"My goodnes, Celestine Jayliah! Talagang nagproceed ka pa rin talaga? Ano bang madudulot niyang pagti-teacher na 'yan?" Gustung-gusto kong sumagot sa mga sinasabi sa akin ni Daddy ngayon. Nakaupo ako sa sofa katabi si Mommy habang hinihimas iyong likod ko.
"Tine... Why don't you try BA instead? Para at least naman ikaw na magha-handle ng business natin sa susunod." Napasapo na lang ako sa noo ko nang dumagdag pa si Mommy.
I just passed the exam at SAU. Kung iyong ibang magulang pa 'to, malamang magiging proud sila sa akin. SAU is a great university, sa part pa lang na nakapasok ako ay isang achievement na! A lot of students who tried ay hirap na makapasok. Hindi ko lang maintindihan kung anong bang problema nila sa page-educ?!
Tumingala ako para harapin si Dad na ngayon ay nakatayo sa harap namin ni Mommy. "Why can't you trust me?"
Dad scoffed. "Really? You're asking that? We trusted you, Celestine! Pero ano? Nagdesisyon ka nang alam mong hindi namin magugustuhan?"
"That's why hindi ko sinabi dahil alam kong hindi niyo rin naman ako papayagan! E, 'yun 'yung gusto ko, 'yun 'yung pangarap ko! I know you're my parents and I should respect your advices, but that doesn't mean kailangan kong laging sundin 'yon. I've been following you all through my life. This is my life, just let me choose what I want this time... please..."
"Natututo ka nang sumagot, ah! Saan ba mo ba natutunan 'yan? Sa mga kaibigan mo? Then, I should tell them na layuan ka na. Hindi na maganda ang naiimpluwensiya nila sa 'yo."
Hindi na ako nakasagot pa pagkatapos niyang sabihin iyon. I just shook my head in disbelief. Pagkatapos ay tumakbo na ako papasok ng kuwarto ko dahil nasasaktan ako sa mga naririnig ko. I just cried and cried inside my room. I was actually waiting them to knock on my door and say sorry, pero iba iyong nangyari. My father went inside my room and told me I am grounded for a week. He took my phone and laptop to avoid accession with my friends.
I was just watching a series and movies for the whole week. Hindi rin ako pinapansin ni Daddy and so I did. Si Mommy ang nagbalik ng lahat ng gadgets ko but hindi pa rin nila naibabalik ang mga cards ko so I had to stay at home until they will give it back to me.
Month has passed, binalik na rin nila iyong cards ko and Dad also gave me a cash on hand. Sakto namang birthday ni Karina kaya nagkaroon ako ng dahilan para lumabas. Simula nang away namin ni Daddy ay parang nawalan bigla ako ng gana sa lahat. I was in no mood when I decided to go to the mall para bumili ng gift for Karina. It's her 19th birthday tomorrow and she's going to celebrate it at the club tonight for salubong, and I don't think I have the energy to go, hindi rin naman ako umiinom.
Balak ko sanang ipadala na lang iyong gift ko kaso nang makarating ako sa bahay ay nagbago bigla iyong isip ko. Panigurado naman akong malulungkot lang ako kapag nagstay ako rito. Mas lalo lang akong mawawalan ng energy. I told my friends na huwag muna akong kausapin for a while dahil alam kong hindi talaga mabuti iyong lagay ko, I was so mad the whole month at baka sila pa ang mapagbuntungan ko.
At 10PM, dumating si Danica para sunduin ako sa bahay. I was actually a bit scared dahil nandito si Dad sa bahay. His car's already here pero hindi pa kami nagkikita. Maybe nasa office niya siya and I don't care anymore. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako hindi nagpaalam sa kanya.
"Hi," Danica greeted as I entered in her car. "Glad to know you're attending."
I sighed. "I need this," maikling sagot ko habang inaayos iyong seatbelt.
"I like your outfit," nakangiting sambit ni Danica saka nagsimula nang magmaneho.
"Yours, too." I am wearing an old rose cross wrap tank top, paired with high wasted black leather jeans. I also wore a silver necklace and the rose gold watch my Dad gave me. I may be mad at my Dad right now but I can't live without a watch! Iisa na lang kasi iyong relo ko dahil laging nawawala ni Ate iyong mga relo niya at hinihiram iyong akin. I don't mind din naman, e. Okay naman na ako sa isa.
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Ficção AdolescenteCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...