Kabanata 44

40.4K 966 257
                                    

"You knew he was there." Hindi ko kailangang itanong pa dahil maliwanag pa sa sikat ng buwan ang sagot. "Why Lucas?"

"I want him to leave you, Aly." anitong tila hindi rin sigurado kung tama ang ginawa. "I'm sorry, Aly." Bumalatay ang matinding pagsisisi nang mapagtanto ang ginawa.

Napapikit ako. I knew it. He indeed played dirty.

"I forgive you."

Hindi ko magawang magalit sa kanya. Sa dami ng kabutihan niyang nagawa sa akin, hinding hindi iyon mabubura ng isang pagkakamali lamang. At hindi ko man sinasadya, alam kong nasaktan ko siya.

"I owe you a lot and I would be always grateful that I got the chance to meet you, a wonderful soul like you. You will always have a special place in my heart but we both know that he's still the one." malamlam ang matang sabi ko sa kanya. "Thank you for everything, Lucas." napahikbi na ako sa huling pangungusap.

"Patawarin mo sana ako. Minahal kita, pero hindi sa paraang gusto mo. I wish you also find the happiness you truly deserve. It may take some time before the dust settles but I know you will make it. Goodbye Lucas." Nginitian ko siya at kasabay non ang pamamalisbis muli ng mga luha ko. Tumango siya tanda ng pagtanggap habang lumuluha rin. At tuluyan ko na siyang tinalikuran.

Napakasakit. Ilang taon ko siyang kasama. Mami-miss ko siya. Habang marahang naglalakad ako ay panay ang patak ng luha ko at pumapasok sa aking balintanaw ang masasayang alaala namin.

Ang pilyong ngisi niya kapag naiisahan ako, ang palaging pag-akbay nito sa akin na halos sakalin na ako, ang pagmamalaki nito kung gaano siya kagwapo, ang mga pang-aasar niya sa akin, ang mga cornyng pick-up lines, ang mga pambabardagul niya. Pero higit doon, ang mga bisig niya na palaging handang yakapin ako kapag sobrang sakit na. Sa lahat ng naging paghihirap ko, nandoon siya.

Kahit tuksung tukso akong lingonin siya, hindi ko ginawa. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya sa huling pagkakataon. Kung maaari lamang na hilingin kong manatili siya sa tabi ko, pero hindi tama iyon. Umaasa akong dadating ang panahon na kapag muling nag-krus ang landas namin, wala na ang sakit. Pero hangga't hindi pa dumarating ang panahon na iyon, kailangan kong mamili. At pipiliin ko ang taong tunay na sinisigaw ng puso ko.

"Drake..." sambit ko sa pangalan niya nang makalapit ako. Ang mga kamay ko'y naglilikot at sumasal ang pagtibok ng puso ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. Alam kong nakita niya ang halik na iyon. Pero nakapagtatakang hindi siya lumapit.

Hindi ko naiwasang makaramdam ng pangamba dahil kitang kita ko sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan ang madilim niyang mukha na masamang nakatingin kay Lucas habang nagtatagis ang bagang. Pero nanghilakbot ako nang makita kung ano ang hawak niya sa kanang kamay niya. He's holding a gun!

"Drake! Please don't hurt him." sumamo ko sa kanya at hinawakan ng nanginginig kong kamay ang braso niya habang umiiling ako. "Ako na lamang ang saktan mo, pero huwag siya. Please." pagmamakaawa ko pa.

Tiningnan niya ako ng nabibiglang mga mata at dumaan doon ang matinding sakit. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. Ngunit madali niya iyong napalitan ng walang emosyong mukha. Umangat ang kamay nito na nagpapikit sa akin. Kung sasaktan niya ako, tatanggapin ko iyon. He just witnessed his wife being kissed by another man. Pero naramdaman ko na lamang ang likod ng daliri niya sa mga pisngi ko at marahang pinupunasan ang natitirang luha doon.

"Get in, baby. You'll get cold." kalmang sabi nito at hinalikan ako sa noo na taliwas sa inaasahan ko.

Matapos ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng itim nitong sasakyan. Para akong manikang de susi na sumunod sa gusto niya. Nakasunod ang mata ko dito hanggang makaupo ito sa driver's seat. Napahinga lamang ako nang maluwag nang inilagay nito sa compartment ang itim nitong baril. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si Lucas na nakatanaw pa rin sa amin. Mukhang wala itong kamalay malay sa nangyari.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon