Kanina ko pa talaga napapansin si Drex na panay iyong tingin sa akin and it makes me feel awkward, it's bothering and it feels weird for him also na sobrang tahimik niya hanggang sa matapos iyong misa. Parang mali atang hilinging tumahimik na siya dahil hindi ako sanay na ganyan siya katahimik. Nakakatawa na parang ewan.
"Nagsisimba ka pala?" Panimula ko na lang habang naglalakad na kami palabas ng simbahan.
"Hindi. I asked Karina kasi kung bakit hindi ka pumunta and then she told me na magsisimba ka raw kinabukasan and so I went here," he simply said. I just nodded.
"So, you went here just to see me? Hindi mo ako naasar, 'no?" I tried to kid. It's not really my thing but it really felt so awkward!
He chuckled. "Kain tayo? Uhm.. As a friend?"
I shook my head. "Uuwi ako agad."
"Ah, okay." Weird na ba ako sa part na hinahanap ko iyong asar niya sa akin? With Drex, I am always ready talaga sa mga sasabihin niya, na kapag aasarin niya ako ay alam ko na iyong mga isasagot ko, but this time? Hindi ko siya mabasa!
Tumigil ako sa paglalakad at pinigilan ko siya. Nagtataka niya akong binigyan ng tingin subalit hindi ko na lang iyon inisip. Matangkad si Drex so I had to raised my hand to touch his forehead using the back of my hand, down to his neck.
"Uy, anong ginagawa mo?" Nakakunot-noong tanong niya.
Natawa ako sa reaksyon niya. "There you are! 'Kala ko nilalagnat ka, e. What kind of side ba 'yung kaharap kong Drex ngayon?" I asked, trying to remember his word 'acknowledge'. "Ayan, nagtatanong na ako."
Inismiran niya ako saka humalukipkip. "Pasalamat ka nasa simbahan tayo, bebe ko."
I smiled at him. "Okay. Thank you for being with me today, una na 'ko!" I tapped his shoulder and immediately went to my Dad's car. Sanay naman akong ako lagi iyong nangunguna sa conversation but with Drex is very unlikely. Nakakatawa pa dahil hindi niya ata nagawang asarin ako today.
Nang makauwi ako ng bahay ay naka-receive ako ng text from Drex kung nakauwi na ba ako. I simply thank him for asking that. Pagkatapos ay naging tuloy-tuloy na iyong pag-uusap namin.
I thought it won't last a day pero mas humigit pa ro'n ang inaasahan ko. Simula nang araw na iyon ay araw-araw na siyang nagte-text sa 'kin. It has been already two weeks since we met at the church. Maging sa school ay kinakamusta niya na ako, hindi ko siya masyadong nakikita kaya minsan he's asking a video call pero nire-reject ko lang lagi.
I know he's just playing.
There was a time na magkasama rin kaming kumain sa labas ng school; we both studied at the library; I went to his shop and we had some conversations there. All I could say is that we're getting closer than usual. Parang nasasanay na ako sa presence niya.
"Ate..."
"Ate..."
"Ate Tine!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ni Paco. "Ay, hala sorry, Ate! Sabi kasi ni Magda sumigaw daw, e."
"You know it's not good," giit ko.
"Uhm... Sorry, Ate. Naisip ko lang kasi na baka kung anong nangyayari sa 'yo, kanina ka pa kasi namin tinatawag pero tulala lang po talaga kayo sa kawalan. Ayos lang po ba kayo?" sambit pa ni Magda. Napatingin ako sa kanila, lahat sila ay nakatingin sa akin na parang nag-aalala na.
Tumango ako. "Opo, opo. I'm okay. Don't mind me," sabi ko saka kinuha na iyong mga meryenda namin. "Tapos na pala kayo, sorry. Sige, kumain na muna kayo."
BINABASA MO ANG
Yesterday and Sunrise
Roman pour AdolescentsCelestine Bernardo is a dreamer. Despite having an authoritarian parents ay nagawa niya pa ring ipaglaban ang kanyang pangarap na siguradong ikadidismaya ng kanyang mga magulang. Her dream is to become a teacher, and to provide something for street...