"Raziel, let's stop this."
Kumunot ang noo ni Raziel nang lingunin niya ako. Galing kasi kaming mall para bumili ng Christmas gift sa mga bata. Ngayong hinatid niya na ako sa bahay ay hindi ko na pinalagpas pa ang panahon. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ni Raziel. Nakita ko namang naging totoo rin siya sa akin—kaya nakakatakot na baka magalit siya sa akin dahil bigla ko na lang siyang ni-reject.
"Why?"
I sighed. Ayoko lang namang dumagdag pa siya sa problema ko, e. I know I'm not yet done with Drex, ayoko rin siyang madamay sa problema naming dalawa. "I... just can't. I swear, I tried." Umiling ako. "Pero wala talaga, e."
Raziel smiled at me and held my hand. "It's okay. I am actually expecting this to happen, you know?" He sighed. "Hindi naman kasi ako tanga, Tine. I know you were still distracted by someone from the very start."
"P-Pero bakit mo pa rin tinuloy?"
He let go of my hand. "Because I wanna try it. But seriously, mas mabuti na rin 'yung ganito. I honestly don't have a plan in getting married. So, why even date?"
"W-What?"
"Soon, I'll be arranged with someone. Wala rin akong balak to commit with you. So, it's better to ditch me either since you were so much more, Tine. You deserved better." He smiled.
"Raziel..."
"I'm okay. And thank you for trying."
Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap. I counted five seconds in my mind as I decided to let go. "Thank you rin..."
Nakahinga ako nang maluwag nang bumaba ako sa sasakyan niya. I was actually expecting that he would get mad at me. Kasi parang ang gago ko lang sa part na parang ginamit ko lang siya all along just to forget Drex. Pero wala pa ring nangyari...
Simula nang may mangyari sa amin ni Drex ay todo bantay na rin ako sa sarili ko. It's been a week and since it's already Christmas break, hindi ko na rin siya nakikita. Nag-antay din ako ng message niya pero wala rin. But now, I heard na nasa Germany raw siya to spend Christmas.
Tomorrow is the Christmas day. Kaya nang makarating ako sa kuwarto ko ay na-excite ako bigla magbalot ng mga regalo para sa mga bata. Dito napunta iyong halos kalahati ng ipon ko. Hindi lang kasi laruan iyong binili ko para sa kanila, nag-grocery na rin ako para may maibigay ako sa mga magulang nila.
Medyo malaki rin iyong naipon ko kaya iyong kalahati naman ay balak kong ipagawa ng sarili naming classroom, para naman mas makaka-invite pa ako ng mga bata. Balang-araw din, magpapatayo ako ng sariling school—kung papalarin, dahil ang hirap talaga no'n. Pero balak ko rin namang mag-second course ng Business Ad para matulungan ko sina Lolo sa shoe business nila, but I still need to be a teacher first, kapag nasa tamang panahon na rin siguro, hindi pa kasi nakapag-take-over si Mama and may possibilities na baka ibibigay ko na lang din sa mga pinsan ko iyong naghihintay na posisyon sa akin do'n dahil wala naman talaga akong interest sa business.
When Christmas day came, nagkaroon kami ng Christmas party ng mga bata. Letters at bulaklak iyong natanggap ko galing sa kanila. Noong binasa ko iyon isa-isa, hindi ko talaga maiwasang maiyak dahil ang sarap sa feeling na nagpapasalamat sila sa 'yo just because you've changed the direction of their lives.
Halos hindi ako makatulog sa sobrang saya at kilig na binigay nila. Ilang beses ko pang pinaulit-ulit basahin lahat iyon, it really inspires me to keep walking towards my dream. Parang ang sarap sa feeling na at least naramdaman kong may kwenta rin naman pala iyong pangarap ko... Masaya na ako ro'n... Pakiramdam ko, kumpletong-kumpleto na ang Christmas ko.
"Wow, I'm very proud of you, Christine!" Napangiti ako habang nakatingin sa kotseng nabili ni Ate. It is a white Toyota Fortuner. Regalo niya sa sarili niya ngayong pasko. Ang tagal ding pinag-ipunan ni Ate, 'to.
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Fiksi RemajaCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...