Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng hospital habang nagbabantay kay inay. Mahimbing pa syang natutulog kaya ayoko muna syang istorbohin. Nagpaalam ako kay Mr. Blaire na kung pwede kong dalawin si inay at pumayag naman sya. Kaya heto ako ngayon nagbabantay sa sobrang namiss kong nanay. Ilang araw din kaming hindi nagkita kaya naman sinulit ko kanina ang pagkwekwento sa kanya ng masasayang bagay na nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Ipinagtapat ko na sa kanya na may iba na akong trabaho at hindi na sa restaurant ni Mr. Jones ako nagtatrabaho kundi sa isang malaking mansyon na. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoong pangalan ng amo ko. Ang sinabi ko ay babae ito at mabait sa akin. Ayoko munang sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong mag-aalala sya. At delikado iyon sa kalagayan nya. Kaya naman minabuti kong ilihim muna ang ilang detalye tungkol sa trabaho ko. Ang sinabi ko rin ay isa akong katulong doon at malaki ang pasweldo na totoo naman.
Muli kong nilingon si inay at mahimbing pa rin syang natutulog. Ibinalik ko ang atensyon sa labas ng bintana ng hospital. At doon ko napag-isip isip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw na sadyang naging napakabilis.
Si Mr. Blaire..
Ang nangyari sa kwarto nya noong 8pm ng gabi..
Doon sa opisina nya..
Kahit pa nasasaad yon sa kontrata ay ginusto ko pa rin ang mga pangyayaring iyon.
Pero wala kaming commitment. Tanging kontrata lang ang pinanghahawakan ko. O mas tamang sabihin na pinanghahawakan nya.
Paano kung bigla na lang nyang iterminate ang kontrata?
Paano kung magsawa sya?
Mga tanong na tumakbo sa isip ko. Una sa lahat ay ang hirap basahin ng iniisip nya kaya mahirap sagutin ang mga tanong na ito. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit iba ang sinasabi ng isip ko sa sinasabi ng puso't katawan ko. Ang weird lang sa pakiramdam.
Hindi kaya dating kasintahan ko si Mr. Blaire noong first life ko bago ako ma-reincarnate muli kaya parang 'yong soul namin nagkakaisa? Naitanong ko sa isip.
"Anak, malalim ata ang iniisip mo?" Si inay nagising na sya. Agad ko syang inalalayan paupo.
"Nagugutom po ba kayo?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Nauuhaw po?" Tanong kong muli. Pero kagaya ng sagot nya kanina ay umiling lang ulit sya.
"Anong iniisip mo anak? May problema ka ba?" May bahid ng pag-aalalang tanong nya sa akin.
"Wala po inay." At tipid akong ngumiti sa kanya. Hinawakan naman nya ang kamay ko at marahang hinaplos 'yon.
"Kilala kita anak, anong bumabagabag sa'yo?" Muli ay tanong nya.
"Paano po kayo na-inlove kay itay, nay? Noong nabubuhay pa ito." Tanong ko at naupo sa katabi nya.
"Simple lang ang pagmamahalan namin ng itay mo anak. Mahirap ang buhay namin noon kaya simpleng sulat at rosas ang binibigay sa akin ng tatay mo. Wala namang palya iyon, araw-araw nya akong binibigyan." Nakangiting sabi ni inay habang binabalikan ang nakaraan nila ni itay. Nakakatuwang isipin kung gaano sila kasaya noon.
"Ang sweet pala ni itay." Komento ko.
"Totoo iyan. At sya rin ang pinakamapagmahal na asawa sa lahat. Sayang lang at hindi ka nya naabutan. Tiyak na magiging mapagmahal din syang ama sa iyo." Ani inay na patuloy sa paghaplos ng kamay ko. Namatay si itay noong anim na buwang buntis si inay sa akin. Pinalaki ako ni inay ng mag-isa kaya naman napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Kahit wala na si itay ay naging mabuting ina sya sa akin at di nya ako pinabayaan.
BINABASA MO ANG
THE CEO's DESIRE
General FictionThis story tends to captivate and disturb your imagination. Wants to be in your wide dreams. "I want you Fey. ONLY YOU." - TREVOR BLAIRE (Warning: Naglalaman ng mature scenes ang ilang kabanata.) COPYRIGHT. ALL RIGHTS RESERVED.