Chapter 16

52 7 0
                                    

"T-Thank you," sabi ko kay Drex nang inabutan niya ako ng coffee. He bought me a coffee again, akala niya siguro lasing na lasing ako.

Nandito na naman ako sa sasakyan niya. Ang sabi ko, lalayo na ako. Naggawa ko naman iyon, e. Pero bakit nandito na naman ako sa lugar kung saan kasama ko na naman siya? Ano bang dapat gawin ko para tuluyan na siyang mawala kahit sa paningin ko man lang? I really tried so hard to avoid him, I tried not to think about him and not to assume every single thing he was doing for me, pero lagi siyang nandiyan, e... I want to ask him why, but I know for sure, he would still answer that we're just friends.

Hindi na ulit siya nagsalita pa, bagkus ay nagsimula ulit siyang magmaneho. Akala ko ay babalik na kami roon sa club, pero sa ibang direksyon siya pumunta. Hindi ko na naggawang magtanong pa dahil ayaw kong magsalita.

"Inaantok ka na ba?" Napalingon ako nang magtanong siya bigla.

"Uh... No," sagot ko saka binalik ang tingin ko sa bintana.

"Bakit ba umiiyak ka na naman?" Hindi ko maiwasang ikunot ang aking noo dahil sa tanong niya. Why would he ask that? As if naman may pakielam talaga siya?

"Tears of joy, I guess?" Pagmamaang-maangan ko pa. There's no way I'd tell him that I cried because I missed him.

I heard him sighed. "Celestine." He called. Napalingon tuloy ako sa kanya dahil hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa pangalan ko. Although 'bebe ko' was so cringe, but I find it more friendly than him, calling my name. Tinatawag niya lang naman ako niyan kapag seryoso iyong sasabihin niya. And I don't want to have a momentous conversation with him anymore. Mas gusto ko na iyong mga biro niya dahil iyon iyong sinasabi niyang friends.

"Yes?"

"Are you okay?" He asked. Iniwas ko tuloy ang tingin ko sa kanya. Sasagot na sana ako nang magsalita siyang muli. "I mean, are you okay with this? Hiniram kita mismo sa celebration mo?"

I scoffed. Hiniram, seriously? "I just agreed. Baka ikaw 'yung uncomfy?" I tried to kid, but I think it didn't convinced him.

"Hindi ko naman sinabing naa-uncomfy ka." He chuckled. "Tinatanong ko lang na baka hahanapin ka ng mga kaibigan mo."

"You just said you're gonna take me for one hour. I agreed because.... because..." Because I want to be with you. Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap siya sa 'kin. "Just because you said it's just one hour. Kailangan ba ng mas malalim na dahilan? We're friends, right?" Hindi ko alam kung tama ba iyong dinahilan ko. Pero sana naman ay hindi niya ako nahalata.

Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos. Tumahimik na lang din ako dahil may parte na sa 'king gusto nang bumaba. Lasing nga siguro ako. Pinapahiya ko lang naman sarili ko rito, e.

Nagsimula akong magtaka nang makalabas na kami ng city. Nang tumingin ako sa relo ko ay isang oras na ang nakalipas magmula nang kinuha niya ako sa club. "Where are we going?" I curiously asked. "Ang sabi mo isang oras lang?"

He just shrugged. My eyes widened in surprise.

"Hello?! Nagse-celebrate ako ng birthday ko, Drex! Saan ba tayo pupunta?!"

"Sandali lang 'to. Relax, bebe ko." Tapos ay natawa na siya.

"Drex, paano 'yung mga bisita ko?"

"Nakapag-celebrate ka naman ng salubong with them, e. Maiintindihan na nila 'yun."

"Ano ba 'tong ginagawa mo?"

"Basta."

"I don't like what you are doing right now."

He glanced at me and smiled a little. Hindi na siya sumagot pagkatapos kong sabihin iyon. Bigla tuloy akong na-guilty kahit hindi naman dapat. Siya naman talaga may kasalanan dito, e. Bakit ba ako pa iyong nagi-guilty? Hays.

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon