Chapter 31

29 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paanong nakakasabay ako sa pagiging kaswal ni Drex. Simula nang araw na una naming pagkikita ay lagi na niya akong niyayang lumabas. Pumapayag din naman ako dahil sobrang nami-miss ko na rin siya. It's just been a week tho, pero parang ang dami na agad nangyayari.

Ngayon naman ay balak naming pumunta sa 234 street. Hindi pa kasi nakaka-dalaw ulit do'n si Drex dahil iyong free time na meron lang siya ngayon ay iyong mga oras na nilalabas niya ako. He has a lot of appointments here kasi, binalak niya nga na umuwi rito sa Pinas sa mismong graduation ko kaya lang nagka-appointment din siya sa Thailand. Sa pagkakaalam ko kasi ay tumutulong na siya sa Daddy niya.

"I can't wait to see Paco," Drex said while driving. "My favorite assistant."

I smiled. "Yea, he can't wait to see you, too. Tangkad niya na nga, e."

"How about Pablo? Naaalala ko, siya pa 'yung pinaka-kolelat sa kanila, e."

"Ah, yes. He's with his grandparents na. Hindi ko nga akalaing makaka-witness pa ako ng problema nila sa pamilya, e." I faked a laugh, naalala ko bigla iyong eksena na unang nag-rant ako rito sa kotse ni Drex. Parang kailan lang... "Hinatid ko si Pablo pauwi, pagdating namin sa bahay nila, nag-aaway iyong mga magulang niya. Hindi naman sana ako mang-iintrude kung hindi ko nakitang may hawak na kutsilyo iyong tatay ni Pablo—"

"Wait, what?!" Napatigil ako bigla sa gulat nang halos pasigaw siyang nagsalita. "Bakit hindi ko 'yan alam?"

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Kailangan ba dapat malaman mo lahat?" sagot ko naman sa kanya saka binalik na ang tingin sa daan.

"Siyempre! Paano kung napahamak ka? E, wala ako ro'n! Kaya nga pinapabantay kita sa mga tropa ko dahil mababaliw talaga ako kapag may nangyaring masama sa 'yo," sabi niya pa.

"Is that a joke?" I tried to assure. That was so benevolent, ayoko namang mag-assume.

But he didn't say a word until nakarating na lang kami sa street. Medyo naging awkward tuloy ako sa sitwasyon. Ito nga pala iyong medyo bago kay Drex. Hindi mo mahulaan kung totoong masaya ba talaga siya dahil kapag may nababanggit akong hindi ko alam na baka offensive pala sa kanya—bigla na lang siyang tatahimik.

Masaya kaming sinalubong ng mga bata. Si Drex naman ay tuwang-tuwa nang yakapin siya ng mga ito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan silang lahat. Naaalala ko bigla noong unang araw na nakita ko siya rito. Who would've thought na iyong taong nagtanong lang sa akin ng direksyon noon ay makakasama ko pala sa daan na tinatahak ko ngayon.

Natawa na lamang ako nang nagsi-iyakan naman silang lahat habang sinasabing nami-miss nila si Drex. Kinausap-kausap lang sila ni Drex na naging hudyat ko na lang na umalis para bumili ng pagkain.

Dumeretso ako sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng drinks. Nang balak ko nang pumila sa counter ay napatigil ako nang makasalubong ko si Jimuel, isa sa mga kaibigan ni Drex.

"Huy, grabe, hindi kita nakilala!" sambit niya pagkatapos niya akong tawagin. "Nagmukha ka lalong amerikana sa kulay ng buhok mo. Hiyang-hiya na 'yung balat ko sa 'yo."

I chuckled. "Ah, mag-isa ka lang today?" I asked.

"Kasama ko si Gelo," sagot niya. "Ikaw? Kasama mo si Drex, 'no?" He teased.

Napahawak ako sa batok ko. "Uh, yeah? Kayo, ah. Hindi niyo pala sinasabi na inuutusan pala kayo ni Drex."

"Uy, hala! Hindi naman 'yun utos. Kusang loob kaming gustong magbantay sa 'yo. Siyempre, what is tropahan diba. Nga pala, pakisabi kay Karina, congrats."

Natawa ako. "Wow. You really like to tease her, huh?"

"Hindi ko naman siya tini-tease, e. Siya lang naman nag-iisip no'n."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon