Pagkalabas ko ng Blaire Enterprises Holdings and Telecom muli kong tiningala ang building. Oh my! It's huge! At halos abutin na nito ang ulap sa sobrang taas. Incredibly huge and high! I can't believe nakapasok ako sa building na yan. Hindi ko rin yun inaasahan. Pagkatapos kasi ng defense namin ay dumiretso na ako agad sa part time job ko sa restaurant. Late na ako ng dumating doon kaya ako ang inutusan ni Mr. Jones na magdeliver ng special order dito sa Blaire Enterprises. Hindi ko naman akalain na para pala sa pinakaboss yun. Matapos kung ibigay ang student I.D ko sa guard ay dirediretso lang ako kaninang pumasok dahil mukha akong empleyado sa suot ko. Akala siguro nila ay may importante akong meeting sa boss nila. Naalala ko pa ang sinabi ko kanina sa secretary "Can I talk to your boss? It's important." sabi ko sa babaeng sopistikada at balingkinitan ang katawan. Straight hair ito at may highlights ang buhok.
"Is he expecting you?" mataray na tanong nya. Then I said yes with full of confidence.
Nang maramdamang hindi ako basta papatalo sa pagkamataray nya ay pinapasok naman nya agad ako sa opisina ni Mr. Blaire. Even saying his surname makes me imagine his good looking body and features. He has the charming and dazzling look made all girls twinkle their eyes in such an emotional feeling. Who has the lean but muscular body that made all girls to salivate. Who has the sculpted sexy alluring lips and with his grey eyes so bright and captivating that made us drool and fantasize. His handsome face hypnotizes me. And his scent.. Oh my. His musculine scent that lingers on me. He's smells of a fabric, an expensive body wash that stays on my nose. Oh my, I can't get off his smell.
Ako nga pala si Felicity Lewis. My friends and family called me Fey. I'm in my twenty. Graduating sa kursong BS Psychology.
Nang makita ko ang mga guards na nagbabantay. Viola! Ang dami nila. Mga walo na sila sa entrance pa lang ng building. Lumapit ako sa isa-- "Kuya, sino ba may ari ng building na 'to?" curious na tanong ko.
"Bakit mo tinatanong?" may paghihinala sa tingin ni kuya guard sa akin. Tsk. Grabe naman hindi naman ako terorista.
"Kuya guard mabuti akong citizen of the earth wag mo ko tignan ng ganyan. Nakapasok na nga ako kanina sa loob e gusto ko lang malaman kung sino may ari." nakikiusap na sabi ko. At nagpaawa look. Grabe! Cute ako pag ganito itsura kaya sana pumayag si Kuya Guard. "Sige na kuya sabihin mo na.." pakiusap ko pa. At napakamot naman si Kuya guard sa ulo nya. Naku po! May dundraff pa ata si kuya guard. Tsk.
Medyo umiwas ako sa kanya ng konti lang naman tska nya sinabing "Si Mister Blaire ang nagmamay-ari ng buong building." anunsyo nya at tinignan ako na parang galing ako sa middle age.
Siningkitan ko naman si kuya guard ng mata at tinuro ko ang nakalagay na pangalan ng building sa may reception area. "Kuya alam kong Blaire nga ang may-ari nyan dahil tignan mo oh nakasulat in bold letters copslock pa ha BLAIRE ENTERPRISES HOLDINGS AND TELECOM. Sige kuya sabihin mo sa aking hindi obvious na BLAIRE nga ang may-ari nitong building." sarkastikong sabi ko at mas siningkitan pa si kuya guard. "What I mean kasi kuya guard e yung buong pangalan." paglilinaw ko. At napakamot na naman si kuya guard sa ulo nya. Nakuuu! Dumadami na ang dandruff neto.
"Grabe yung babae! Hindi nya kilala si Mr. Blaire e number one richest bachelor dito sa bansa at sa buong Asia at take note nag-uumapaw pa sa kagwapuhan at s*x appeal. Kawawang babae napag-iiwanan na ng society."
"Korek ka dyan friend baka galing sa sinaunang panahon kaya ganun."
"Hahaha! Kawawang tunay."
Yan ang pinag-uusapan ng tatlong babaeng dumaan. Sa sobrang kapal ng make-up nila nagmukha na silang clown. At kapansin-pansin lahat sila straight hair at may highlights ang buhok. Kanina ko pa napuna yan ng pumasok ako, lahat ng makita ko'y straight hair at may highlights na burgundy. Ganito ba uso sa building na 'to? Sabagay, uso din ang nirebond ang buhok sa panahon ngayon. At sino naman tinutukoy nila sa pinag-uusapan nila? Ako? E di ko naman sila kilala. Silence is the best answer to everyone who judge you.
Oh well, "kuya guard ano sabihin mo na kasi sa akin. Geh na.." pamimilit ko kay kuya guard. Ganito ba kahigpit dito? Na pati pangalan bawal sabihin? Sakto namang ibubuka na ni kuya guard ang bibig nya at sasabihin na sana nya ng biglang magtilian ang mga aplikanteng nakapila sa information desk. Animo'y kinikilig at kinikiliti sa pwesto nila. At ang mga empleyado naman ay nagsitunguhan ng ulo ng biglang lumabas ng private elevetor ang isang lalaking-- OH MY GAAAAAHD! Napatakip ako sa bibig ko at napatulala sa lalaking makisig na naglalakad ngayon sa malawak na hallway ng building. Sa sobrang kisig nya at sa sobrang gwapo nya ay napatulala ang lahat. Kulang na lang lumabas ang eyeballs namin. Paanong nagkaroon ng isang mala-anghel na lalaki sa lupa? Para syang pinaghalong supermodel at GreekGod. Kulang ang vocabulary words sa dictionary para maidescribe sya. Sa sobrang gwapo nya halos mapatidan ako ng litid sa leeg.
At nang makalapit sya'y ganoon na lamang ang gulat ko. Oh my! "He's.. He's..." di ko matapos ang sinasabi ko habang nakaturo sa napakagwapong lalaking paparating na akala mo'y supermodel sa isang sikat na magazine.
"Sya si Mr. Trevor Blaire, the CEO." pagmamalaki ni kuya guard sa tabi ko. At para akong tangang nabato at natulala sa kinakatayuan ko.
"T-the C..E..O?" halos di ko pa maiusal. May kasunod syang dalawang body guards. Nakasuot sya ng charcoal dark suit. He has the captivating effect on people especially on girls. Nang dumaan sya ay bigla akong nagtago sa likod ni kuya guard dahilan upang hindi ako makita ni Mr. CEO.
Sinilip ko pa sya hanggang sa makita ang isang lalaking medyo may edad na, binuksan nito ang passenger seat, sa tingin ko ay sya ang personal driver ni Mr. FreakingSexy slash Captivating slash ExtraordinaryHANDSOME CEO. Pumasok sya sa isang extravagant SUV car na kulay grey. WOW! Just wow! Para syang isang prinsipe sa magarang sasakyan.
Tinitigan ko pa syang mabuti bago pumasok sa sasakyan nya. WOOOOOW! He's sexy lips, perfect pointed nose, bright intense eyes and his messy hair with such a musculine style. Siguro may personal barber sya sa kanila para sa buhok nya at sariling stylist. Grabeee! I can't get off his scent in my nose and his image out of my mind. What a freaking rich man.
And then suddenly I remembered what he said to me earlier..
Oh my!
C-contract? Out? And...
TONIGHT?!
What am I going to do NOW??
BINABASA MO ANG
THE CEO's DESIRE
General FictionThis story tends to captivate and disturb your imagination. Wants to be in your wide dreams. "I want you Fey. ONLY YOU." - TREVOR BLAIRE (Warning: Naglalaman ng mature scenes ang ilang kabanata.) COPYRIGHT. ALL RIGHTS RESERVED.