Week passed by, sama-sama naman kaming apat dito sa condo ni Danica. Since graduated na kaming apat, napagdesisyunan naming mag-celebrate out of town. Pinag-uusapan pa namin kung saan, gusto kasi ni Danica na sa ibang bansa pero ayaw naman ni Selena dahil gusto niya iyong may nalalaman sa culture ng Philippines kaya lagi rin niya sina-suggest na dito na lang sa Pilipinas. Kapag nagsu-suggest naman siya, iyon pa iyong mga napuntahan na rin namin.
"Well, how about Samal Island? Hindi naman 'yan magko-complain pa si Tine, e," sabi naman ni Selena.
I chuckled. "No. Been there for a few times already," sagot ko saka kinuha iyong phone ko na nilapag ko sa table. "Mag-usap na lang muna kayo diyan, ako na ang magre-research."
I downloaded Google Earth. I quickly searched for Philippines and my fingers accidentally landed on Siquijor. Agad na kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to. I researched about the place on google and I saw a lot of beautiful places.
"Wow..." I whispered to myself. "Guys? Have you been in Siquijor?" I asked.
"Siquijor? Wala pa. Saan ba 'yan?" Karina asked.
"Ah! 'Yung malapit sa Dumaguete! My family went there when I was a little, and I saw a pictures of Siquijor, hindi na kami pumunta ro'n dahil wala raw appointment si Lolo do'n." Danica said.
"Well... I heard maraming witches do'n?" Selena said.
"Oh, come on! Stop thinking like that," sabi ko saka pinakita sa kanila iyong phone ko. "Look! There's a lot of beautiful falls, and the beach there has a good spot for sunsets. What do you think?"
"Hindi ba delikado diyan?" tanong naman ni Karina.
"Kapag ba hindi, G kayo?" tanong ko pa.
Danica shrugged. "We'll see. Pero paano natin malalaman 'yon?"
"Research, of course. Pwede tayong manood ng mga travel vlogs, videos on Facebook, ask some people," sagot ko.
"Call," sabay-sabay nilang saad kaya napangiti ako.
Pagkatapos ng araw na iyon ay napagdesisyunan nga naming doon na magba-bakasyon. Simula talaga nang malaman kong babalik na si Drex dito ay para akong na-pressure bigla. I don't know... parang hindi pa yata ako ready kaya gusto ko kapag nagkataon na nakauwi na siya rito e nasa bakasyon pa ako.
The next other days, I went to salon and decided to dye my hair into blonde. Ang tagal ko nang pinaplano 'to kaso hinihintay ko pang maka-graduate muna ako dahil bawal iyong may kulay sa school. Next year pa naman ako magte-take ng boards kaya susulitin ko na lang iyong mga relax days ko.
I went to Barangay Numero afterwards. May pa-feeding program kasi ngayon si Dad ngayon doon. Actually, ginagawa niya na 'to every week in each barangays. Ngayon lang ako pumunta since sobrang napamahal talaga ako sa lugar na iyon. Pumupunta rin naman ako sa ibang feeding program ni Dad kaso depende lang sa available time. Pero kapag Barangay Numero na, gagawan ko talaga ng paraan. I just love the people there, hindi na kasi ako masyadong nakakapunta dahil si Dad na ang tumutulong sa mga bata na makapag-aral sa iskwelahan. He has his own charity works na.
"Ate, parang nakakahiya naman kay Congressman na paaaralin niya kami sa private school. Dami niyo nang natulong sa 'min, Ate. Nakakahiya na talaga." Napangiti ako sa sinabi ni Paco habang nag-aayos kami ng mga gamit.
"Alam niyo, huwag niyong isiping nakakahiya na. You know how I love you all so much. Isa pa, you deserve this, Paco. Nakita ko namang nag-aaral ka nang mabuti. But if that's how you feel, then do everything to make us proud. Okay?"
"Okay po, Ate. Salamat naman at may pa-kondisyon ka. Ang hirap kasing pumasok sa isang bagay kung walang challenge."
My mind automatically remembered something as I heard Paco's words.
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Teen FictionCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...