fey pag nagkataon." Parang dinudurog ang puso ko kapag pumapasok sa isip kong kamumuhian ako ng sarili kong anak. "Alam mong hindi ko kakayanin kapag kinamuhian ako ng anak nating si Fey. Gabi-gabi hindi na ako pinapatulog ng konsensya ko dahil iniwan at pinabayaan ko ang kapatid ni Fey kaya naman kapag pati si Fey kinamuhian ako hindi ko na alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko. Hirap na hirap ang kalooban ko dahil alam kong paglaki ni Ram kamumuhian nya ako. Simula noong araw na ibinigay ko sya sa puder ng mga Blaire ay wala ng gabi na hindi ko sya naisip. Ngunit alam kong doon sya mas nararapat. Doon gagaan ang buhay nya at maaalagaan sya." Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko pero hindi ko na iyon alintana. Nais ko mang kunin ang anak ko sa mga Blaire ngunit hindi na maaari dahil ibinigay ko na ang full custody niya sa tunay nyang ama. Masakit man sa akin ngunit kailangan kong tanggapin. "Patawarin mo sana ako sa nangyari ng gabing iyon.. Alam kong alam mo na hindi ko iyon ginusto. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawad sa iyo ay gagawin ko. Hanggang sa kamatayan ko'y hihingi ako sa'yo ng kapatawaran Francis.."

itutuloy ..

Please don't forget to vote and leave a comment it's highly appreciated. Thankyou!

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon