"Ano ba naman kasing pinanggagawa mo, bakit ka ba nilagnat," sabi ko sa kanya nang inilapag ko ang niluto kong lugaw para sa kanya.
"Ewan. Basta na lang kasing bumigat katawan ko," sagot niya pa at saka pinatay iyong TV. Nakasandal siya sa headboard habang ang mga paa ay natatabunan ng grey comforter niya. In fairness sa unit niya, malinis.
"Nilalamig ka pa rin ba?"
He wrinkled his nose. "Sakto. Kaya pwedeng paki-off na lang ang AC?"
"Sabi sa 'kin ng Ate ko, mas nakakatulong daw kapag malamig 'yung surroundings." Na-kuwento ko kasi sa kanya na iyong Ate ko ay isang med student. Coincidentally, nag-aaral din pala ng med iyong Ate niya na ngayon ko lang din nalaman.
"Sana all. Ate ko madamot sa kaalaman, e. Hindi nagshe-share," sabi niya pa. Natawa naman ako. "Subuan mo nga ako. Giniginaw ako nang malala!" sabi niya pa at agad na inangat iyong comforter hanggang sa leeg niya.
"You act like a kid." I said while shaking my head. Kinuha ko na lang iyong bowl at sinubukang subuan siya. "Since you also helped me the time na nagkasakit din ako. I'm gonna do it for you."
Ngumanga naman siya nang inilapit ko ang kutsara. Hindi ko maiwasang matawa sa nangyayari dahil mukha kaming tanga dalawa. Sanay naman ako na gawin 'to sa mga kaibigan ko, pero sa ibang tao parang ang awkward lang.
"Ilan ba kayong magkakapatid?" I asked. Wala kasing kapicture-picture iyong unit niya maliban sa naka-display sa study table niya—kasama niya iyong dalawa niyang kaibigang lalaki sa school.
"Tatlo lang. Si Driana 'yung panganay na sinabi ko, tapos si Driella naman 'yung bunso. Ako, pangalawa, only son."
"Anong grade na ba si Driella?"
"Magka-college na rin next year," sagot niya.
"Dito rin siya sa Pinas nag-aaral? We've been friends for four months, but you never mentioned anything about your family. That's quite interesting for me now, I'm sorry for asking these kind of questions," mabilis na sambit ko bago niya pa ako pagalitan. Baka naman kasi private.
Drex chuckled. "Okay lang. Masaya nga akong marinig na gusto mong malaman, e."
"Really?"
He nodded. "Sa totoo lang, wala naman kasi akong ma-kuwento tungkol sa kanila dahil wala namang ganap." He said and laughed a little. "Hiwalay na kasi 'yung Mom and Dad ko. It's a long story and even if it was short, I'd rather not to tell you either since it's quite disturbing, knowing you—magwo-worry ka talaga."
"Oh... okay..."
"So, ayun. Kanya-kanya kami ng buhay ng mga kapatid ko. Walang pakielaman."
Malungkot akong ngumiti. "I'm jealous..."
"Huh? Bakit naman? Ako nga naiingit sa 'yo dahil kumpleto pamilya niyo, e."
"It's because... I want to be independent like you—like you have freedom in anything. Walang nagko-control sa 'yo... walang mangingielam sa 'yo.... Ayoko ng mga matang nakatingin sa 'kin. Kasi parang ang hirap magkamali."
He smiled, inipit niya ang ilang buhok ko sa aking tainga. "I understand your situation... but for me, gusto ko naman 'yung mga matang nakatingin sa 'kin. Gusto ko lang na makita rin ako ng mga tao... na nag-eexist ako. Minsan, naiisip ko... ano kaya sa pakiramdam 'yung may nag-aalaga sa 'yo? 'Yung may kasama kang kumain sa hapag... mga taong matutuwa kung may naa-achieved ka. Minsan, nakakatawa pa dahil naiinggit din ako sa 'yo na may magulang na nagko-control... the fact na umiiyak ka pa habang nag-aaral, I can see that you're challenged. Kasi 'yung buhay ko, walang ka-challenge-challenge. Ni-hindi ko nga alam kung saan ba 'yung patutunguhan ko kasi naka-go with the flow lang ako lagi."
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Teen FictionCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...