Chapter 07

71 7 0
                                    

Nakalipas ang mahabang araw magmula noong pagbisita sa amin ni Drex. Wala naman siyang ginawa no'ng time na iyon dahil puro lang kalokohan ang sinasabi niya sa mga bata. Totoo nga pala talaga iyong sinasabi nilang lakas maka-distorbo ng taong iyon. Dapat palang nag-expect akong maging nuisance siya sa 'kin.

Sinabi niya pa sa mga bata na sa susunod daw na araw ay dadalhin niya raw ang mga 'to sa EK. Sana naman ay tutuparin niya dahil hindi talaga nakakalimutan ng mga bata ang mga promises na iyan.

"Celestine, anong oras na?" Napalingon ako sa kaklase kong babae na nakaupo sa likod ko.

Tumingin ako sa relo ko. "11:25," sagot ko.

"Ah, yes! 5 minutes na lang." Napailing na lang ako nang sabihin niya iyon. Halos karamihan kasi sa 'min ay ayaw na ayaw iyong ProfEd dahil nahihirapan daw sila. Kahit ako rin nga, e. Hindi ako masyadong nakakapag-recite dahil ang dami kong kaklaseng active, parang bigla akong nahiya sa kanila because based on what I heard, puro raw class valedictorians ng HUMSS iyong mga kaklase ko.

"Prelims is fast approaching. For those na hindi masyado nagsasalita sa klase, make sure babawi kayo for the next term. I'm going to grade all of you based on your recitations. Am I clear?" Hindi ko alam kung anong ire-react ko nang marinig ko iyon mula sa Prof namin. Based on our recitations?!

Nang makaalis si Prof Romero ay parang nawalan bigla ako ng energy. Prelims pa lang naman pero ayoko pa ring magkaroon ng mababang grade. I'm sure that would affect my finals. Sana naman hindi masyadong mababa iyong grade ko ngayon, okay naman siguro iyong nape-perfect ko iyong mga tasks.

"Uy, Tine! Lunch?" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Gian. Kasama niya iyong ibang babaeng kagrupo namin. Medyo nagiging close na rin naman ako sa kanila dahil minsan ay sinasama nila akong kumain.

"Ah, hi!" Agad na sabi ko at inayos iyong mga gamit ko. "I'm sorry, I can't. Pupunta akong library," sagot ko.

"What? Hindi ka ba magla-lunch?"

Pagkatapos kong iligpit iyong mga gamit ko ay tumayo na ako para puntahan siya. "Mamaya pa. I don't have first period naman sa hapon," sabi ko habang naglalakad. "Thanks for inviting me! Next time!" sabi ko saka niyakap siya.

Nagpaalam na rin sila pagkatapos. Nang mawala sila sa paningin ko ay ginawa ko na iyong hudyat para maglakad papuntang library. I have to read more and more. I know I'm not intelligent. I may be in the honor's list but it doesn't mean ay matalino na ako. It sucks to be masipag lang.

Nang makarating ako sa library ay parang mas lalo akong na-pressure. Ang dami ring mga estuyanteng naka-tambay, ang seryoso pa ng mga dating nila. May iilan din na parang trip lang talagang tumambay. Na-miss ko tuloy si Karina, pupunta lang ng library para matulog.

And because there's a lot of students, doon na lang ako umupo sa pinaka-dulong shelf. I sat on the floor and bring out my ProfEd 1 book. Sinimulan kong magreview muna roon sa pinaka-nalilito ako. Hindi naman talaga gaano kahirap iyong Four Pillars of Education, it's just the question is very confusing. Madali lang naman akong maka-memorize but the questions are situational. Kaya mas importante talagang alamin muna iyong meaning bago kabisaduhin. It should be both familiarize and memorize.

Naalala ko kasi I was 16 out of 20 items lang ako nung nag-quiz kami rito. It supposed to be two mistakes only, but since two points each item, ayun, mas lalong nagmukhang mababa. Gosh, naiiyak ako kapag iniisip kong baka makakapag-shift ako. Ayokong mangyari iyon! Dad is kind of pressuring...

"Oh, my god—shit—ugh." Kumunot iyong noo nang marinig ko ang ungol na iyon. Inilibot ko ang paningin ko para malaman kung nasaan iyon, but when I realized na hindi naman iyon importante ay binalik ko na lang ang atensyon ko sa libro.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon