VIII. SEDUCTION

19.2K 392 11
                                    

Kinabukasan, umaga ng linggo. Inutusan ako ni Manang Elbie na tanggalin isa-isa ang mga tuyong halaman at dahon sa garden. Ngunit pagpunta ko doon bumungad sa akin ang sexy back ni Mr. Blaire.

Broad shoulder- check!

Biceps- check!

Messy hair check!

Captivating eyes check!

Red playful lips check!

Pointed nose check!

White sando check!

Dark trouser check!

Total of 101 shades of true musculinity!

Marahas akong napailing dahil sa mga iniisip ko. Kulang na lang tumulo ang laway ko dahil sa morning appeal na taglay ni Mr. Blaire.

At sa di kalayuan ay nakita ko ang ilang mga kaedad kong babaeng kasambahay na nakanganga at mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot nilang maid's uniform.

Yung totoo?

Okay lang pala na maglaway ako dito dahil di naman pala ako mag-iisa. May mas malala pa ang reaction sa akin. At mas O.A pa! Sheesh!

At sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkainis at pagkairita. Parang gusto kong tuhugin ng dala kong gunting ang mga kapwa ko babaeng kasambahay. Haaays.

Bakit kasi napakagwapo ni Mr. Blaire? Pinagpapantasyahan sya ng lahat. Parang its THE WORLD AGAINST ME ang laban. Paano naman ako mananalo non?

Napabuntong hininga na lamang ako at bahagyang sinulyapan muli si Trevor. Sa isip ko tatawagin ko syang Trevor. Hindi naman siguro masama sa isip lang naman. Tatawagin ko pa rin syang boss pag kaharap ko na.

Ngayon ay ibinaba na nya ang binabasang dyaryo at humihigop na sa tasa ng kape na nasa harap nya. Buti pa yung tasa napalapit sa lips nya. Haaays.

Binalingan ko naman ang tatlong kasambahay na kanina pa naglalaway kay Trevor at shitzu naman! Mga nakakagat labi na sila habang malagkit ang tingin kay Trevor.

Parang gusto ko tuloy magtransform into a monster at lapain silang tatlo. Ang haha-lay! Pinagnanasaan nila ng lubos si Trevor. Kaya naman nagpalinga linga ako sa lugar malapit sa akin ng bigla kong makita ang isang host na pandilig sa mga halaman. Dali dali kong tinungo ang gripo na nagkokonekta sa host at ini-on ito. Nagtago ako sa malalagong dahon ng halaman at tsaka ko itinaas ang host at itinutok sa tatlong babaeng nagnanasa kay Trevor.

Nagtilian ang mga ito at animong parang mga dagang nagsitakbuhan paalis sa lungga. Dahil sa malakas na tilian ay naagaw nila ang atensyon ni Trevor kung kaya't nilapitan nya ang mga ito.

Pabato kong hinagis ang host tsaka nagmartsa papasok ng mansyon. Kainis! Nilapitan nya pa talaga ang mga 'yon. Hayst!

Nagmukmok ako sa isang sulok dito sa kusina at doon nag-isip isip. Bakit ba ganoon na lamang ako mainis at mairita? Bakit ganon ako magreak nung pinagnanasaan sya ng mga kasambahay dito?

Aish! Nababaliw na talaga ako. Nababaliw na ako kay TREVOR! At hindi iyon maaari. Hindi pwede.

Inlove na ba ako?

Ako pa ba 'to? Parang ibang Fey na ako. Parang hindi na ako ito. At..

At bakit parang nabibihag na ako ng mga mapang-akit na mata ni Trevor? Ng playful lips nya. Nang boses nyang nakaka-goosebumps at nang bumabakat nyang abs!

Ang dami dami ko dapat isiping solusyon sa mga problema ko ngunit si Trevor ang naiisip ko. At si Trevor mismo ang nasa isip ko. Bakit ganon? "Kakaiba talaga ang karisma nya." Pabulong na sambit ko ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napalakas ang boses ko at may nakarinig ng sinabi ko.

"Kaninong karisma?" tanong nya habang nakasandal sa nakabukas na pinto ng kusina. At..

At..

Shitzu!

Narinig nya. Narinig ni Trevor ang sinabi ko. Namimilog ang mga matang napatitig ako sa kanya. At this time hindi ko makita ang playful Trevor na nakita ko kagabi. Instead bumalik ang Trevor na may nanghihigop na mga mata at may seryosong mukha.

Alam nya ba? Alam na ba nya na ako ang may kagagawan ng pambabasa ng tubig sa mga kasambahay?

Oh no!

"I am asking you Miss Lewis. Who's charisma your talking about?" Mapang-akit ang tono nya kaya naman..

Napalunok ako ng sunod sunod! Kasabay non ay ang hindi ma-puknat na titig ko sa kanya. Jeez! Paano ko sasabihin sa kanya na ang karismang tinutukoy ko ay sa kanya?

"A-ah-" naputol ang sasabihin ko dapat dahil bigla syang nagsalita.

"Save it. Follow me." At tsaka sya umayos ng tayo mula sa prenteng pagkakasandal tsaka nag-umpisang lumakad paalis ng kusina.

Wala sa wisyong sumunod ako sa kanya. Para akong lutang sa mga nangyayari ngunit sumunod na lamang ako sa kanya.

Nakita kong patungo sya sa ikalawang palapag ng mansyon. Pupunta ba kami sa opisina nya?

Nang makarating sa pangalawang palapag ay binuksan nya ang pinto ng opisina at doon ay pinauna nya akong pinapasok bago nya pinag-angkop ang pinto.

Hindi pa man nakakapasok ng tuluyan sa loob ng opisina ay nilapitan nya ako from my back. Ramdam ko ang hininga nya. Nasa likod ko lamang sya kaya naman para akong nabato sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw dahil baka magkadikit na kami ng tuluyan. Ultimo paghinga ay pigil ko hanggang sya na ang bumasag sa namutawing katahimikan.

Ramdam kong humugot muna sya ng isang malalim na hininga at tsaka tinanong ang mga katagang, "are you seducing me Miss Lewis?" in a sexy tone.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya at sa dalang kiliti sa tenga ko ng hininga nya. Amoy mint ito at ang bangoooo.

"I am asking you again Miss Lewis. And this time I want an honest answer. Are you seducing me Miss Felicity Lewis?" This time theres a serious tone sa mapang-akit nyang boses.

"N-no." I answered stuttering.

"I will reverse my question Miss Lewis. What if I am the one who's seducing you? What will you do?" He asked in very very sexy tone without touching any part of me. Pero sa boses pa lamang nya parang marami ng nais ipahiwatig. Parang nang-aakit. Or should I say nakakaakit ngang talaga.

"It is just 'what if' Mr. Blaire." I answered directly.

"Point well made Miss Lewis." He said making a distance between us. And in just a second he step turning his gaze on me. "Well then now, lets not assume. I am seducing you, what will you do?" Mapang-akit na tanong nya habang nakatitig na sa aking mga mata patungo sa aking labi.

I bit my lower lip unconsciously. And he then raised his hand over my lips and then lightly pressed his thumb on it. "Don't bite this." Tukoy nya sa pang ibabang labi ko. "It is soft just like you." At sa isang iglap ay napapikit ako at di namalayang magkadikit na ang aming mga labi. At sa di malamang dahilan ay sumasabay na rin ako sa mga galaw ng kanyang labi. His lips is so soft. And he taste like a mint candy. I can't resist. I can't push him away because he curled his arms around me. His right hand was grip at the back of my neck. While his left arm was pushing me towards him. Every kiss was like an angel's kiss. Its soft and heavenly.

itutuloy ..

THE CEO's DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon