Chapter 28

45 2 0
                                    

2 years later...

"I am so proud of you, Celestine. I love how devoted you are to your duties as their big sister." Dad said as he tapped my shoulders.

We are now preparing for Magdalene and Paco's graduation ceremony. Sasama kasi sa akin si Dad na umattend kaya nae-excite din ako sa thought. Magda's parents wanted me to be the one na makakasama si Magda sa pag-martsa but I refused. Kahit na ako iyong nagpaaral sa kanila, mas gugustuhin ko pang makitang mag-martsa ang mga batang inalagaan ko kasama ang mga magulang nilang bakas ang pagkasabik na makita ang anak sa entablado.

"Thanks, Dad." I replied and finally wear the bracelet again that Drex gave me.

"Oh, you're wearing that again after three long years." Dad commented.

"No, Dad. It's just two."

"Well, dalawang buwan na lang naman para mag-tatlong taon. I wonder if kailan siya uuwi rito sa Pinas nang makita niya naman 'tong mga bata."

Napangiti ako pagkatapos. "I am wondering, too, Dad. Are we okay now? Let's go?"

Sabay kaming pumasok ng sasakayan ni Dad. Gamit namin ngayon iyong SUV niya. Hindi namin kasama si Mommy at Ate dahil pareho naman silang busy. Ga-graduate na kasi si Ate next month, tapos next week naman ako... Ang bilis nga naman ng panahon...

Pagdating doon ay sinalubong agad kami ng mga magulang ni Magda at Paco. Nagpapasalamat sila sa amin ni Dad at saka inabutan kami ng pancit.

"Maraming salamat po sa abala." Dad said.

"Hindi, Congressman. Kung hindi dahil sa tulong ninyo ng anak mo, hindi ko mararamdaman kung gaano akong nagagalak para sa ngayong araw," sabi naman ng nanay ni Paco.

"Walang anuman. Pangako ko iyon sa inyo. At kung may dapat mang pasalamatan lang dito, iyon ay ang anak ko."

"Sana ganyan din si Magda paglaki, ano?" sabi naman ng nanay ni Magda.

Ngumiti ako. "Naku, maraming salamat po, pero siguradong-sigurado po akong hihigitan pa po ako ni Magda."

"Mama! Halina, mags-start na po!" Napatingin kaming lahat kay Magda nang dumating ito. Pagkatapos ay dali-dali nang hinila ang kanyang ina para pumunta na sa kanilang linya.

Hindi ko maiwasang mapangiti buong ceremony. Hindi ko rin masabing naging mabilis ang panahon. Pagkatapos ng araw nang umalis si Drex, matagal pa akong nakalimot. Pakiramdam ko, ang bagal-bagal lang ng oras kapag hindi ko siya kasama. Na minsan, iniisip ko kung para saan pa ang paggising ko kung alam ko namang walang magandang mangyayari sa buhay ko.

Dumaan ako sa mga ganoong stage to the point that I realized that I wasn't really helping myself to heal, I wasn't healing that time because I always go back to the situation where I could not obviously find an answer but only to feel the love that wasted. Kasi alam kong meron dati na I was eager na ayusin. Hindi ko alam... but I think, naging sagot nga ang pag-alis ni Drex.

It was hard, yes... but later I finally found myself. Again. The Celestine that doesn't rely on someone. Iyong ako na laging sinabing 'I only have myself'. I finally built myself again--but this time is ready, with a lot of things that I just learned.

Lumipas ang mga araw, ngayon nama'y nakikita ko na ang sarili sa entablado, hinihintay na matawag ang pangalan ko.

"Bernardo, Celestine Jayliah Lorenzo, Cum Laude."

My professor said na kung hindi lang ako na-ospital noon ay baka kasama ako sa mga Magna Cumlaudes. But it's okay. I am contented naman na sa kung ano man ako ngayon. Mabuti nga at na-survive ko pa iyong mga araw na hindi ako okay but I have to study. Sobrang hirap na hirap ako kung aalalahanin ko man ang mga araw na iyon. It wasn't just a battle between my heart and mind, it was also the battle between my soul and body. I really have to move my body just to forget all the things that makes my soul broken. Every weekend, nagba-bakasyon ako kahit saan ko gusto. And because of those exercises, natuto rin akong maging independent sa lahat.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon