Prelude

157 9 0
                                    

Lagi kong sinasabi noon na New Year, New Beginning. But now, I don't have the guts to say that now knowing na naiwan pa rin iyong utak ko sa nakaraan. Today is the first day of second semester, ang bilis lang ng naging Christmas break, o sadyang hindi lang nawala sa isipan ko iyong nangyari noong gabing iyon.

Hilung-hilo ako ngayon. Hindi ko alam kung kulang ba 'to sa tulog pero pakiramdam ko, nilalagnat na naman ako. Kahit naman na alam kong walang ginagawa every first days pero wala naman akong choice kundi pumasok. I don't want to hear that 'arte lang 'yan' anymore.

I was actually wearing a hoodie today, which is weird for this day since sobrang init. I just don't feel well, hindi rin naman ako nilalagnat, I just feel like nawalan ng energy. Nalalamyaan na rin ako sa sarili kong kilos. Maybe I'm just exhausted since nasanay akong laging nagku-kuwento kay Drex ng mga hinanakit ko. Tama nga iyong sinabi ni Marco na I have to be more conscious, hindi pwedeng laging nagre-recall lagi ng mga bagay.

Siguro ganoon nga ang ginagawa ko ngayon kaya ganito iyong pakiramdam ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na naka-talikod sa gawi ko. Likod pa lang, kilala ko na kung sino siya. And... He's with other girl, chitchatting like we used to.

Tila ba may kung anong bumaon sa puso ko. He was smiling... I wish I could do that, too. Ang tagal ko siyang hindi nakita tapos ganito iyong bubungad sa akin ngayon? Kaya ba hindi na niya ako kinausap no'n dahil nakahanap na kaagad siya ng bagong mabi-biktima?

Dumeretso na lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin.

I just wish na sana hindi nagbunga iyong nangyari...

Ignore negative things. That's the thing I can do for myself right now. Hindi na dapat ako magpapa-apekto.

Lumipas na naman ang isang linggo ay mas lalo akong nababalisa. It supposed to be my period week this week kaso hindi dumating. I convinced myself na baka delayed lang talaga ako at huwag nang isipin iyong bagay na iyon because I do believe that the more you think about it, the more you are able to get it.

But I just can't... Sobrang hirap kumbinsihin iyong sarili ko. My anxiety is getting worse, napapadalas na rin ang sakit ng ulo ko dahil sa kaiisip. I wish I could meet Marco again, gusto ko marinig ulit iyong mga words of wisdom niya. He's right, he really is my soulmate.

Lumipas ulit ang isang linggo ay hindi pa rin dumadating iyong period ko. Hindi naman ako nadu-duwal tulad ng mga napanood ko sa TV, so I don't really think I am. Ayoko ring magresearch about other symptoms dahil natatakot akong baka totoo nga, because I already have the guts... at sana hindi totoo. Maybe it's just anxiety ruining my mood.

Napahawak ako sa wall nang bigla akong mahilo sa paglalakad. Kalalabas ko lang galing sa huling class ko, nagma-madali kasi akong lumabas dahil para akong may naaamoy na hindi ko nagugustuhan kaya pakiramdam ko ay nasusuka ako.

Napapikit ako nang mariin at mas lalong humigpit iyong pagkapit ko sa pader. Hindi ko pa naman kaklase sina Terrell ngayon o sina Gian man lang kaya hindi ko alam kung kanino ba ako hihingi ng tulong.

"Celestine?" Isang boses babae ang narinig ko. Marahan kong nilingon iyon, to find out that it was Effie. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Ayos ka lang ba?"

Umiling ako. "Masakit 'yung ulo ko. I-It feels like I'm about to f-faint..." Nanghihinang saad ko.

Agad naman siyang lumingon sa likod niya. "Hoy, Josh! Tulong nga rito. Samahan natin si Celestine sa clinic."

"No. H-Huwag niyo 'kong dalhin do'n, p-please..."

Naramdaman ko ang pag-alalay sa 'kin ni Joshua sa likod ko. "Ang init mo, Tine. Kailangan ka naming dalhin sa clinic."

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon