Chapter 30

38 0 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba habang papalapit siya sa amin. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa gulat. I am not dreaming, right? After almost 3 years, he's finally here, right in front of me.

"Oh, pa'no ba 'yan? Nandyan pala 'yung boyfriend, e!" Narinig kong sambit nung lalaking kumausap sa 'kin kanina.

Drex eyes moved to the guy and smirked. "Alis ka na, shoo!" He said then laughed. Binalik niya ang tingin sa akin saka ngumiti. "Hello, blondie. You caught my attention."

Hindi ako makapag-salita. Natatameme ako dahil sa dating niya. His physical appearance changes a lot! He looks more mature now. Pati sa pananamit ay naninibago ako. He's wearing a white button down polo—na hindi ko alam kung bago ba 'to sa kanya o madalas ko lang siyang nakikitang naka-jacket noon. He looked so clean dahil din sa ayos ng buhok niya. Wala na rin siyang suot na peircings sa kanyang tainga.

"Tine..." Natauhan ako bigla nang banggitin niya ang pangalan ko. "Did I just jolt you?" Bakas sa tono nang pananalita niya ang pag-aalala.

Yes. And I do not know how to calm myself down right now.

"Y-You're here..." I finally said.

"I'm sorry. I didn't mean to shock you. Are you okay?" He asked.

"Y-Yes. I'm okay... It's just that... I didn't expect you to be here... after a long years..."

He sighed. "I'm sorry..."

Kumunot ang noo ko. "P-Para saan?"

"Hindi ko pinaalam sa 'yo."

"No. It's okay. It's for your good."

He smiled. Hindi siya nagsalita, bagkus ay marahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "I've been longing for this..." He whispered as I felt his hand caressing my hair.

I tapped his back and smiled. "I've missed you, too," sabi ko saka bumitaw. "But don't forget na nasa public place tayo?" I said.

He chuckled. "Ay, wala akong pakielam, bebe ko," sagot niya saka akmang yayakapin ako nang pigilan ko siya agad.

"Ano ba? Nakakahiya," natatawang sambit ko. "Ikaw kung umasta ka parang hindi ka nawala ng tatlong taon," sabi ko sa kanya saka tinalikuran na siya para ibalik iyong shampoo. Pagkain na lang siguro muna iyong bibilhin ko.

Nang muli akong tumingin sa kanya, nagtataka ako dahil nakatingin lang din siya sakin. Masyado ba akong naging offensive?

"Ah? Tara? Gusto mo ba akong samahan sa counter? Pero okay lang kung hindi," sabi ko na lang.

"Ah, sure," he replied.

Naglakad kami papunta sa counter. Wala na namang nagsalita sa amin. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Bakit ba hindi siya nagsasalita? Parang kanina lang napaka-casual niya.

"I'm sorry."
"I'm sorry."

Sabay naming sambit pagkatapos nang isang mahabang katahimikan.

"Sorry?" sabi niya. "Why?"

Napakamot ako ng ulo. "I feel like I ruined your welcome surprise."

Kumunot ang noo niya. "Huh?" and then he laughed. "Saang part?"

"Ahh... wala, wala!" sabi ko na lang. "Ikaw? Bakit ka nagso-sorry?"

"Sabihin mo muna kung bakit ka nagso-sorry."

"Wala lang nga 'yon," sabi ko.

"Okay. E' di wala lang din 'yung akin."

"Okay."

Yesterday and SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon