Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa lamig na nararamdaman ko. Kumikisap ang mga matang hinanap ko ang kumot ko ngunit hindi ko ito makita.
Nasan na 'yon? At tsaka bakit malamig? Tanong ko sa natutulog ko pang diwa. Sobrang lamig kaya naman napilitan na akong bumangon at kaya pala malamig ay malakas ang pagkaka-on ng aircon! Brrrr. Halos mapuno na ng fag ang buong kwarto. Kulang na lang magyelo ako. Huhu.
Dali dali kong hinanap ang remote ng aircon at ini-off. Brrrrr.. Ang lamig pa din. Mahina pa naman ako sa lamig. At sa pagkakaalam ko hindi ko binuksan ang aircon na 'to kagabi ah. Kung ganon, sino ang nag-on?
Sa pag-iisip kung binuhay ko ba ang aircon kagabi o hindi ay tinignan ko na rin ang oras at luh! 8am na? Tanghali na pala! Lagot ako kay Manang Elbie.
Nagmadali akong naligo at nagbihis. Halos kinse minutos ko lang ginawa ang mga iyon at dali-dali na akong bumaba ng mansyon. Sa pagmamadali ay muntik pa akong madulas, mabuti na lamang at mahigpit akong nakakapit.
Pagdating ko sa kusina ay nagliligpit na si Manang Elbie sa mesa. "G-goodmorning po manang Elbie. P-pasensya na po na-late ako ng gising." hinging paumanhin ko at tumungo.
"Walang good sa morning lalo na kapag late." animo'y masama ang gising na utas nya. "Pasalamat ka good mood si Mr. Blaire kanina at hindi ka na pinagising pa." singhal nya habang nagpupunas ng hapagkainan. "Andon ang mga labahin sa laundry maglaba ka. At wag kang gagamit ng washing machine. Maghandwash ka lang." Dirediretsong utas nya at nagtungo na sa kusina. Mukhang masama talaga ang gising nya. Naiintindihan ko naman na hindi ko sya natulungan kaya naman sinundan ko sya sa kusina upang humingi ng paumanhin kaya lang ay inunahan nya ako na magsalita, "wag kang magrereklamo. Wala pa ang magiging alaga mo kaya pansamantalang tutulong ka muna sa mga gawain dito sa mansyon." Muli ay pasinghal nyang sabi. Kaya naman di na lang ako nagsalita dahil mukhang ikakagalit nya pang lalo.
Nagtungo ako sa laundry at nakita ko doon ang tambak na labahin. Sa dami ng mga ito ay marahil hindi lamang kay Mr. Blaire ang lahat ng ito. Siguro ay nandito na rin ang mga damit ng ibang kasambahay. Humugot ako ng malalim na hininga at sabay sabing "kaya ko 'to! Para kay inay. Aja!".
Mahigit apat na batiya ang nilabhan ko kaya naman pasado alas dos na ng hapon ng matapos ako. Nalipasan na rin ako ng gutom kaya hindi na ako kumain. Dala ng pagod ay dumiretso na ako sa kwarto ko at namahinga.
Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulog ako dala ng pagod at pag gising ko ay alas singko na ng hapon. Tatlong oras akong nakatulog. Shoot! Lagot na naman ako kay Manang Elbie. Nagpalit lang ako ng tshirt tsaka ako nagmamadaling bumaba. Ngunit narinig kong may nag-uusap sa opisina ni Mr. Blaire marahil ay nakarating na sya galing sa trabaho. Tutuloy na sana ako muli sa pagbaba ngunit narinig ko ang pangalan ko kaya naman marahan akong lumapit patungo sa pinto ng opisina ni Mr. Blaire at doon nakinig.
"Sinasabi ko na sa inyo Mr. Blaire walang ginagawa ang babaeng yan dito. Maghapon lamang natulog si Miss Lewis at walang ginawa. Inasa nya sa akin lahat ng gawain. Maging ang paglalaba ay ako na ang gumawa. Nakita nyo naman po pag-alis nyo tulog sya hanggang ngayon tulog pa rin sya." dinig kong sabi ni Manang Elbie sa loob ng opisina. Sya pala ang kausap ni Mr. Blaire. Napatungo ako sa mga narinig ko. At marahang umatras.
Bakit parang ang init ng dugo sa akin ni manang Elbie? Ayaw nya bang nandito ako? May galit ba sya sa akin dati pa? Bakit kailangan nya akong siraan kay Mr. Blaire gayong alam naming pareho na ako ang pinaglaba nya.
Hindi ko maintindihan kung anong gusto iparating ni manang Elbie sa paninira nya sa akin. Ngunit hindi na lamang ako nagsalita at umalis na lang sa opisinang 'yon.

BINABASA MO ANG
THE CEO's DESIRE
Ficción GeneralThis story tends to captivate and disturb your imagination. Wants to be in your wide dreams. "I want you Fey. ONLY YOU." - TREVOR BLAIRE (Warning: Naglalaman ng mature scenes ang ilang kabanata.) COPYRIGHT. ALL RIGHTS RESERVED.