"What is this, Celestine Jayliah?" Napatingin ako kay Mommy nang lumabas siya galing sa kuwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak niya na iyong pills na inadvice sa akin ni Selena.
"I-I can explain." Agad na sambit ko saka napatayo. I was so busy studying right now that I couldn't even let go of my reviewer wherever I go. Kahit ngayong nagme-meryenda rito sa sala ay nag-aaral pa rin ako.
"Do you have a boyfriend?" She asked. Good thing, Daddy's not here.
Mabilis akong umiling. "No, Mom. I promise."
"Then, bakit ka may ganito?"
"Selena gave me that. Ang sabi niya kasi pampa-blooming daw," sabi ko naman.
"Do you even know what is this?"
"I know it's a pill. But I wanna try it also, nagse-self study din kasi ako ng sex ed, and I want to study about that." Napakamot ako sa batok ko. This is so awkward but I have to tell the truth.
"Stop that. I'm going to confiscate this from you. When did you start using this?"
"Two weeks ago, I think... Hindi ko na maalala..."
My mom looked at me from head to foot. Her forehead was creasing as she started to cupped my face. Inilagay niya lahat ng buhok ko sa likod at inobserbahang mabuti ang paligid ng mukha ko. And then later on, I heard her huffed a breath. "Good. But I'm going to confiscate this from you. Hindi ako napapanatag."
I nodded. "Yes, Mom. I'm sorry."
"Continue studying."
"Mom... Pwede bang huwag mo nang sabihin kay Dad?"
Tumango naman si Mommy kaya nakahinga ako nang maluwag. Bumalik na lang ako sa kung saan ako nagre-review kanina, pero iyong utak ko hindi na naman nag-cooperate. Hindi pa natapos iyong kaba sa dibdib ko. Lalo pa't pumapasok sa isip ko kung paano kong sinunggaban ng halik si Raziel.
Napapikit ako nang mariin nang maalala ko na naman. Napasapo ako sa aking noo saka mahinang hinahampas-hampas ito. Ano ba naman kasing pumapasok sa isip ko ngayon... Tatlong oras lang iyong tulog ko dahil alas tres na nang madaling araw ako nakauwi. Naaalala ko pa iyong reaction ni Raziel pagkatapos kong gawin iyon. Kahit ako rin naman ay nabigla sa ginawa ko.
Pansin na pansin ko na talaga ng pagbabago ng ugali ko. Hindi ko na maintidihan... Hindi ko alam kung paano ako naging ganito...
Kinabukasan ay maaga akong pumunta ng school. Natatakot kasi ako na makausap si Dad while having a breakfast kaya nauna na lang ako. Feeling ko ang laki na nang kasalanan ko sa mga magulang ko. Ginagawa ko pa rin naman iyong gusto nilang mangyari but I'm aware that what I was doing these days aren't really good. Feeling ko nawalan ako ng landas at ang tanging gumagabay na lang sa akin ay iyong makakuha ng highest rank.
Hindi na nagklase ang halos lahat ng teachers ngayon. Puro pictorials lang dahil last day na ng first semester. Bukas na kasi iyong final exam kaya dapat ire-relax ko muna iyong sarili ko. So, instead na sa library ako tumambay, sumama muna ako kina Gian dito sa canteen para mag iced-coffee. I need to chill out, buong araw akong babad sa pag-aaral kahapon.
"Samahan mo ako, Tine! Naiihi na ako," sambit ni Ellah.
"Okay." Sabay kaming tumayong dalawa at nagpaalam na kina Gian na aalis muna kami.
"Masaya ba 'yang party?" Ellah asked while we're heading towards the restroom of the UC.
"Sakto lang. Hindi pa ako college, pumupunta na kami sa gano'n," sagot ko naman.
"Alam mo, gusto ko ring i-try 'yung ganyan. Kasi sa tingin ko masaya. Pero hindi kasi ako pinapayagan nina Mama, e. Hindi ba delikado 'yon?"
"Hindi naman. Bakit mo naman natanong 'yan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/292561583-288-k641414.jpg)
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
أدب المراهقينCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...