Isang linggo na ang nakalipas, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahagilap si Drex. Nakakapanibago lang din dahil wala ring bumabanggit ng pangalan niya. Hindi ko rin naman matanong iyong mga kilala kong nakakakilala sa kanya dahil ayaw ko namang isipin nila na nagpapakatanga na naman ako. Knowing Drex, it is not impossible na hindi pa siya nakakahanap ng bagong babae ngayon...
I could still recall how he said to me that he loves me, but I don't want to remember it anymore. Everything in the past feels so fake, it's so dark that I couldn't let myself to be in that situation again. Ang hirap mabuhay na wala kang makitang maliwanag. Everything there was so confusing. Gusto ko mang panghawakan iyon but I know it's not good for me, it would just destroy me again. I want something new, something that will help me to only focus for my dreams. I would rather let go of him than my dreams.
Although I couldn't deny how much I missed him, but as long as kaya ko pang tiisin, ayos lang iyon. Kahit na sobrang naku-curious pa rin ako about doon sa special table na sinasabi nung Ysabelle. When I asked Paco naman, he told me na si Drex na lang daw ang tatanungin ko dahil bilin sa kanya ni Drex na huwag munang magsasalita tungkol sa kanya. Kaya pumasok na rin sa isip ko na baka ganoon din ang sinabi niya sa mga bata.
Nasa first day of classes na rin pala ngayon ang mga bata. Nakakatuwang isipin na nasa totoong paaralan na sila nag-aaral. Sobrang naging busy talaga ako sa paga-asikaso ng mga documents nila. May iilan pang hahabulin, but Dad's willing to do it din naman. He told me not to worry anymore at siya na lang ang bahala sa lahat.
My parents are so hands on to me now, which is quite strange for me since usually ay hinahayaan lang naman nila ako, nakikinig na rin sila sa mga sinasabi ko, minsan tinatanong na rin nila kung kumusta ba ang araw ko. Noon kasi, they usually asking me if how was my performance in school, but now, they're only concern about me. Lalong-lalo na noong nalaman nilang nagtuturo ako ng mga street children, my Dad was so glad when he learnt about that.
Grade 4 na nga pala ngayon si Magda at Paco na dapat nasa grade 6 na kung hindi sana sila huminto. Grade 2 naman sina Simon, Mia at Shane na dapat grade 4 na, and Kinder naman si Juan at Niño. Kahahatid lang din namin ni Dad sa kanila. Isa pa, kasama namin iyong parents nina Juan at Niño na nagpaiwan doon sa school nila para bantayan sila.
"Yes, naman, Tine! WTG?" Nakangiting sambit ng bakla kong kaklase na si Ram. Nagka-salubungan kasi kami sa pintuan, palabas ako at siya naman ay papasok.
"Papasok sa next class?" Nagtataka pang sambit ko kahit naman sigurado ako sa sinasabi ko.
"Uy, girl. Lunch na. Next class ka diyan?"
"H-Huh? Hindi ba papasok ka now?" sabi ko naman sabay turo sa loob ng classroom.
"Kukunin ko lang 'yung colored pencils ko kay Prof. Sandali lang, ah. Sasabay ako mag-lunch sa 'yo," sabi niya saka dali-daling pumasok.
"Hindi ako magla-lunch..." pahabol ko subalit hindi na ata niya narinig. I'm planning to go to the library. Gusto ko munang magtulog para magpahinga. Sunud-sunod kasi iyong apat na subjects ko ngayong umaga kaya sobrang draining lang. Lagi-lagi ko na ring ginagawa 'to every MWF ko. Bilin kasi ni Ate na huwag munang i-pressure iyong sarili. Wala naman akong ibang choice kundi sundin iyon dahil gusto ko rin namang tulungan ang sarili ko.
"Let's go!" saad ni Ram saka hinila na ako bigla para sabayan siya maglakad.
"I'm going to the library," sabi ko naman sa kanya dahilan para huminto siya sa paglalakad at nakasimangot na tumingin sa akin.
"Ano ka ba? Lunch break na lunch break, oh?!" aniya saka inikutan ako ng mata. "Hali ka na, huwag nang maarte, girl. May nagbilin sa 'kin na siguraduhin ko raw na kumain ka ng lunch."
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Fiksi RemajaCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...