Hindi rin naman nagtagal iyong pagiging tahimik ni Drex. Bumalik din iyong energy niya after a minutes. Gusto ko sanang itanong kung ayos lang ba talaga siya subalit pinigilan ko lang iyong sarili ko dahil kung ano man iyong alitan nila no'ng Miguel ay labas na ako ro'n. Kahit na mas lalo lang siyang dumagdag sa curiosity ko about Drex, mas mabuti na siguro kung si Drex na mismo iyong magshe-share.
Tumambay muna kami saglit doon at saka umuwi na rin agad. Buong biyahe ay nagtulug-tulugan ako. Alam ko kasing matagal and I don't want Drex to lie anymore. I know he's not okay. I may be just overthinking but I still feel bad for it. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung paanong kumuyom iyong kamao niya. Parang anytime ay gusto niyang sundan si Miguel at sasapakin ito.
"Miss, baka nakakalimutan mong tumatawid ka?" Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang sigaw ng lalaking iyon. Huli na nang mapagtanto kong nasa gitna pa pala ako ng kalsada ng school.
"I'm sorry!" sabi ko saka tumakbo papunta sa kabilang building. Gosh, I was walking mindlessly again!
Maya-maya lang ay may nakasalubong akong dalawang babae. They were smiling at me kaya nagtataka ako kung bakit. "Hi, girlfriend ka ba ni Drex?" tanong no'ng isa na siyang ikinakunot ng noo ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad.
"No." I response.
"Sabi ko sa 'yo, Mela, eh! Mag-best friends lang sila!" sabi naman niya roon sa kasama niya. "Uhm, my name is Juris, pwede bang tulungan mo 'ko kay Drex?"
My lips parted on what the girl just said. "Tulungan saan?" I curiously asked.
"Ito naman si Celestine! Ang slow!"
Kumunot ang noo ko. "Kilala mo ako?"
"Oo naman. Lagi kaya namin kayong nakikita ni Drex. Crush na crush ko kasi 'yon, kaya akala namin girlfriend ka niya since palagi ka niyang kasama."
"Girlfriend? Hindi mo ba siya nakikita na laging may kasamang iba't ibang babae?" I said.
"Kaya nga tinanong kita, girl, eh! Kasi hinala ko lang talaga is best friends kayo. So... ano? Idadaan mo ba ako sa kanya?"
"What? Nakita mo namang may iba't ibang babae siyang kasama tapos you want me na ipakilala sa kanya? I can't do that to you. He's not a serious guy, Juris," sabi ko.
"Okay lang 'yan. Malay mo, sa 'kin siya titino, right? Malay mo magbabago siya kapag nakilala niya na ako?"
Oh, come on. Girls and their fantasies!
"Hindi naman natin malalaman 'yung mangyayari. Walang imposible sa mundo." She added.
Napaiwas agad ako ng tingin sa kanila. Parang may kung anong bumaon sa puso ko bigla. She's beautiful, sexy and looks smart also since ang linis ng ayos niya sa uniform niya and marami siyang hawak na libro na may sticky notes pa na iba't ibang kulay sa mga pages, may bookmark pa ang mga ito.
Tumingin ako sa kanila at sapilitang ngumiti. "I'll try," sabi ko saka agad na iniwan sila roon.
Pinilit ko ang sarili ko na makinig lang sa mga professors ko. I was prone to zoning out, parang gusto ko lang maiyak, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, it makes me worry about myself, because these feelings are so familiar. Mga pakiramdam na ayaw ko na munang maulit pa. This is not the plan.
Nang magdismiss ang huli kong klase ay nagagalak ako sa tuwa. It feels like I just survived a day kahit na lagi namang ganito iyong nangyayari.
Paglabas ko mismo ng building namin ay laking gulat ko nang makita ko agad si Drex. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at tumingin-tingin sa paligid kung may nakakakita ba sa amin. Ayaw ko namang pag-isipan na naman nila kaming mag-kasintahan!
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Novela JuvenilCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...